Makalipas ang tatlong araw, hindi pa rin nawawala ang mga maduduming marka sa leeg at dibdib ni Keith, pati na ang malaking pasa sa kanyang sikmura. Gayon pa man, nagawa pa rin niyang magkaroon ng kapayapaan. Ngunit limitado lamang ito dahil kada aatasan silang lumabas, tila nagiging sariwa ang mga sugat na kanyang natamo mula sa lalaking preso. Hindi rin siya pinapatakas ng mga bangungot tuwing gabi.
Gabi-gabi, ay dinadalaw pa rin siya ng antok, ngunit hindi naging madali sa kanya ang pagtulog. Kung hindi dahil sa mga bangungot, dahil naman sa maya-mayang pagsakit ng kanyang sikmura. Nag-aalala man ang tatlo sa kalagayan niya, wala namang magawa ang mga ito, dahil wala na silang pribelihiyo para makapunta pa sa hospital.
Kaninang umaga, ay muling sumakit ang kanyang sikmura, dahilan upang magising siya nang may nagingilid na luha sa mga mata. Hindi niya mawari kung gagaling pa ba ang naiwang sugat sa loob niya dahil sa suntok na natamo, ngunit sinigurado na siya ng tatlo na sa loob lamang ng apat na araw, ay maghihilom na ito.
Sunod namang nagising ang tatlo dahil sa pag-ungot niya sa sakit. Pilit man niyang pinigilang gumawa ng ingay, tila hindi talaga niya makayanan ang tumataas na intensidad ng sakit na nararamdaman. Namimilipit at nahihirapang huminga. Ani moy parang may kung anong sumasakal sa kanyang lalamunan.
Natatarantang lumakad si Shane papunta sa kanyang higaan upang tignan ito. Sumunod naman sa kanyang likod ang nobyo, habang si Kane ay nanatiling nakatayo at pinagmamasdan si Keith, mula sa kanyang kinatatayuan.
"K-keith, kakainom mo lang ng g-gamot, hindi ba?" Nag-aalalang tanong ni Shane nang maupo siya sa kama nito.
Natural ay hindi ito nakasagot, at nag-umpisa na rin itong manginig. Napalingon si Shane sa kanyang nobyo na nag aalala rin sa binata. "Jake, hindi naman nakakatulong yung mga painkillers na pinapainom natin sa kanya. Baka pwede tayong tumawag ng doktor?"
Napabuntong hininga na lamang ito, sabay umiling. "Droga, babe... Droga." Tila wala sa hulog na sagot nito, na siya namang ikina kunot noo ng kanyang nobyo.
"Anong droga pinagsasabi mo diyan? Tulog ka pa ata, eh." Ani ni Shane bago lumingon kay Kane. Nakita niya itong pinagmamasdan ang binata habang nakatiklop ang mga braso nito.
Akmang tatanongin niya na sana ito nang marinig ang pag-ubo ni Keith, dahilan upang mapalingon siya dito. Kasabay non ay ang pag bulwak ng kung anong klarong likido mula sa bibig nito. Napalunok si Shane sa nakita sabay takip sa kanyang bibig. Marahan siyang sumulyap sa kanyang nobyo, ngunit nanatiling blanko ang ekspresyon nito.
Patuloy ang pag-ubo nito, habang naghihingalo para sa hangin. Sumunod naman ang biglaang panghihina ng mga kamay nito dahil sa kakulangan ng hanging kailangan ng kanyang baga. Kaya ganon na lamang ang takot, at gulat sa mga mata ni Shane.
"K-kane? J-Jake, a-anong nangyayari kay Keith?" Nanginginig sa takot niyang tanong, ngunit tanging buntong hininga lamang ang naisagot sa kanya ng dalawa.
Maya-maya pa ay narinig nilang suminghal si Kane, bago ito lumakad papunta sa kanila. "Umusog ka muna, Shane. Kumuha ka roon ng bimpo, at basain mo. Nakalimutan mo atang nasa kulungan tayo, at isang kriminal yan."
