Kabanata XXXV

2456 Words

Tanaw tanaw namin ang mga batang naglalaro sa playground. Masaya sila kasama ang kanilang mga magulang. Pinapagitnaan namin ni Rafael si Frances na nakaupo lang sa aming gitna. Napansin ko ang pasulyap sulyap niyang tingin kay Rafael. May isip ang bata alam kong nagtataka siya kung bakit niya kamukha si Rafael. Si Frances ang isang batang bersyon ni Rafael, hindi ko malilimutan ang nakita kong litrato ng batang kambal sa kwarto ni Rafael. Mukhang kabilang si Frances sa kanila dahil hindi nagkakalayo ang hitsura niya sa dalawa. Pasulyap sulyap ang aking anak kay Rafael, si Rafael nama'y nakangiti lang habang hinuhuli nito ang paningin. "Anak," Tawag ko kay Frances at pilit siyang pinaupo sa aking hita. Sumunod ang bata at nahihiyang itinago ang mukha sa aking dibdib at mayamaya'y susuly

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD