WARNING: MENTION OF DRUGS
DISCLAIMER: ANY INFORMATION IS ONLY FICTITIOUS. IT MEANT NOTHING.
Isa lamang iyong partikular na araw para sa anim na taong gulang na si Keith. Isang normal na araw kung saan ay pupunta siya sa kanyang paaralan upang matuto't mag aral. Isa ito sa mga paborito niyang oras dahil sa maraming dahilan. Isa na dito ang pag-angkas sa bisekleta ng kanyang Kuya Brandon. Pangalawa ay ang pagbili niya ng taglilimang cotton candy bago pumasok sa paaralan.
"Ready na ba, bunso?" Masiglang tanong sa kanya ng kanyang Kuya Brandon habang inaayos ang bisekleta nito.
Masayang tumango si Keith, at maingat na sinuri ang kanyang mga gamit. Mula sa kanyang asul na backpack, hanggang sa kanyang puting uniporme't kulay kaki na shorts, at ID. "Ready na, Kuya!" Masigla niyang ani, habang pinapakita ang kanyang hinlalaki sa kanyang Kuya Brandon.
"Kiniss mo na ba si Mama at Papa?" Dagdag na tanong ng kanyang Kuya Brandon, nakataas ang kanang kilay nito.
Kita ang pamumula ng pisngi ni Keith, bago ito tumango. Tanda ng kanilang pagiging malambing sa isat-isa, ay ang mga maliliit na kilos, tulad ng paghalik nila sa pisngi. Maging sila mang magkapatid ay humahalik sa pisngi ng isat-isa. Lalo na ang kanyang Kuya Brandon ay mahilig manghingi ng halik sa pisngi.
"Sakay na. Kumapit ka nang maayos Keith, ah! Bawal kang umuwi dito nang may sugat. Baka palayasin pa ako ni Papa kapag nagkasugat yang balat mo." Pagpapaalala ng kanyang Kuya Brandon, kaya kaagad siyang tumango. Parang nakakatakot kung mawawala ang Kuya Brandon niya, dahil ito lamang ang kaisaisa niyang kalaro kapag wala ang mga magulang nila.
Kaya naman maingat siyang umakyat at umupo sa likod ng bisekleta. Mahigpit niyang ipinalibot ang dalawang niyang braso sa baiwang ng kanyang Kuya Brandon. Hindi niya maiwasang amuyin ang damit ng kanyang Kuya Brandon, at napangiti siya sa bango nito.
Nagsimula nang pumedal ang kanyang Kuya Brandon, kasabay ng mabagal na pag andar ng kanilang bisekleta. Hindi naman kalayuan ang paaralan na pinapasukan nila, kaya hindi nito kailangan bilisan ang pagpepedal. Hindi niya rin gusto ang ideya ng pagiging mabilis dahil angkas-angkas niya ang nag iisa niyang kapatid.
"Kuya, sasamahan mo 'ko sa loob ng room?" Yan ang biglaang tanong ni Keith, habang tumitingin sa mga nadadaanan nilang puno.
Narinig niyang tumawa ang kanyang Kuya Brandon. "Siyempre, pero aalis din ako agad. May pasok din kaya ako." Patawang ani ng kanyang Kuya Brandon.
Napasimangot siya sa sagot nito, kahit alam niyang totoo ang sinabi nito. "Basta sabay tayo Kuya kapag recess na, ah." Aniya habang pilit na ngumingiti.
Ang katotohanan ay wala siyang naging kaibigan simula ng unang araw ng pasukan, kaya naman tanging ang Kuya Brandon lamang ang kanyang inaasahan sa loob ng paaralan. Ang hindi niya lamang magustuhan ay dahil magkaiba sila ng baitang na pinapasukan. Nasa baitang isa pa lamang siya, habang ang Kuya Brandon niya ay nasa walong baitang.
"Keith, may nang aaway ba sa'yo don? Sabihin mo lang kay Kuya. Bugbog abot sa 'kin non." Seryosong usal ng Kuya Brandon niya, kaya naman napangiti siya.
