Isang tili ang nagpagising sakin, kaya napabalikwas ako ng bangon. Nagtaka pa ako sakin palingid ng makabawi ako bigla kung tinakpan ng aking palad ang bibig ng isang babaeng sumisigaw. May marahas naman kamay ang humawak saking braso at hinila ako kaya nauntog ang ulo ko sa bakal. Muntik nadin akung mahulog buti nalang nakahawak ako sa gilid ng truck. Hinila niya akung pababa ng truck.
"Sino ka? Bakit ka nandito? Anong ginawaga mo dyan?" sunod sunod na tanong ng dalawang tao sa harap ko. Nakita kung madilim na ang paligid. At hindi ko kilala ang lugar may malaking bahay malapit samin may mga puno ng halaman sa paligid.
"Hindi po ako masamang tao, nataon lang pong dito ako nasakay. Tumakas po kasi ako sa mga taong gustong manakit sakin." paliwanag ko. At baka nila ako saktan.
"Anong nangyayari d'yan? May problema ba? sigaw na tanong ng isang sopestikadang babae na nasa malawak na terrace nakaupo siya sa isang silya sa harap ng bilog na lamisita. Maganda ang bahay kulay krema may ilang baitang bago ka makatapak sa flooring ng terrace. Tumayo ang babae at bahagya pang lumapit samin.
"Señora may babae po kaming nahuli dito sa loob ng sasakyan." pasigaw din sagot ng lalake.
"Baka spy ito Señora" ani pa ng babae.
"Patawad po pero hindi po ako masamang tao. Hindi rin po ako spy. Pakiusap po huwag niyo akung sasaktan maawa na po kayo sakin." pagmamakaawa ko sa kanila "Kung gusto po niyo aalis nalang ako." dagdag ko pang nagmamakaawa.
"Dalhin niyo siya dito at ako ang kakausap" utos ng Señora
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Na para bang isa akong specimen. Nakataas ang kanyang kilay nakahalukipkip din siya. Maganda ang babae kahit medyo may idad na ito. Maputi ang makinis niyang kutis. Abuhin ang kulay ng kanyang mga mata.
"Sino ka? Bakit ka sumakay ng sasakyan ko? Anong ginagawa mo? Anong nangyari sayo? Naaksidente kaba? tanong niyang sunod sunod.
Dahil nanunuyo ang lalamunan ko sa uhaw hindi ako makasagot agad. Niligon ko ang bilog na mesa dito sa maluwang niyang Terrance katabi ng Señora kaya lalo akung inuhaw dahil nakita kung may isang tasang umuusok na sa tinging ko'y tsaang kulay green.
"hhmm...pwede po bang makahingi ng kahit isang basong tubig lang uhaw na uhaw na po kasi ako." pagmamakaawa ko pa sa kanila. Nanlalata narin ako dahil sa gutom.
Pinagmasdan pa muna akong mabuti ng Señora bago nag-utos na ikuhanan ako ng tubig.
"Kumain ka na ba?" tanong ng Señora matapos kung inisang lagok ang baso ng tubig. Kaya kakapalan ko na ang aking mukha bahala na. Dalawang beses akung umiling habang pinapahid ng likod ng palad ko ang aking bibig.
"Pakainin mo siya Caring at mag-usap tayo pagkatapos. Bantayan niyo siya at huwag na huwag hayaang makatakas." mariing utos niya.
"Halika na iha" ani ng babaeng tinawag na Caring. "Duon tayo sa kusina ipaghahanda kita ng makakain mo." aniya sakin. Kaya sumunod ako sa kanya.
"Nay wait lang po huhubarin ko lang itong sapatos ko madumi po kasi." aniko at pinakita pa ang suot kung combat shoes na puro natuyong putik. Pinagmamasdan naman ako ng Señora.
"Umupo kana d'yan at ipagsasandok kita." utos niya sakin
"Nay pwede po maki hugas ng kamay" pakiusap ko at iwinagayway ko pa ang aking maruming kamay.
Sunod-sunod na subo ang ginawa ko dahil sa gutom, humihigup din ako paminsan-minsan ng sabaw ng sinigang na tadyang ng baboy na init-init pa. Halos maubos ko ang ihinain sa akin.
"Nay pwede po ba ako ulit makiusap, pwede pong maki ligo muna bago tayo makipag-usap sa Señora" aniko matapos akung makakain dahil iba na ang amoy ko. Marumi din maging suot kong damit.
"O siya sige ayun ang banyo pwede mong gamitin" aniya itinuro niya ang isang pinto malapit sa kusina.
"Kukunin ko lang yun bag ko sa truck" aniko at mabilis nakong nagtatakbo palabas para kunin ang backpack.
"Maupo kayo" utos ng Señora pagpasok namin sa isang malaking silid na puro libro, may malaki rin lamesa at swivel chair sa likod na siyang kinauupuan ng Señora. Pinili kung maupo sa dulo ng mahabang sofa pinag tig-isahan naman ng dalawang kasama ko ang single seated chair. Tumayo at umupo naman sa tabi ko ang Señora titig na titig siya sakin kaya yumoko ako sa hiya.
