“Papa, okay lang po ba kayo?” Nag-aalalang tanong ng pitong taong gulang na si Keith. Maya-mayang hinahatak ang laylayan ng lumang damit ng kanyang papa, habang tinitingala niya ito. Hindi na niya pinansin pa ang cotton candy na hawak-hawak niya sa kabilang kamay, nang marinig niya ang pagsinghot ng kanyang papa. Iniisip niyang may sipon ito.
Nang lingunin siya ng kanyang Papa, nginitian niya kaagad ito nang kay laki. “Okay lang si Papa, bunso ko. Napuwing lang ang Papa. Halika nga, kiss mo 'ko.” Pagpapalusot ng kanyang Papa, at dahil wala pa siyang kamuwang-muwang sa mundo, binili niya ito. Kaagad siyang nagpabitbit sa kanyang Papa, bago niya ito pinaulanan ng halik sa pisngi.
Tumango na lamang si Keith, at bumalik sa kanyang mga laruan, na nakakalat sa sahig ng kanilang munting bahay. Habang unti-unti niyang kinakagat ang tig-lilimang cotton candy niya. Napasimangot siya nang mapagtantong may sipon na naman ang kanyang Papa. Hindi niya maiwasang makaramdam ng tampo sa lalaking linggo-linggong binibisita ang bahay nila. Hindi dahil sa gusto sila nitong makita, kundi para maningil ng utang. Kanina lamang, ay bumisita ulit ito sa kanilang bahay, sinisingil ang Papa niya.
At sa tuwing maninigil ito ng utang, lagi ka lang nagkakasipon ang Papa niya. Lagi nitong dahilan, ang ay napuwing lamang siya. Nakaramdam si Keith ng lungkot dahil alam niyang wala silang pambili ng gamot. Napatingin tuloy siya sa kanyang cotton candy, at mas lalo pang sumimangot. Wala na silang pera, ngunit nagawa pa rin niyang manghingi ng pambili ng candy. Gayon pa man, inubos niya pa rin ito para hindi masayang.
Kaagad namang nawala ang iniisip niya nang marinig niya ang pagtawag ng Kuya Brandon niya. Mabilis siyang napangiti, at iniwan ang mga laruan. Sigurado siyang narinig niya ito sa kanilang bakuran, sakto kung nasaan naglalagi ang mga munting alaga nila. Nagmamadali niya itong tinungo habang humahagikhik, hanggang sa nakita niyang nakaupo ang Kuya Brandon niya sa tabi ng kulungan ng mga bibe. Ani moy may ginagawa roon.
Agad siyang nginitian nito. “Bunso, may napisa nang isa! Tignan mo, ang cute!” Tuwang-tuwang anunsyo ng Kuya Brandon niya, na kanyang ikinatuwa nang husto.
Umupo si Keith sa tabi ng Kanyang Kuya Brandon, bago sinilip ang munting pugad ng kanilang pato, kung saan may mga itlog na nagsisimula nang mapisa. “Woah, sabi ko sa'yo, Kuya, eh! Sabi ko sa'yo mapipisa pa 'yan, eh! Muntikan mo nang gawing ulam yung mga itlog!” Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ni Keith nang maalala ang muntikan nang gawin nito.
Humagikhik naman ang Kuya Brandon niya. “Gagawin ko sanang scrambled eggs, eh! Paborito kaya na'ting almusal 'yon. HAHAHAHAH.” Bahagya siyang napasimangot dahil sa sinabi nito, kaya naman agad siyang umisip ng palusot.
“Eh galing naman 'yon sa tindahan! Hindi naman sa mga alaga na'tin.” Pag giit niya, na ikinatawa lang lalo ng Kuya Brandon niya.
Buong umaga nilang binantayan at pinagmasdan ang mga itlog ng kanilang pato. Para kay Keith, isa ito sa mga pinaka magandang bagay na nakita niya, lalo na at kasama niya ang kanyang Kuya Brandon.
