"Nasaan si Frances?" Ulit niya. Bahagya niyang niyugyog ang aking kamay. Napaiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tumitig sa kanyang matang nakakahalina. "N-nasa bahay." nauutal kong ani at maharas kong binawi ang aking kamay. "Kung gusto mo siyang makita, tawagan mo ako upang masabi ko sa kanya ang tungkol sa pagpunta mo. Huwag mo lang bibiglain si Frances." Sa susunod na buwan pa siguro iyon dahil babalik na siya ng pilipinas bukas ayon kay Luca. Sandali siyang natahimik at sinuri ang aking mata. "May alam ba siya tungkol kay Paris?" Bakit niya sa akin ito tinatanong? Hindi ba sinasabi ng kanyang ina sa kanya? "Mayroon, alam niyang patay na ito." Hindi ako makatingin ng direkta. Binabasa niya ang bawat reaksyon ko, hindi ko dapat magpakita ng kahinaan sa harap niya. "E' sa akin