"May iba pa bang nakakita sa inyo na kasama niyo siya" tanong ng Señora sa dalawang matanda
"Wala po Señora kami lang po ang tao kanina nakauwi na po ang lahat ng trabahador" ani ng matandang lalake.
"Ilan tao mo na iha?" tanong niya sakin na may ngiti sa labi. "Bakit marami kang sugat? Saan mo nakuha yan? Anong nangyari sayo?" sunod sunod niyang tanong sakin kahit hindi ko pa siya nasasagot sa una niyang tanong.
"Magtwe-twenty napo ako sa susunod na buwan." malumanay kong wika "Tumakas po kasi ako sa apat na babae. Ginagawa po nila akung alipin. Lalo na yun lalakeng halimaw sobra siyang magpahirap." aniko na maluha-luha ng maalala ko ang sinapit ko.
"Puro talahiban at kakahuyan po nadaanan ko. Kaya ng makita ko sa gilid ng daan yun truck niyo sumakay na po ako sa likod. Pasensiya na po." paliwanag ko ayaw ko naman idilatye ang totoo at baka pandirihan nila ako.
Nakita kong bumalatay sa mukha niya ang awa sakin. Hinaplos pa niya ang ang aking pisngi.
"Caring kumuha ka ng pwede ipanggamot sa mga sugat niya" utos ng Señora.
"Aray ko! masakit po" daing ko. Malalim kasi ang isang sugat ko na nasabit sa matulis na bato sa may bangin. "May uuwian ka paba na magiging ligtas ka?" tanong niya sakin, pero hindi ako nakasagot dahil baka hanapin ako ng halimaw, alam kung hindi nako ligtas ngayong tinakasan ko sila.
"Iha gusto mo bang manatili dito." nakangiti niya uling tanong. "Dito ka nalang sakin. Aalagan kita pag-aaralin kita. Ibibigay ko sayo ang lahat ng gusto mo." dagdag niya na ikinalaki ng aking mga mata. Hindi ako makapaniwala sa inaalok niya. Hindi naman niya ako kilala bakit niya ako pinagkakatiwalaan agad ng ganito.
"Huh" tanging lumabas saking bibig.
"Napakaganda mo iha kahit puro ka sugat, sana tanggapin mo ino-offer ko sayo." aniya. pinagmasdan ko siyang mabuti. Nakatitig lang siya sa mukha ko. Nang ibaling ko naman ang aking paningin sa dalawang pang taong kasama namin nakangiti lang sila. Naisip kung baka magkita uli kami ng halimaw at patayin nako ng lubusan. Kaya napatango ako.
"So tinatanggap mo ang offer ko sayo" aniya na kita sa kanyang mukha ang saya kaya tumango uli ako.
"Simula ngayon ikaw na si Ella ang nag-iisa kong anak na babae, bubuhayin ko sa katauhan mo ang namayapa kung anak" diklara niya na ikinagulat ko. "Tatawagin muna akong Mommy at ikaw ang aking anak" dagdag pa niya. "Gusto kung wala kayung pagsasabihan kung ano mang napag-usap at naganap ngayon. Maliwanag ba?" maawtoridad niyang wila kaya panabay pa kaming tatlong sumagot. "Huwag na huwag karin lalabas ng kwarto mo para walang makakita sayong ibang tao dahil hindi pa napapanahon. Ipapakilala kita bilang nag-iisang anak kung babae na si Ella Lauren Khan pagdating ng tamang oras. Isasama kita sa Australia sa pag-alis ko duon ka mag-aaral." matigas na turan niya. "Malalim na ang gabi matulog na tayo. Tandaan niyo ang mga bilin ko." aniya at tumayo na at lumakad palabas ng pinto. "Good night" huling salita niya bago isinarado ang pinto.
Kinabukasan nagising akung mataas na ang sikat ng araw na tumatama sa mukha ko mula sa nakabukas na bintana. Napadaing ako ng magtangka akung bumangon masakit ang buo kung katawan lalo na ang mga hita at braso ko halos hirap kong igalaw.
Nakadinig ako ng mahihinang katok sa pinto kasunod ng pagbukas nuon.
"Iha gising kana pala, dadalhan na kita ng pagkain mo dito." aniya at hinawi pa niya ang kurtina kaya mas lalo pang lumiwanag sa loob ng malaking silid na inaakupa ko.
"Asaan na po ang Señora." tanong ko.
" Mommy iha Mommy mo na siya ngayon kaya huwag mo siyang tawaging Señora." aniya.
"Bumangon kana d'yan" utos niya sakin. Kaya dahan dahan akung bumangon pero masakit talaga ang katawan ko kaya napapadaing ako.
"Naaayyy!.." sigaw kong malakas sabay hawak saking puson na sumasakit nakita ko ang pulang likido sakin hita.
