"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Rafael nang pumasok kami isa elevator. Palazzo Eni, 3rd tallest building in Rome, Italy. Panay ngiti niya habang nakahawak sa aking beywang. Ako nama'y kinakabahan dahil baka mahuli kaming na pumuslit rito. Sa likod kami dumaan, mahigpit kasi ang pasukan. "Basta..." Aniya. Lumabas kami elevator at pagkatapos hinila niya ako palabas. Dali dali naming tinahak ang madilim na hallway. Nang may nakitang ilaw mula sa flashlight ay agad kaming nagtago sa isang sulok. Gwardya pala iyon na nag iikot sa buong gusali. "Pag tayo nahuli dito.." Suway ko sa kanya. Para kaming teenager na nagtatago at natatakot mahuli ng magulang. Nang lumagpas ang gwardya at lumiko ito at dahan dahan kaming tumakbo sa isang hagdan at dali daling kaming umakyat paitaas. "Hahanapi