-_-
Dahan-dahang bumukas ang maiitim na mga mata ni Kane, bago tuluyang napaungol nang may kalaliman. Dahil ito sa maya-mayang pag-galaw ng maiksing binti, na marahang kumikiskis sa kanyang naghuhuminding na p*********i. Pagmulat pa lamang, ay kaagad na niyang tinignan kung saan nagmumula ang bagay na biglaang nagpainit sa kanyang katawan.
Kaagad na nasilayan ng mga mata ni Kane, ang maliit na pigura ng katawan ni Keith. Tulog na nakayakap sa kanyang katawan, habang nakisiksik ang kaliwang binti sa gitna ng mga binti niya, hindi sinasadyang kumikiskis sa kanyang p*********i. Ang mukha nito ay nakasiksik rin sa kanyang dibdib, ani moy nilalanghap ang kanyang bruskong amoy para makatulog. Hindi maiwasang kumislot ng gising na gising niyang alaga, dahil sa lambot ng binti nito.
Nagsisimula pa lamang umakyat ng init sa kanyang katawan, nang inalis niya ang malalaswang mga imahe na nagsimulang mabuo sa kanyang utak. Napa daing na lamang siya habang pilit na pinapakalma ang sarili, lalo na ang panay kislot niyang batuta. Hindi sa pagmamalaki, ngunit may kahabaan ang kanyang p*********i. At mas lalo iyong nakita dahil halos pumantay na ang haba nito sa binti ng natutulog na binata.
Muli, ay inalis niya ang malalaswang mga imahe, at pinalitan ng masasagwang pigura ng mga kulubot na matatanda. Dahan-dahan niya ring tinanggal ang pagkakasiksik ng binti ni Keith mula sa kanyang kumikislot na laman. Pigil hininga niyang hinawakan ang malambot na binti ni Keith, atsaka inayos ang pagkakahiga nito. Nang magtagumpay, ay napa buntong hininga siya, at umayos na rin sa pagkakahiga.
Hindi niya naiwasang mapayuko, at tignan ang alaga niyang animoy gustong kumawala. Kailan pa nga ba siyang huling nagkaroon ng magandang orgasmo? Hindi na niya maalala dahil hindi naman ito ang sentro ng utak niya. Ngunit ikaila man ng utak niya ang mga makamundong bagay, tulad nito, mismong katawan na niya ang nagmamakaawa para makaranas nito. Naisasalba man iyon ng kanyang kanang kamay, iba pa rin ang pakiramdam ng pakikipagsipin.
Naputol ang pag-iisip ni Kane nang gumalaw ang natutulog na si Keith sa tabi niya, hudyat na magigising na rin ito. Maya-maya pa, ay nagsimula na itong mag-unat, habang unti-unting binubuksan ang tsokolateng niyang mga mata. Dahil sa taranta, kinuha ni Kane ang kumot na nalaglag sa sahig, at itinakip sa kanyang matigas pa ring alaga. Bago pa siya makita nito, pigil hininga siyang tumayo, para lumipat sa kanyang kama. Takip-takip ang bakat niya.
Si Keith naman, sa kabilang banda, ay pilit na nag-unat, bago tuluyang napahikab dahil sa pagkakagising. Sunod na kinusot niya ang mapupungay niyang mga mata, upang masanay sa liwanag na nagmumula sa maliit na bintana ng kanilang selda. Maya-maya pa, ay naupo na siya, habang inaalis ang kapiranggot na antok na nararamdaman niya. Napayuko siya, at napalingon sa animoy isang tent mula sa kanyang kahel na pajamas. Agad niyang naramdaman ang pagkahiya, kasunod ng pamumula ng kanyang mga pisngi.
Kahit na normal pa iyon, hindi niya pa rin maiwasang mapakamot ng batok sa hiya. Kaagad niyang hinanap ang kumot na itim na kanyang ginamit kagabi, ngunit hindi na niya iyon nakita pa. Kaya naman unan na lamang ang nakita niyang pantakip sa kanyang p*********i. Natural ay tatayo iyon, hudyat na naiihi na ang isang lalaki. Dahan-dahan siyang tumingin sa paligid. Napansin niyang tulog pa rin ang magnobyo sa kama nila, kaya naman napayapa ang kumakabog niyang dibdib.