"Wala naman, Kuya. Hindi ko lang maintindihan yung mga nilalaro nila. Kinakain nila yung papel tapos ilalagay sa straw ng juice tapos gagawing baril. Edi may laway yon 'di ba?" Pandidiri niya, sabay higpit ng yakap sa baiwang ng Kuya Brandon niya.
Napatawa naman ang Kuya Brandon niya dahil isa rin siya sa mga gumagawa nito, at tinatawag pang sumpit. "Pang mga kuya lang 'yong laro na 'yon, Keith kaya wag kang maglalaro non." Pasikretong palusot nito, habang maingat na pinipedal ang bisekleta.
"Opo, hehe." Nakangusong sagot ni Keith. Hindi niya maintindihan ang Kuya Brandon niya dahil ka edad niya naman ang mga kaklase niya. Gayon pa man, hindi rin naman siya interesado sa mga ganong klase ng laro.
Mas gugustuhin niya pang laruin ang mga bibeng inaalagaan nila. Ni minsan ay hindi siya nakaramdam ng pagkaliit kapag kasama niya ang mga bibe. Dahil maliliit ang mga ito, at siya ang nasusunod. Hindi niya maiwasang mapangiti nang kaylaki dahil kakak pisa lamang ng isang dosenang itlog ng pato nila.
-_-
"ILANG TAON KA NA BA?!" Tila umalingawngaw ang boses ni Kane sa loob ng selda nila nang makitang humihikbi ang binata. Nakayuko ito sa kahihiyan, habang nakakuyom ang nanginginig niyang mga kamay.
Ang magnobyo nama'y walang magawa, at pinili na lamang na manahimik. Pinagmasdan na lamang nila si Keith sa awa dahil sa sitwasyon nito ngayon. Matapos nilang malaman mula sa pulis ang nangyari, kaagad na tumahimik ang loob ng selda nila. Natira lamang ang mahihinang paghikbi ni Keith.
"Pano na lang kung hindi ka nakatakas?! Sa tingin mo makakabalik ka pa dito?" Hindi malaman ni Kane, ngunit kanina pa siya nakakaramdam ng pagkairita. Sinusulyapan lamang siya nito kanina nang maya-maya'y bigla na lamang ito nawala. "Hinde! Pupwede kang mamatay doon! Gusto mo ba 'yon?!" Pagbulyaw niya dito.
Wala nang nagawa si Keith, kundi ang humagulgol sa iyak. Bigla siyang natakot sa sinabi nito. Ang ideya ng pagiging patay nakakatakot para sa kanya. "K-kane..." Sinubukan niyang tumingala, at umiling bilang pagsagot, ngunit nakita niya lamang ang maiitim nitong mga mata. Umiling siyang muli, at yumuko.
"Tumahan ka na nga! Kakain na tayo, dito sa loob." Pagdidismisa ni Kane nang makita niya ang kaawa awang kalagayan nito. Ni hindi na makapagsalita dahil sa takot. Sa kabilang banda rin, ay hindi siya makapaniwala dahil tila parang hindi pa rin alam ni Keith na nasa kulungan siya. Hindi dapat siya sumasama sa kung sino-sino.
Kung titignan ito sa una, aakalain mong isa itong menor de edad. Sa pagpunas pa lamang nito ng luha, ay parang batang inagawan ng kendi. Ang panginginig ng pangibabang labi nito, pati na rin ang pamumula ng mukha. Tila isa itong batang nangangailangan ng isang tagabantay. Kaya naman hindi niya naiwasang kuwestiyonin ang edad nito.
Padabog na kinuha ni Kane ang trey na may apat na plato. May tag iisa itong hita ng inihaw na manok, tamang sukat ng kanin, at tig iisang platito ng sawsawan. Tila napakasarap para sa mga presong tulad nila. Inihanda niya ito sa sahig na may tamang lapad para sa kanilang apat. Isa-isa niya itong maingat inilapag sa sahig.
"Anong pang hinihintay niyo diyan? Pasko?" Iritadong usal ni Kane nang makita niyang tahimik ang tatlo.
Si Shane naman ay napabuntong hininga, at sinulyapan si Keith. Puno ng pagkadismaya ang mukha niya nang malaman niya ang nangyari. Iniisip niya pa lamang ang posibleng nangyari kay Keith, hindi na siya makapante. Gayon pa man, lumapit siya kay Keith, at tinapik ang kanang balikat nito.
"Tahan na Keith. Sa susunod, makinig ka sa'min, ah? Nasa kulungan tayo, Keith. Bata man o matanda, may dahilan kung bakit tayo nandito. Hindi ka dapat sumasama sa kung sino-sino." Paglelektura niya kay Keith. Tiningala siya nito, at tumango. Nabigla na lamang siya nang sandaling yakapin siya nito. Agad niyang tinanggap ang mahigpit na yakap nito, at tumawa nang mahina.
Gusto niya rin sanang pagalitan ito, pero naawa na agad siya nong makita niya itong humihikbi na parang bata. Atsaka, tama na ang mga sinabi ni Kane. Maging siya ay gulat dahil sa sobrang pag-aalala nito kay Keith. Sariwa pa sa kanya ang nag aalala nitong mukha nang sandaling nawala si Keith sa paningin nila.
"Tara kain na tayo, Keith. Hayaan mo na 'yan si Kane. Concern lang sa'yo 'yan." Nakangiti niyang ani, at ginulo ang buhok nito. Tumango naman ito, at yumuko ulit. Kabisado na ni Shane ang maliliit na galaw nito, lalo na kapag nandiyan si Kane sa paligid. Mahilig itong yumuko na para bang napakagandang bagay ang sahig para pagmasdan.
Sandaling nakaramdam si Keith ng ginhawa dahil sa ginawa ni Shane. Naiintindihan niya na nag aalala ang mga ito, kaya naman nahihiya siya dahil sa pagsama sa kung sino-sino. At nang sandaling nakita niyang naguumapaw ang galit ni Kane, hindi niya naiwasang humikbi. Malamang sa malamang ay si Kane na naman ang gumawa ng gawain niya.
Kumain sila nang tahimik, at natapos nang puno ang mga sikmura. Tanging buto na lamang ng mga binti ng manok ang natira, kasama ng mga plato't platito. Nagprisenta na lamang si Keith na ligpitin ang kinainan nila, bilang pagbawi sa kanila. Habang kumakain sila, napag-isip-isip niyang tama ang sinabi ng mga ito. Dapat ay nakikinig muna siya, lalo na kapag tungkol sa pagsama sa kung sino-sino.
Napangiti na lamang siya nang mapait nang maalala ang muntikan nang mangyari sa kanya. Habang ibinababad niya ang mga plastik na gamit pang-kain, hindi niya naiwasang maisip ang mga posibleng mangyari sa kanya. Lalo na sa susunod na sumama pa siya sa kung sino-sino. Nariyan ang posibilidad na baka hindi na siya pabalikin ng mga ito.
Dahil sa biglaang kaba na namuo sa kanyang dibdib, kaagad siyang umiling upang mai-alis ang mga naiisip. Iniimahe niya pa lamang ang ang iyon, ay parang sinusukuan na siya ng kanyang balat dahil sa takot. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman, napaka layo ng mga naisip niya sa mga totoong posibleng mangyari sa kanya. Lalo na't nasa loob siya ng kulungan.
Katulad niya, preso rin ang mga nabubuhay dito. Sa loob ng napakasalmuot na institusyon. At higit sa lahat, pinaninilbihan at pinanghahawakan ito ng korap na sistema. Hindi sapat ang napaka inosente niyang pag-iisip para malaman ang mga bagay na iyon. Dahil sa kanyang paglaki, tanging bahag hari, paro-paro, at kasiyahan lamang ang tumatak sa kanyang isip.
"Ano't nakatulala ka riyan? Pumunta ka rito, at may itatanong kami sa'yo." Nagulat at tuluyang naputol ang pag-iimahe ni Keith nang marinig ang boses ni Kane. Panigurado, iritado na naman ito. Sa kanya.
Kaagad na ipinunas ni Keith ang basa niyang mga kamay sa kanyang kahel na baro. Kaagad siyang humarap sa kanilang direksyon, at maingat na tumango. Sinenyasan siya ni Shane na umupo sa kama niya, kaya naman dali-dali siyang sumunod, at naupo roon. Pasikretong inihanda ni Keith ang kanyang mga tainga, dahil baka pagalitan na naman siya ni Kane.
Ngunit ginulat siya nang muli itong magsalita. Hindi dahil sa iritado ito, kundi ang tono at kamandag ng pananita nito. "Nagdroga ka ba kaya ka napunta dito?" 'Yan ang diretsong tanong na sumalubong sa kanya, mula kay Kane na kasalukuyang nakaupo sa tabi ng magnobyo. Parang bigla na lang sumikip ang paligid niya dahil sa hindi inaasahang tanong nito.
Hindi niya napigilang yumuko sa hiya, kasabay ng kaagarang pangingilid ng kanyang mga luha. Nakalimutan niyang lulong pa ang katawan niya sa droga. Hiya ang kasalukuyang bumabalot sa buong pagkatao niya, at para bang damang-dama niya ang tatlong pares ng mga matang nakatitig sa kanya. Naghihintay para sa kanyang sagot.
Ngunit bigla siyang nakaisip ng solusyon. Dala ng despera, ang tanging naiisip niya, ay ang pagsisinungaling. Napakagat siya sa kanyang pang-ibabang labi, kasabay ng pagkuyom ng kanyang mga kamao na ikinalukot ng kanyang kahel na pajama. Dahan-dahan siyang umiling nang hindi nililingon ang mga ito.
"Tsk. Walang dahilan para magsinungaling pa. Sa tingin mo ba hindi kapansin-pansin?" Tila natakasan na siya ng kaluluwa dahil sa sinabi ni Kane. Hindi ata tumalab ang pagkukubli niya ng katotohanan. Kaya naman, mas lalo pang lumala ang hiyang bumabalot sa kanya.
Hindi na niya nagawang pigilan ang pagtulo ng luha, kasunod ng mahinang paghikbi niya. Para bang bigla na lamang isinubsob sa kanya ang mga alaalang ilang gabi na niyang pilit na inilibing. Hindi na napigilan ng katawan niya ang mahihina, ngunit halatang panginginig. Paano na lamang niya titignan sa mga mata ang tatlo? At ano na lamang ang tingin ng mga ito sa kanya? Isang adik.
"Huwag ka nga munang umiyak!" Buong boses na sigaw ni Kane, habang minamasahe ang kanyang sintido.
Hindi na nakapag timpi si Shane sa nakikita, kaya naman napagdesisyonan na niyang magsalita. "K-keith, hindi naman kami galit, at lalong hindi ka namin huhusgahan. Gusto lang namin malaman... Nag aalala kasi kami sa'yo." Puno ng sinseridad ang boses ni Shane. Mahahalata mong sanay ito makipag usap. Hindi katulad ni Kane, na pagkakairita lamang ang kayang ihain sa kahit na sino.
Tila napukaw, at nakaramdam ng kaunting ginhawa si Keith, at unti-unting lumuwag ang paligid niya sa sinabi nito. Dahan-dahan niyang nilingon ang mga ito. Halos maawa ang magnobyo nang makita ang namumulang mukha ng binata. Mga pisngi nito ay basa ng mga luha, habang kagat-kagat ang pang-ibabang labi. Halatang pinipigilan nitong gumawa ng ingay.
Sinubukan ni Keith na lingunin si Kane. Nakita niyang nakatingin ito sa kanya nang may pagkakairita. Ngunit napansin niya ring hindi naman ito galit. Kaya naman pilit niyang sinubukang pigilan ang mahihina niyang paghikbi. Pakiramdam niya, ay para bang tuluyan siyang huhusgahan ng mga ito kapag nalaman ang totoo. Maya-maya pa, ay napagpasiyahan na niyang sagutin ang mga asumpsyon nito.
Marahang nagsalubong ang kanilang mga mata. Puno ng takot ang pares ng tsokolateng mga mata ni Keith, habang maiging nangungusap ang kay Kane. Nakakatakot talaga salubungin ang mga mata nito dahil sa sobrang itim. Ani moy tinta ng pluma. “S-si Kuya...” Pag uumpisa niya, ngunit tila wala siyang lakas upang ituloy pa.
Ilang segundo pa ang lumipas, ngunit iyon pa lamang ang naririnig nila mula kay Keith. Puno ng kyuryosidad ang magkasalubong na mga kilay ni Kane, habang buong pasensya namang naghihintay ang magnobyo. Tuluyang napayuko si Keith sa kahihiyan, at ibinaling ang tingin papunta sa malamig na sahig na tinatapakan ng kanilang mga paa.
Isang paghikbi pa, at nagpatuloy na siya. “G-galing kay K-kuya.” Pinunasan niya muna ang luhang pumatak sa kanyang namumulang pisngi. “H-hindi ko n-naman alam. A-akala ko—Akala ko normal na g-gamot lang—T-tapos, y-yung mga pagkain n-namin. H-hindi ko a-alam na may g-ganon pala d-doon.” Sinubukan naman ni Keith. Ngunit sinusukuan na siya ng kanyang dibdib, at tuluyan na itong sumikip.
“Nakakulong din ba dito 'yang magaling mong Kuya?” Mababa ang boses ni Kane, ngunit makamandag ito kung ilalarawan, dahilan para makaramdam ng kilabot si Keith.
Ngunit ang tanong na iyon... Hindi niya alam kung ano ang isasagot. Pinatay ko. Isinasaisip niya pa lamang, alam na niyang huhusgahan siya ng mga ito. Mamamatay tao. Umiling na lamang siya bilang sagot, at pilit na pinunasan ang mga tumutulong luha sa kanyang mga pisngi. Kahit labis na ang pamumula nito.
“Kane, tama na 'yan.” Pagdidismisa ni Shane nang mapansin niyang hindi na komportable si Keith sa usaping iyon. Marahan siyang tumingin kay Keith, at mahinang tinapik ang kanang balikat nito. “Keith, nag-aalala lang kami sa'yo. Ang hindi lang namin maintindihan, ay kung bakit hindi ka sa rehabilitation center napunta. Pero, okay na 'yon. Nandito naman kami.” Pagpapaliwanag ni Shane, habang mahinang inaalog ang balikat nito.
Narinig nilang suminghal si Kane bago ito pumunta sa kanyang kama. “Sana lang hindi mapansin 'yan ni Papa. Kilala niyo naman ang ang matandang 'yon, diba?” Napangiti naman si Shane dahil sa sinabi nito. Habang si Keith, ay walang kahit anong ideya sa pinaguusapan nila.
Ang alam niya lang, ay napaka laki ng pasasalamat niya kay Shane, at pinigilan nito si Kane sa pagtanong. Ano na lamang ang magiging tingin nila kay Keith, kung sakaling sinabi niya ang katotohanan. Mamamatay tao. Napaka rami ng mga nangyari ngayong araw, kaya naman bakas na ang pagka antok sa mukha ni Keith. Habang nag-uusap ang tatlo, hindi niya napigilang dumighay dahil sa kabusugan, kasunod ng paghikab.