Tila naging estatwa si Shane sa narinig, ngunit hindi niya magawang kumontra sa sinabi nito. Yumuko na lamang siya at sumunod sa inuutos nito.
"Ano? Droga nga?" Matipid na tanong ni Jake kay Kane, ngunit hindi siya nito sinagot. "Hindi rin naman imposible." Dagdag pa niya.
Hindi na lamang niya ito pinakinggan, at nilapitan ang naghihingalong si Keith. "Bakit ngayon ka lang nagbigay ng senyales? Tsk." Mahinang pagtanong ni Kane sa binata, bago niya kinuha ang kanang pupuluhan nito.
Maingat niyang pinakiramdaman ang mahinang pagpulso nito. Sunod niyang tinignan ang mukha nito, at maiging tinignan kung may pagbabago sa kulay ng balat nito. Napakunot noo siya dahil maayos naman, at hindi naman ito namumutla. Tumigil na rin ito sa pag ubo, ngunit hindi na ito rumeresponde. Ani moy wala nang malay.
Bumalik si Shane na may hawak na basang bimpo. Kaagad niya itong inabot kay Kane. Hindi niya alam kung anong gagawin nito, ngunit alam niyang may kaalaman ito sa nangyayari kay Keith. Napalingon siya sa kanyang nobyo nang hawakan siya nito sa kamay, habang marahang pinipiga.
Si Kane naman sa kabilang banda, ay walang pag aalinlangang itinaas ang kahel na baro ni Keith, hanggang sa mahubaran niya ito. Tumambad sa kanya ang makinis nitong balat, ngunit may mga bakas ng kababuyan ng lalaking muntikan na niyang mapatay. Napansin niyang maayos ang paghihilom ng mga ito, kaya naman doon niya nakumpirma ang konklusyon ni Jake.
"Simula ngayon, 'wag niyo nang bibigyan ng painkillers 'to. Baka ikamatay niya pa." Biglaang pag-aanunsyo ni Kane, na nagpatigil kay Shane, at nagpagulo sa isip nito.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong nito, ngunit hindi siya nito sinagot kaya napatingin siya sa kanyang nobyo.
Ito nama'y napabuntong hininga dahil sa kawalan ng kaalaman ng kanyang nobyo. "Droga nga, babe. Masyadong maputla ang kamay ni Keith, medyo mapula ang mata, palaging nakatulala kung hindi kinakausap, medyo payat, at palaging pagod. Masyado ring maputla ang balat niya para sa kagaya niyang disi otso pa lang." Pagpapaliwanag ni Jake, na ikinagulat ni Shane.
"Sinasabi niyo bang adik itong si Keith? Nakita niyo ba kung gaano siya kainosente?" Iritadong tanong ni Shane, na nagpabuntong hininga sa kanyang nobyo.
"Hindi natin alam, babe. Pwede naman nating itanong mamaya, 'di ba? Ikaw na rin nagsabi, napaka inosente ni Keith." Pag-iintindi ni Jake, sabay ginulo ang buhok ng nobyo.
Tumango na lamang si Shane, at sumulyap kay Kane. "Para saan naman 'yang bimpo, Kane?" Tanong niya.
"Lagnat. May lagnat siya." Matipid na sagot ni Kane bago niya ipinatong ang basang bimpo sa noo nito.
Nakatulog na ito dahil sa pagod na nararamdaman, kahit na kakagising pa lamang nito.
"Kane?" Mahinang pagtawag ni Shane dito. "Isasama pa rin naman natin si Keith, 'di ba?"
Narinig niya itong suminghal. "Ano pa nga bang magagawa ko? Eh, baka mamatay ka pa sa lungkot kapag iniwan natin 'yan." Tumayo ito, at tinungo ang ang kanilang itim maleta.
