Kabanata XXXVIII

2073 Words

Nakabalik ako ng upuan ko nang nanghihina pagkatapos ng maikling komportasyon na naganap sa aming dalawa ni Veronica. Kung tutuusin wala naman talagang akong karapatan kay Rafael kahit nong una pa. Wala akong karapatan nang malaman kong si Marisol ang girlfriend niya tapos siya'y nagpapanggap lang na asawa kong si Paris. Wala akong karapatan ngayon dahil wala namang namamagitan sa amin, at ikakasal na rin sila ni Veronica. Wala akong karapatan sa lalakeng minahal ko... "Balisa ka, may nangyari ba?" Mahinang tanong ni Luca sa akin nang makaupo ako sa kanyang harapan. "Wala naman," tugon ko at bumawi ng ngiti. Ngumiti siya at pinunasan ang giliran ng labi niya ng table napkin. Tumayo siya bilang hudyat na pwede na kaming umalis. Nagpaalam siya kay Veronica at kay Rafael na kasalukuyang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD