SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Kinabukasan, maaga akong pumasok sa kumpanya. Kahit magdamag akong nagpaikot-ikot sa kama kagabi, hindi pa rin ako nakatulog nang maayos. Paulit-ulit kasing bumabalik sa isip ko ang lahat ng nangyari mula sa pag-uwi ko sa bahay na hindi ko man lang naalala kung paano, hanggang sa mga text messages ni Ryker na kahit pilit kong hindi seryosohin ay sobra pa ring nagpapakaba sa dibdib ko. Pagpasok ko sa lobby, diretso agad ako sa elevator, pero bago ko pa mapindot ang floor kung saan ang opisina namin, may maririnig akong pamilyar na tinig. “Hoy, Syrelle!” Nilingon ko at tumambad agad si Niko, naka-cross arms, nakasandal sa dingding malapit sa reception area. Nakangisi ito, pero sa likod ng ngiti niya ramdam kong may halong panunuri. “Bakit hindi ka pumasok kahap

