SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Pagkapasok ni Mr. Lee sa opisina niya, halos hindi pa rin ako makahinga ng maayos. Para bang naiwan sa ere ang dibdib ko. Nakaupo lang ako sa desk ko, nakatitig sa harap, hawak ang ballpen pero walang sinusulat. Lumulutang ang isip ko, at kahit pilitin kong bumalik sa ulirat, bumabalik-balik pa rin sa utak ko ang bawat salitang binitawan niya kanina. “Kapag nagkasakit ka dahil sa kakaisip ng kung ano-ano, hindi lang basta utos ang makukuha mo sa akin.” Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin doon? Bakit parang… may bigat? Parang may kasamang banta, pero sa ilalim noon, may halong pag-aalaga. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko matatakot ba ako, kikiligin, o lalo lang malilito. “Hoy.” Napaigtad ako sa biglang boses mula sa gilid. Paglingon ko, nandoon si

