SYRELLE KEYZA ALTAIR POV Nagising ako dahil sa init na dumadampi sa balat ko. Kumakapasok ang sikat ng araw mula sa bintana, diretso sa mukha ko. Napapikit ako, pero nang hindi ko na matiis, agad akong bumangon at kinuha ang tsinelas sa gilid ng kama. Pero bigla akong napatigil. Hindi ito ang private room sa opisina ni Sir Ryker. Napatingin ako sa paligid at doon ko lang na-realize na nasa sariling kwarto ko ako. Nanlaki ang mga mata ko. Paano ako nakauwi rito? Huling tanda ko kagabi, nasa opisina pa kami. Napalingon ako sa sarili kong suot—at doon tuluyang bumilis ang t***k ng puso ko. Ang cycling dress na pantulog na nasa paper bag kagabi… iyon ang suot ko ngayon. Napakagat ako ng labi ko at napaupo ulit sa kama, napahawak sa mukha. “Ibig sabihin… hindi panaginip ang lahat nang nang