Inilapag niya muna ang munting unan, bago nagmamadaling nagpatianod papunta sa kanilang maliit na palikuran. Nang magtagumpay siya, ay agad niyang hinawi ang itim na kurtina, upang magsilbing harang niya. Isang malalim na paghinga ang kumawala mula sa kanyang dibdib, bago ibinaba ang kanyang kahel na pajamas. Pagkatapos, ay agad siyang bumalik papunta sa kanyang kama. Kumunot kaagad ang kanyang noo, nang makitang nakatayo pa rin ang munti niyang p*********i. Napasimangot na lamang siya, at agad itong tinakpan gamit ang unan.
Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang siyang napangiti dahil sa panaginip niya kagabi. Nakita niyang muli ang mga bibi niya, kasama ng ina ng mga ito. Lalo na nang maalala niya ang kayakap niya kagabi. Ramdam na ramdam niya ang higpit ng yakap ng kuya niya sa kanya. Ganon na lamang ang pangungulila niya sa kanyang Kuya Brandon. Na kahit sa panaginip na lamang, ay gugustuhin niya pa ring makita. Ni minsan, ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob para sa kanyang Kuya Brandon. Alam niyang biktima lang rin ito ng mapaglarong tadhana.
Bago pa lumala ang dinaradam niya, umiling na agad siya. Kasalanan niya ang lahat, at pagdudusahan niya iyon habang buhay. Pinatay niya ito nang walang awa, kaya naman mabubulok na siya sa kulungan. Habang buhay. Mapait siyang napangiti, at pilit na inisiksik ang pagsisisi sa kanyang isip. Muli siyang dinalaw ng antok, at tuluyang nakatulog. Papunta sa kanyang panaginip. Nagbabakasakaling makita muli ang Kuya Brandon niya.
-_-
Dumaan ang ilan pang mga araw, at makikita mo na ang mga kakaunting pagbabago kay Keith. Hindi na siya nababahala pa sa kakaibang amoy sa loob ng selda. Kitang-kita na rin ang pagbabago ng oras ng kanyang pagtulog at pag gising. Tila nasanay na ang tsokolateng mga mata niya sa pagmulat, at pagsalubong sa walang kabuhay-buhay na silid. Hindi na rin niya iniinda ang malamig na sahig sa kanyang hubad na talampakan.
Kalakip rin nito ang maya-maya niyang paghahanap sa tatlong lalaking, itinuring niya nang kaibigan. Nakiki sama na rin siya sa mga maya-mayang biro ng magnobyo. Bukod doon, ay nasanay na rin siyang pakisamahan ang napaka lamig na pakikitungo sa kanya ni Kane. Walang pagbabago, at mas lalo pang lumamig ito pagdating sa kanya. Hindi na niya pa nakikitang tumitingin ito sa kanya. Ni imik ay wala na siyang naririnig mula rito. Naririnig niya lamang ang nakakatakot nitong boses, kapag kinakausap ang magnobyo.
Gusto mang batiin ni Keith nang magandang umaga ito, hindi na niya magawa dahil palagi itong tulog. Ngunit sa kabilang banda, ay palagi na niyang nakikita ang Kuya Brandon niya sa panaginip. Naging gabi-gabi na ito, animoy dinadalaw siya sa kanyang pagtulog. Gabi-gabi na kasi niyang nararamdaman ang mahihigpit na yakap nito. Dumating na rin sa puntong ginusto niyang dumilat upang makita ito, ngunit ayaw niyang gumising, dahil baka mawala ito. Iyon ang dahilan kung bakit ang pagtulog na ang isa sa pinaka paborito niyang oras.
Doon, ay nararanasan niyang makatikim ng kapayapaan mula sa pagyakap nito sa kanya. Para bang nagiging normal muli ang buhay niya sa tuwing mapapanaginipan niya ang nakatatandang kapatid. Iyon na lamang ang kaisa-isang kinakapitan niya. Isang panandaliang ilusyon. At sa pagmulat ng kanyang mga mata, babalik muli ang realidad, animoy paulit-ulit sinasampal sa kanyang mukha. Hindi na niya ito iniinda, dahil alam niyang sasapit pa rin ang gabi, at makakatulog pa rin siya nang mahimbing.
