"Are you sure about this?" tanong sa akin ng human resources management head nang matanggap niya ang resignation letter ko. Nilagay ko ang kamay ko sa likuran at tumango. Bahagya akong nahiya, alam kong biglaan ang naging desisyon ko. Maganda din ang pakikitungo nila sa akin pero alam kong kailangan ko itong gawin. Gaya ng sabi ko, lumalaki si Frances at lumalaki din ang gastusin. Hindi ko naman sinasabing maliit ang pasahod nila pero mas malaki lang ang offer ni Luca sa akin. "Okay. If that's your final decision, then I guess I have no longer has a right to stop you." Aniya at ngumiti. "Wish you all the best, Ms. Maghirang." Aniya at nilahad ang kamay niya sa huling pagkakataon na malugod ko namang tinanggap. "Addio," Ani ko sa kanya. Mabuti na lang hindi na nila pinilit na mag compl