"Ako ba, o ikaw?" Maingat na bulong ni Shane, sabay ngisi sa kanya.
-_-
"Keith, kaya mo ba talaga? Namumutla ka pa, oh." Nag aalalang tanong ni Shane nang marinig niya itong pumayag at sumama sa kanila mag linis.
Natapos na silang mananghalian, at ngayon nama'y naatasan silang maglinis sa kulungan ng mga kabayo't kambing. Ilang metro lamang ang layo nito mula sa kanilang selda.
Ngumiti si Keith nang matipid, sabay tumango. "Ayokong maiwan m-mag isa dito." Paliwanag niya, na nagpamula ng kanyang mga pisngi dahil sa hiya.
Napabuntong hininga na lamang si Shane, at naiintindihan niya ang kalagayan nito. "Sabagay. Tara na." Tumayo siya, at dahan-dahang inalalayan si Keith. Marahil alam niyang may sinat pa ito.
Tahimik na nagpasalamat si Keith sa kanyang isip, dahil kahit papaano, ay nabigyan siya ng ganitong mga 'kaibigan'. Napaka bago nito sa kanya dahil buong buhay niya, ang kinikilala niya lamang bilang kaibigan ay ang kanyang mga yumaong magulang at Kuya. Hindi na siya naghanap pa ng iba dahil kuntento at masaya na siya sa piling ng mga ito.
Sa gitna nag kanilang paglalakad, napasinghap si Keith nang may maramdaman siyang kamay na pumalibot sa kanyang baiwang. Napagtanto niyang si Kane iyon nang magsalita ito.
"Kung hindi mo pa kaya, 'wag mong pilitin yung katawan mo. Tsk." Napayuko na lamang siya sa hiya. Hindi niya alam kung masyado ba siyang mabagal maglakad, dahil naiirita na naman sa kanya ito.
Ramdam niya pa rin ang init ng palad nito nang tanggalin nito mula sa kanyang baiwang. Ngunit nanatili ito sa kanyang likod. Ani moy inaalalayan siya dahil pansin dito ang madalas na pag gewang ng kanyang paglakad.
Nang marating nila ang sinasabing kulungan ng mga kabayo't kambing, agad na naamoy ni Keith ang napaka sangsang na amoy na pumapalibot sa paligid. Tila mas nadagdagan pa ang pagkirot ng kanyang ulo. Tumigil na lamang si Keith sa paglalakad nang mauntog siya sa likuran ni Shane.
Lumingon sa kanya si Shane nang may pag aalala sa mga mata, sabay pinatong ang kanan nitong kamay sa kanyang kaliwang balikat. "Kahit hindi ka na tumulong, Keith. Kaya na namin 'to." Ani ni Shane, at ngumiti nang matipid.
Gusto mang magprotesta ni Keith, tumango na lamang siya dahil baka lumala pa ang lagnat niya, at maging pabigat pa sa tatlo. Lalo't ayaw niyang maging dahilan ng pagkairita ni Kane.
Tumingin, at nagmasid-masid si Keith sa paligid. Hindi na siya nasurpresa sa kanyang nakikita, dahil ilang beses na siyang nakakita ng kulungan ng mga kabayo't kambing. Ang kanyang yumaong na Ama ay isang mangangabayo dati noong nabubuhay pa ito. Sariwa pa sa memorya ni Keith kung papaano inalagaan ng kanyang Papa ang mga alaga nilang kabayo.
Minsan rin ay sinasama sila ng Kuya niya sa pangangabayo. Ngunit simula nang lisanin sila ng kanilang mga magulang, napilitan ang kanyang Kuya na ibenta ang mga ito, kasama na ang lupang tinatayuan ng mga kulungan. Doon rin nila nakuha ang mga pantustos nila sa pang araw-araw na kabuhayan.
Maya-maya pa ay nagsalita na ang pulis. Hawak-hawak nito ang kanyang batuta, habang minamata sila. "Magsimula na kayong maglinis sa area na 'yon." Pag aanunsyo nito, habang tinuturo ang tatlong kulungan.