Nahihiya siyang tumingin sa tatlo, dahil nakatingin ang mga ito sa kanya dahil sa ginawa niyang tunog. Naramdaman niya ang pag-init ng kanyang mga pisngi, kaya naman kaagad siyang humiga, sabay taklob ng kumot sa kanyang mukha. Naririnig niya pa rin ang pag-uusap ng tatlo, ngunit hindi niya ito maintindihan nang maayos. Hindi rin naman niya gustong makinig, dahil alam niyang masama iyon. Turo sa kanya ng yumaong Mama.
Maya-maya pa, ay nakatulog na siya dahil sa antok. Nagawa pa rin niyang ngumiti dahil sa kabusugan, at tila mabilis nawala ang kaba na dulot ng kanilang pag-uusap kanina. Unti-unting lumuwang ang pagkakayakap niya sa kumot na itim, at tuluyan nang dumalaw sa kanyang panaginip. Mahihinang paghilik ang sunod na lumabas sa kanyang namulang mga labi dahil sa higpit nang pagkakakagat niya kanina.
Dahil sa pagkakahimbing, hindi na niya naramdaman ang maskuladong braso na pumalibot sa kanyang batok. Marahang inangat ang kanyang ulo, sabay maingat na paglagay ng malambot na unan na kanyang hihigaan. Sa kanyang panaginip, napaka pamilyar ng amoy na pilit na pumapasok sa kanyang ilong. Nagbibigay ito ng komportableng pakiramdam sa kanya. Kaya naman hindi na niya napigilan pang yakapin ito papalapit sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay ni Keith, kahit na tulog pa ito, dahil umaalis ito sa kanyang mahigpit na yakap. Sa panaginip niya, ay ang Kuya Brandon niya ang yakap-yakap niya, kaya naman naguguluhan siya kung bakit ito nagpupumiglas. Naalala niya pa dati na ang Kuya Brandon niya pa mismo ang yumayakap sa kanya. Gayon pa man, hindi niya ito pinakawalan.
Gamit ang kanyang dalawang binti, iniyakap niya ito sa kanang binti nito, dahilan para tumigil ito sa pagpiglas. At gumana nga ito, kaya naman ganon na lang ang ganda ng ngiti niya sa labi. Maya-maya pa, ay naramdaman niya ang pagyakap nito, na nagpagaan ng nararamdaman niya. Pilit niyang isiniksik ang mukha niya sa maskuladong nitong dibdib.
“Mukhang matutulog ka na naman sa tabi ng kinabibwisitan mo, Kane. Hehe.” Nakangising ani ni Shane dahil sa kasalukuyang sitwasyon nito. Walang laban sa tabi ng natutulog na binata.
“Tsk. Matulog kayo nang maaga. Kapag nakarinig lang ako ng kahit isang ungol mula sainyo, malilintikan talaga kayo sa'kin.” Mahinang pananaway ni Kane, na nagpatawa sa kay Jake.
Kumindat ito kay Shane, bago tinapik ang kama na pagsasaluhan nila. “Hindi ko ipapangako. Alam mo naman tong si Shane, maingay kapag natatamaan ko yung——Aray!” Hindi na natapos pa ni Jake ang binabalak niyang sabihin nang kagatin siya ng nobyo sa braso.
“Manigas ka diyan, damuho ka!” Inis na usal ni Shane, habang pinanlilisikan ng mga mata ang nobyo. Wala na siyang nagawa nang hilahin siya nito papalapit sa kanya. Pagkatapos ng maiksing paghaharutan nila, mahimbing silang nakatulog sa iisang kama at kumot.
Katulad ng dalawang mahigpit na magkayap, habang otomatikong nalalanghap ang mabangong amoy ng isat-isa.
AUTHOR'S NOTE
MA AAPRECIATE KO TALAGA YUNG COMMENTS NIYO. MINSAN LANG AKO MAG UPDATE, KAYA WAG SANA KAYO MAHIYA MAG COMMENT. PANG MOTIVATE NA DIN! SALAMAT SA PAGBABASA!?