Dumating ang isang umagang nagising siya dahil sa pagtatawanan ng magnobyo. Dahil sa pagka antok, ay hindi niya marinig ang pinaguusapan ng mga ito nang maayos. “Kawawa naman yung 'bata', Kane. Hehe, grabi ka makakapit kapag natutulog, pero pagdating ng umaga, para ka nang galit na kalabaw. HAHAHAHHA!” Narinig niyang pabirong bulyaw ni Jake, kasama ng pagtawa ni Shane.
“Gago, hindi pa rin tuyo yung kama ko! San mo 'ko gusto matulog? Sa sahig?!” Asar na pagbalik ni Kane, na nagpatawang muli sa magnobyo. Wala silang ideya na nakangiti na ang kakagising lang na binata.
Napahawak naman si Shane sa kanyang baba, animoy nag iisip ng isasagot sa katanungan niya. “Pwede namang sa kama ka ni Jake matulog, eh.” Pilyong sagot niya, habang pakindat-kindat pa. Tumango naman si Jake, upang sakyan ang kapilyuhan ng nobyo.
“Wag na lang kung ganon. Puro t***d niyo na yang nasa kama niyo. Madikitan pa ko niyan.” Pagtatanggi ni Kane, na alam naman nilang puno ng katotohanan.
“Oo na, tama na. Para kang galit na sunog HAHAHAHHAHA!” Malakas na pagtawa ni Jake, animoy ineenjoy ang pang-aasar sa lalaki.
Napatigil naman sila sa pagtawa nang marinig nila ang mahinang paghagikhik ni Keith. Agad silang napatingin sa bagong gising nitong mukha. Gulo-gulo pa ang buhok, at napaka pungay pa ng mga mata. Bakas pa sa mukha nito ang mga latay ng unan niya. Ang kapulahan ng mga pisngi nito. Sunod ay nakarinig sila ng singhal mula kay Kane, bago ito muling nagsalita.
“Maghanda kayo mamaya, at kukunin natin yung mga uniporme. Apat na pares, tag iisa tayo.” Seryosong pag-aanunsyo ni Kane, na ikinatuwa na magnobyo.
“Haysst, makaka labas na rin. Gustong-gusto ko na bumalik sa sarili kong kama.” Masayang ani ni Shane, pikit-pikit ang mga mata.
Si Keith naman sa kabilang banda, ay nabigla. Hindi niya maintindihan ang sinasabi nito, ngunit napakalinaw ng narinig niya. Aalis na ang mga ito. Kaagad na nangilid ang mga luha niya, kaya naman yumuko na lamang siya. “Yown, makakalaya na rin. Mas gusto ko pa ring inaararo si Shane sa maayos na kama. HAHAHHA——Aray, babe!” Doon na napagtanto ni Keith na may araw pala ng kalayaan ang mga ito. Siya lang pala ang nakatakdang mabulok roon nang panghabang buhay.
“Damuho ka! Sinong nagsabing tatabi ako sa'yo? Asa!” Asar na ani ni Shane, habang kinukurot ang tagiliran ng kawawang nobyo.
Kaagad na pinunasan ni Keith ang tumulong luha sa kanyang pisngi, bago pilit na pinigilan ang paghikbi. Dapat ay maging masaya siya para sa tatlo, dahil makakalaya na ang mga ito. Pilit siyang ngumiti, at muling tumingala. “S-shane, kailan k-kayo aalis? Hehe, d-dadalawin niyo ba 'ko? C-congrats, ah.” Nanginginig niyang pagbati. Sinubukan niya itong gawing pabiro, ngunit bakas naman sa kanyang mga mata ang totoong nararamdaman niya.
Kaagad na tumigil si Shane sa pangungurot sa nobyo, at tumingin kay Keith. Kay bilis niyang nabasa ang iniisip nito. Nakaramdam agad siya ng pagkaawa, at pagkaasar sa sarili. Hindi man lang nila inisip ang iisipin nito. “Ahh, k-keith, si Kane na lang ang mag eexplain sa'yo, ah. Wag ka na malungkot, please?” Punong-puno ng pag-iingat ang boses ni Shane. Animoy isang babasagin ang kinakausap niya. Agad siyang tumayo, at umupo sa tabi ni Keith.