Liningon ni Keith ang direksyon, at nakitang puno na ng mga kalawang ang mga ito. Halatang hindi nalinis nang matagal na panahon. Naglakad at sumunod na lamang siya nang magsimulang maglakad ang tatlo, papunta sa kanilang lilinisan.
Katulad nong nakaraang naglinis sila, mayroon nang mga nakahandang gamit na dapat nilang gamitin. Isang kumpol ng mga guwantes, sabon, at disinfectant. May mga nakahanda na ring walis para sa mga dahong nakakalat sa lupa.
Akmang kukuha na dapat si Keith ng pares ng mga guwantes nang pigilan siya ng kamay ni Kane. Tila lumukso ang dugo ni Keith papunta sa kanyang mukha, lalo na nang lingunin niya ang mukha nito. “Sabing maupo ka na lang. Kami nang bahala dito.” Malalim na ani ni Kane, na nagpayuko sa kanya.
Tumango na lamang siya, at pasikretong sumulyap sa kanyang pupulsuhan na hawak-hawak ni Kane. Literal na nanliit ang kamay at braso niya dahil sa laki ng kamay nito. Nang bitawan siya nito, naupo na lamang siya sa isang batong nasa tapat lamang ng pinaglilinisan ng tatlo.
Pinanood na lamang niya ang mga itong mag mainobra ng mga kung ano-ano. Hindi niya maiwasang mapangiti sa tuwing mag aasaran ang mag nobyo habang naglilinis. Napaka pamilyar ng ganitong eksena sa kanyang mga mata, dahil ganito rin ang mga yumao niyang magulang. Paminsan-minsan rin ay sila ng kanyang Kuya ang nag aasaran habang may ginagawa.
Maya-maya pa ay si Kane naman ang kanyang pinanood. Otomatikong umimpis ang kanyang ngiti nang makita nito kung gaano kaseryoso ang ekspresyon nito. Magkasalubong ang mga kilay at nakaigting ang mga panga. Gamit ang kanyang kanang kamay, isinuklay niya papuntang likod ang kanyang napaka itim na buhok.
Napansin ni Keith ang mga namumuong pawis sa noo nito. Tiyak na naiinitan na ito dahil malapit na ding mag tanghalian. Tanging mga matatas na puno na lamang ang gumagawa ng mga aninong pinagsisilungan nila.
Sinimulan nitong buhatin ang mga mabibigat na kahoy palabas ng kulungan. Dala-dalawa ang pagbuhat nito sa mga maliliit, ngunit mabibigat na troso. Umiiwas naman si Keith ng tingin sa tuwing sumusulyap sa kanya si Kane. Hindi niya gustong tagpuin ang mga iritado nitong mga mata. Para bang malalagot siya sa oras na magsalubong ang kanilang mga mata.
Maya-maya pa, ay nagsimula itong walisin ang mga natitirang kalat sa loob ng kulungan. Itinuon na lamang ni Keith ang atensyon sa preskong tanawin ng mga matataas na puno. Walang ideya si Keith kung saang kulungan siya naatasang magdusa, ngunit isa lamang ang pumapasok sa isip niya. Malapit ito sa kagubatan dahil sa iba't-ibang uri ng mga punong kahoy.
Halos kuminang ang kanyang tsokolateng mga mata nang mayroon siyang nakitang dalawang ibong lumilipad. Asul ang mga kulay nito, at may halong dilaw. Ganon na lamang kalaking ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Keith. Napaka inosente ng mga ito't palipad-lipad lamang sa hangin. Siguradong wala itong pinoproblema. Wala itong dinadamdam.