"Diyos kung bata ka anong nangyari sayo." tarantang usal niya. "Doming!... Doming!.. pumarini ka nga bilis. Si Ella." sigaw niya sa pinto.
"Congratulation she's seven weeks pregnant." pahayag ng Doctor na ikigulat ko. "Huwag kayong mag-alala makapit naman ang sanggol. Kailangan lang niya mag bed rest muna ng isang linggo dahil kung hindi baka tuluyan ng mawala ang baby. Bawal din siyang magbuhat ng mabibigat hindi rin siya pwedeng ma-stress. Pakainin niyo siya ng mga masusustansiyang pagkain. Ipainum din ninyo ang mga gamot at vitamins na iririseta ko." Mahabang paliwanag ng Doctor.
"Ibalik niyo siya next month" dagdag pa niyang sabi kay Nay Caring sila ang kasama ko dito sa hospital.
Halos wala akung maintindihan sa sinasabi ng Doctor. Hindi ako makapaniwang buntis ako at ang ama ni hindi ko lubos na kilala. Wala akung alam tungkol sa pagkatao niya maliban nalang sa pagiging halimaw niya sa pagbaboy niya sa katawan ko. Aaminin kung gwapo siya pero hindi naman sapat na dahilan yun para magpabuntis ako. Pero ano pa nga ang magagawa nabuntis nako ng isang gwapong halimaw.
Kinabukasan na ako nakauwi sa bahay pero tulala parin ako. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o magagalit. Gusto kung magka-anak pero hindi ngayon napaka-bata ko pa isa pa, isang halimaw ang ama ng anak mo. Hindi siya nabuo sa pagmamahalan kundi sa mapagparusa paraan ng mala halimaw na tao. Wala siyang puso hindi marunong magmahal ang isang halimaw.
"Anak huwag kang mag-isip ng hindi maganda. Makasasama sayo at sa anak mo. Pasalamat pa nga tayo sa biyayang dumating satin, masaya ako at magkakaapo nako akala ko bibilang pa taon bago ako magka-apo." masaya niyang wika
"Anong gusto mong kainin Ella anak sabihin mo at magpapabili ako." tanong pa niya sakin habang hinihimas niya ang aking impis pang tiyan.
Naalala ko tuloy si Mama ganito rin kaya ang gagawin niya sakin. Mamahalin din kaya niya ang magiging anak ko. piping usal ko.
Napag-alaman kung hacienda pala niya ang lugar kung saan ako ngayon. Napakayaman din niya namatay na daw ang asawa niya dalawang taon na ang nakakalipas. May mga negosyo daw siya sa abroad meron din dito sa Pilipinas. Wala daw siya kapatid na pwedeng makatuwang sa pagma-manage ng mga negosyo niya at ako lang daw ang aasahan niya. Dalawa ang naging anak niya pero pareho na daw patay.
Mukhang mapo-postpone pa ang pag-uwi natin sa Australia. Kaya magpalakas kang mabuti para sa anak mo. Magsabi ka lang kung anong gusto mo." bilin pa niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang saya. Hindi man lang niya ako tinanung kung sino ang ama ng aking pinagbubuntis. Tanggap niyang ganito ako. Hindi rin niya ako tinanong kung anong klase pagkatao meron ako.Kung ano ako, kung sino. Pinagkakatiwalaan na niya ako agad.
Nang mapag-isa nako sa kwarto ko hinimas ko ang aking hindi pa maumbok na tiyan.
"Sorry baby kung malungkot si Mama ha. Nabigla lang kasi ako pero huwag kang mag-alala paka mamahalin kita, aalagaan kitang mabuti kahit wala ang Daddy mong halimaw. Sorry baby wag kang magalit kung tinatawag kung halimaw si Daddy. Pero pogi ang Daddy mong halimaw." kausap ko sa angel na nasa sinapupunan ko. Hindi ako makapaniwalang may pumipintig ng sanggol sakin tiyan.
Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwang magkaka-anak nako. Ano kayang masasabi ni Papa kung malalaman niya. Matutuwa kaya siya o magagalit o baka itakwil niya ako dahil walang ama ang aking magiging anak. Mag-kikita pa kaya kami ng halimaw na yun?
Paano paghinanap ng anak ko ang ama niya? Paano ko sasabihin ang totoo? mga pipi kung katanongan na hindi ko alam ang sagot. Alam kung darating ang araw na hahanapin ng anak ko tatay niya. Magtatanong ito kung sino ang tatay niya at kung nasaan na ito.
Pagbabayarin ko parin kayo sa ginawa niyo sakin. Darating ang araw babalikan ko kayo para pagbayarin sa mga kawalanghiyan ginawa niyo sakin. Hantayin nyo lang akung makapanganak at hahanapin ko kayo isa isa. Saka niya kinuyom ng mariin ang mga kamao.
.
.
.
.
.
............................................................ please follow my account..
... add my stories in your library..
......"Lady Lhee".....
......thanksguys....loveu...lrs..