"Mommy, what are you thinking?" Tanong sa akin ni Frances isang gabi. Nasa tabi ako niya habang tinatapik ang kanyang pwet upang makatulog siya. Si Daniel nama'y malakas na humihilik sa kabilang kama kaya hindi agad akong nakatulog. "Do you want mommy to marry Daddy Luca?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya at ngumiti. Tumiyaha ako at tiningnan ang kisame. "If you don't want to marry Daddy then it's okay too." Kibit balikat na ani ng anak ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sasabihin. Bakit ko ba ito tinanong sa kanya? Sa kapalaran ko ipagkakatiwala ang mga bagay na iyon pero batid kong ako ang humahawak ng hinaharap ko. Hanggang ngayon nasa isipan ko pa rin kung bakit naririto ang presensya ni Ate Zasha. Hindi ko alam kung bakit ako kinabahan noong nakaraang araw nang makita k

