CHAPTER 46—MARUNONG KA PALANG MAGLUTO

1113 Words

SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Nagising ako nang marinig ko ang mahinang pagkalansing ng pinto. Agad akong napatingin doon at nakita ko si Sir Ryker na pumasok, may dalang tray ng pagkain. Nang mapansin niyang gising na ako, lumapit siya, marahang inilapag ang tray sa bedside table, at naupo sa gilid ng kama. “Gising ka na pala. Kamusta ang tulog mo?” tanong niya, mababa at kalmado ang tono. Napahawak ako sa sentido ko dahil may kaunting kirot pa akong nararamdaman. “Okay lang naman… anong oras na ba?” tanong ko, sabay irap ng mata na parang nag-aadjust pa sa liwanag ng lampshade. Tiningnan niya ang relong suot niya. “6:50 PM,” sagot niya. Napamulagat ako. “What?! Gano’n katagal akong nakatulog?” Mabilis akong napabangon, hindi makapaniwala na halos buong hapon pala akong walang malay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD