SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Abala ako sa pag-eencode ng mga papeles na iniwan ni Ma’am Carmina kanina. Medyo marami iyon kaya nakayuko lang ako sa laptop, halos hindi na alintana ang mga tao sa paligid. Ilang oras na rin akong tahimik, sinusubukang matapos bago pa man dumating ang susunod na gawain. Nang biglang bumukas ang pinto at bumungad doon ang pawisang si Sir Niko—yung lalaking kasama ni Mr. Lee kahapon. Medyo hingal pa siya, halatang nagmamadali. Napaangat ako ng ulo, napakunot-noo. Ano kayang ginagawa niya rito at bakit siya pawisan ng ganyan? “Oh, Niko? Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?” tanong agad ni Ma’am Carmina habang lumapit sa kanya. Hindi ko na narinig ang sagot niya dahil halos pabulong silang nag-usap. Ilang sandali lang, sabay silang lumabas ng opisina. Napakibit