“Psst, boy!” Natigil ang payapang panonood ni Keith sa pagsitsit ng isang lalaki mula sa kanyang likod. Agad niya itong nililingon, at nakitang isa itong lalaki na parang nasa thirties na ang edad. Nakangiti ito, at nakatago ang mga kamay sa likod. Malamang ay isa rin itong preso dahil sa kulay kahel nitong uniporme.
Tumayo si Keith, at iniyuko ang ulo bilang paggalang dito. Isa sa mga naituro sa kanya ng kanyang mga magulang, ay ang pagyuko ng ulo bilang pagpapakita ng paggalang sa mga nakatatanda. “B-bakit po?” Magalang na pagtanong niya sa lalaki na animoy nagulat sa kanyang kagalangan.
Tumikhim muna ang matanda, ngumiti at kumaway bago nagsalita. “Pwede mo ba akong tulungan? Hindi naman malayo dito. Wala kasi akong kasama, at nakita kitang wala namang ginagawa.” Ani nito habang nakangiti sa kanya.
Mukha naman itong mabait, kaya ginantihan din ni Keith ng ngiti. Tumingin muna siya sa tatlong abala sa paglilinis. Nang makita niyang marami-rami pa ang mga lilinis ng tatlo, nilingon niya ang matanda, at tumango. “Sige po. Saan po ba?” Mahinang tanong niya sa matanda.
Napangiti naman ang matanda dahil sa sagot nito. Sagot na gusto niyang marinig, simula pa lamang nang nakita niya itong inosenteng nanonood sa paligid habang nakaupo sa bato. “Tara, sundan mo ako.” Ani nito bago nagsimulang maglakad.
Walang angal namang sumunod si Keith, animoy tuta na sinusundan ang amo. Hindi man lang niya nakita ang laki ng ngisi nito sa mukha. Ang alam lamang niya, ay isa itong matanda na dapat tulungan. Animoy walang nangyari sa kanya, ilang araw pa lamang ang nakalilipas. Binilisan pa niya ang paglakad upang masabayan ito.
Nilingon siya nito nang may ngiti, kaya naman ngumiti rin si Keith. Para bang hindi niya alam na pareho lamang sila ng suot na uniporme. Pareho pampreso. Binilang ni Keith ang mga punong nalalagpasan nila, at medyo nalalayuan na rin siya dahil nakailang puno na sila. Ngunit hindi niya ito inalala. Hindi niya pinansin ang namumuong pagtataka sa isip niya.
Patuloy siyang nagbilang habang nakatingin sa taas. Ngunit sa pagbaba ng kanyang mga mata, hindi lamang kalat ang sumalubong sa kanya, kundi isang grupo ng mga preso, na binubuo ng anim na lalaki. Nakita niyang kumaway ang isa sa kanyang direksyon, habang ang isa nama'y pakindat-kindat pa.
Puro ito matatandang puno ng mga tato at hikaw sa katawan. Nagsalubong ang mga kilay ni Keith dahil sa pagkalito. Ang alam niya ay walang tutulong sa matanda, ngunit napansin niya na malalaki naman ang katawan ng mga ito. Nagsimulang mamuo ang mga kuwestiyon sa kanyang isip. Ngunit hindi na niya ito naitanong pa.
Ayaw niyang mawalan ng galang sa matanda, kaya naman napagdesisyonan na lamang niyang umalis. Akmang hahakbang na siya nang maramdaman pumulupot ang braso ng matanda sa kanyang baiwang, dahilan upang mapadaing siya sa sakit. Pagaling na ang mga pasa niya roon, ngunit masakit pa rin ito kapag nasasanggi.
“Teka, saan ka pupunta? Tutulungan mo pa ako, 'di ba?” Tanong ng matanda habang nakangisi ito na parang aso. Nanlaki ang mga mata ni Keith dahil sa pagbabago ng ekspresyon ng matanda. Hindi na niya ito matawag na mabait, dahil napalitan na ang pagtingin nito ng mga malalagkit na tingin.
“Sabi ko naman sa'yo, diba? H'wag kang magpapa gabi sa daan?”