“Hindi ko maipapaliwanag nang maayos sa'yo, eh. Wag ka na malungkot, ah?” Pagsusumamo niya, habang tinatapik ang balikat ni Keith.
Tumango na lamang si Keith, at pilit na nginitian ang magnobyo. Akmang magsasalita na siya nang marinig nila ang malalim na boses ni Kane. “Tsk, ako pa ang dinamay mo, ah. Ikaw ang gustong magsama diyan. Di bale, maghanda na kayo ng makakain natin. Mamaya, kukunin ko yung mga uniporme.” Pagpapaliwanag ni Kane, bago bumaba mula sa kanyang basang kama.
Pagbaba pa lamang ni Kane, ay kaagad nang sinalubong ang nangingintab na mga mata ni Keith. Akala ni Kane ay iiwas ito ng tingin sa kanya, ngunit nagpatuloy ito sa pagsalubong sa kanyang mga mata. Halos higupin siya nito dahil sa kasidhian ng tingin nito. Kitang-kita niya ang pangungulila sa mga mata ng kawawang 'bata' kung tawagin niya. Ilang segundo na rin ang lumipas, bago pa siya nabalik sa katinuan. Mga segundong muntikan na niya itong yakaping muli.
Tumikhim si Kane, at pilit na hinanap ang lakas para magsalita. “Shane, ihanda niyo na ang mga gagamitin. Kakausapin ko lang 'to.” Pagdidismisa niya, na ikinangiti naman ng magnobyo. Kaagad na tumayo ang magnobyo, bago ginawa ang inuutos niya.
Muli siyang napatingin kay Keith, na ngayon ay nakayuko na. Alam niyang takot pa rin sa kanya ang binata, ngunit iyon naman ang pakay niya. “Usog. Ayaw mo ba kong paupuin?” Nariyan na naman ang buryong-buryo niyang tono, na nagpausog naman kaagad kay Keith. Napangisi si Kane dahil sa bilis nitong pagsunod, at umupo na rin sa tabi nito. Ilang pulgada lamang ang namamagitan sa kanila.
“Tatakas kami. Isasama ka namin.” Ani ni Kane na para bang wala lang ito sa makakarinig sa kanya. Ngunit hindi niya ikinatuwa ang naging reaksyon ni Keith.
Muli niyang narinig ang mahinang paghagikhik nito, malamang ay pinagtatawanan siya. Kaagad namang tinakpan ni Keith ang bibig, bago siya tinignan. “Weh? Lilipad ba tayo, Kane?” Humahagikhik niyang tanong, habang mga mata niya'y naniningkit dahil sa tuwa. Wala siyang kaide-ideya na seryoso ito.
Sa hindi malamang dahilan, hindi man lang nairita si Kane, lalo na sa paghagikhik nito. Gusto niyang mainis, ngunit hindi niya magawa dahil sa kasihayang parang nakatatak na sa mukha ng binata. Umaabot ang ngiti nito hanggang sa kanyang mga naniningkit na mata, papunta sa kanyang mga tainga. Hindi makapaniwala si Kane, dahil kani-kanina lamang ay halos hindi na ito makapag salita.
man niyang matagalin ang oras na yon, at gawing minuto ang mga segundo, tumikhim siya upang makuha ang atensyon nito. “Makinig ka sa'kin.” Agad Gustona natahimik si Keith nang marinig ang kalaliman ng boses ni Kane. Sa sobrang lalim nito, ay parang kinikiliti ang kanyang mga tainga, dala ng katamtamang pag-garalgal ng boses nito. Kaya naman agad na tumigil si Keith sa paghagikhik.
Hindi maiwasan Kane na huminga nang malalim dahil sa biglaang antisipasyon sa mga mata ni Keith. Seryoso itong nakatingin at naghihintay sa sasabihin niya.
“Keith, isasama ka namin. Literal.”
AUTHOR'S NOTE
VOTE|COMMENT| SHARE
PS: MAY PINAGDAANAN ANG PAKENING AUTHOR NIYO. BEAR WITH ME, PLEASE.