SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Matapos kong ipilit sa sarili kong huminga nang malalim. Hindi ko na kayang tiisin ang titig ni Sir Ryker masyadong mabigat, masyadong nakakalito. Kailangan kong lumabas sa kwartong iyon, makalayo kahit sandali, para makapag-isip nang malinaw. Lumapit ako sa pinto at akmang hahawakan na ang door knob nang bigla kong maramdaman ang malamig pero matatag na kamay niya sa aking pulso. Mabilis akong napalingon. “Sandali lang, Syrelle,” malamig pero may bahid ng pag-aalala ang boses niya. At bago pa ako makapagsalita, hinila niya ako pabalik. Dahil sa pagkabigla at kawalan ng balanse, napasubsob ako diretso sa kanya—at sa hindi ko inaasahan, dumampi ang mga labi ko sa labi niya. Nanlaki ang mga mata ko, ramdam ko ang init ng hininga niya na sumalubong sa akin. Mabi