Tila umalingawngaw ang mga salita ng kanyang Kuya sa kanyang ulo. Nanlamig siya nang dumapo ang kamay ng matanda sa kanyang kanang pisnge, at nagsimulang mangilid ang mga luha niya sa mata. Kung sana ay nakinig na lamang siya sa utos ni Kane na maghintay na lamang doon, hindi na siya mapupunta sa ganitong sitwasyon.
“'Wag kang matakot, boy. Hindi ka masasaktan kung hindi ka manglalaban. Pwede naman nating gawing mabilis. Ipapasok ko lang naman tapos—ARGHHH PUTA!” Hindi na natapos pa ng matanda ang pagsasalita nang kagatin ng binata ang kulubot niyang kamay. Hindi na sinayang ni Keith ang pagkakataon, at tumakbo na siya nang mabilis. Papalayo sa matandang muntikan na siyang gawan ng masama.
Tanging pagkabog lamang ng dibdib ang naririnig ni Keith habang pilit na binibilisan ang pagtakbo pabalik sa kanilang area. Patuloy ang pagtulo ng kanyang luha, dala ng takot na nangingibabaw sa kanyang katawan. Muntikan na naman siyang mapahamak. Dahil lamang sa pagtulong niya sa isang matanda.
Mas lalo pang lumakas ang pagkabog ng kanyang dibdib nang marinig niya ang pagtawag ng mga lalaki, animoy hinahabol siya. Malayo-layo rin ang nilakad niya upang makapunta roon, kaya naman malayo pa ang kailangan niyang takbuhin para makabalik sa area nila. Hindi na mawari ang kanyang mukha dahil sa kaba't takot na bumabalot sa kanya. Lalo na nang maramdaman niya ang pagkapagod ng kanyang mga paa.
Halos madapa na siya dahil sa mga ugat na nakausli sa lupa, ngunit hindi siya tumigil. Alam niyang katapusan na niya kapag nahabol siya ng mga ito. Ni minsan ay hindi niya inakala na kayang gumawa ng masama ang isang matandang gaya non. Ngunit napagtanto niyang hindi iyon imposible dahil sa uniporme nitong suot, at ang pagiging preso nito.
Nagpatuloy siya sa pagtakbo hanggang sa maaninag niya ang area nila, ngunit parang nawalan siya ng pag-asa nang sandaling hindi niya nakita ang tatlo. Natira lamang doon, ay ang pulis na nagpapunta sa kanila roon. Gayon pa man, hindi pa rin siya tumigil sa pagktabo, hanggang sa marating niya iyon.
“At saan ka naman nagpun—” Binalewala na ni Keith ang sasabihin nito, at agad na nagtago sa malapad na likod nito. Otomatikong nagsalubong ang mga kilay ng pulis dahil sa biglaan nitong galaw. Ngunit agad niya itong naintindihan nang makita niya ang tatlong naglalakihang presong hingal na hingal sa paghahabol sa kanya.
Pinanlisikan lamang ng mata ng pulis ang mga ito, at agad silang naman umalis. Maya-maya pa ay narinig niya ang pag-iyak ng binata. Nakakapit pa rin ang mga kamay nito sa kanyang uniporme, at ramdam na ramdam niya ang panginginig nito. Hindi na nito sinubukang gumalaw pa.
“Hinahanap ka na ng mga ka-kosa mo. Kung saan-saan ka kasi napapadpad. Oras na ng tanghalian.” Pasinghal na ani nito.
Sigurado si Keith na kailangan niya ng maayos na paliwanag at rason kung bakit siya nawala. Lalo na't ginawa ng mga ito ang gawaing dapat sa kanya. Nalimutan na rin niyang may lagnat siya. At isa pa, yakap-yakap niya ngayon ang pulis na hindi niya kilala.
A/N: SORRY, DI KO TO NA PROOFREAD, HEHE. LAGNAT IS REAL.