SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Habang patuloy akong kumakain, hindi ko maiwasang mapatingin paminsan-minsan kay Ryker. Tahimik lang siya, nakaupo sa harap ko, pero hindi ko maalis ang tingin niya na nakatutok lang sa akin. Para bang bawat subo ko ng kanin at bawat pagnguya ay sinusundan ng mga mata niya. Nakaka-conscious sobra. “A-anong tinitingnan n’yo, sir?” mahina kong tanong, pinilit kong gawing casual, pero halatang nanginginig ang boses ko. “Wala,” tipid niyang sagot, pero hindi inalis ang tingin. “I’m just making sure you eat well.” Napakagat labi ako at umiling. Ano ba ’to? Boss ko ba talaga siya? O nananaginip pa rin ako? Matapos ang ilang minuto ng katahimikan, ako na ang unang nagsalita para mabasag ang awkward na atmosphere. “Sir, bakit pa po kayo nag-abala? Pwede naman akong m

