RYKER DAMIEN LEE POV Isang babae na halatang nagmamadali, bahagyang hinihingal habang hawak ang strap ng bag niya. Magulo ang ilang hibla ng buhok, pero sa halip na makasira, mas lalo nitong binigyan ng buhay ang itsura niya. Ang uniporme niya ay maayos, pero halata sa kilos na wala siyang oras para ayusin pa ang bawat detalye. Nag-angat siya ng tingin saglit—at doon kami nagkatinginan. Isang mabilis ngunit malinaw na sulyap. Kita ko sa mga mata niya ang gulat, parang hindi niya inaasahang ako ang nasa loob. Tahimik akong tumayo sa kabilang dulo, pinapanatili ang presensyang alam kong hindi madaling balewalain. Sa loob-loob ko, gusto kong makita kung paano siya magre-react sa bigat ng katahimikan sa pagitan naming dalawa. “Mukhang nagmamadali ka,” sabi ko, malamig ang tono pero walang

