Maaga palang ng may madinig na silang ugong kaya naman halos manginig na sila sa takot. Takot sa galit ng isang tao dahil hindi nila alam kung anong sasapitin nila ngayon nawawala ang taong pinaalagaan sa kanila.
Lumabas sila sa malaking pinto para sinuhin kung sino ang dumating alam na nila kung sino 'yun pero kailangan parin silang makasiguro kahit kabado sila.
"Kumusta na kayo dito girls?" tanong nito at isa-isa silang pinasadahan ng tingin. "Nasaan yun isa bakit kayo lang?" aniya. Nakita niyang nagtinginan ang apat na babae.
"Natutulog pa ang senyorita." ani ng isa.
"Kumusta siya magaling na ba siya? Nakakain naba ng maayus? Bumalik naba ang dating sigla niya? Pwede ko ba siyang makita?" sunod sunod niya tanong. Nakita niya humarang sa may pinto ang dalawang babae. Kaya kinutuban na siyang may hindi magandang nangyayari.
"Hindi mo ba alam na takot siya sayo. Bakit pupuntahan mo pa." ani ng isang babae.
"Oo nga baka mamaya kung ano pang mangyari duon pagnakita ka." segunda pa ng isa.
"Buti pa hayaan nalang natin siya mamaya pa ang baba nun. Huwag niyo ng abalahin." dagdag pa ng isang babae.
"Gusto ko lang makita hindi ko naman lalapitan alam ko naman takot yun." aniya at hinawi na niya ang dalawang babaeng nakatayo sa may pinto at dali-daling niyang tinungo ang hagdanan paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. May iba siyang nararamdaman sa mga kinikilos ng mga ito. Kaya kahit ayaw siyang papasukin nagpilit parin siya.
Nalibut na niya ang buong kabahayan pero hindi parin niya nakikita ang hinahanap maging mga cr pinasok na niya wala parin siyang makitang tao. Hanggang sa labas ng mansyon hindi talaga niya makita ang pakay niya. Ang bilin ng boss niya picturan niya ito. Para makita daw nito kung ayus na ito. Paano niyang gagawin yun kung wala naman yung tao pi-picturan niya.
"Nasaan siya? Anong ginawa niyo sa kanya? Saan niyo siya dinala? May nangyari bang hindi maganda?" mga tanong niya sa apat na babae pero wala siyang makuhang inpormasyon sa mga ito. Kaya ng mag-ring ng telepono niya nagmamadali na siyang lumabas ng mansyon dahil hirap ang signal sa kinatatayuan niya.
Mga nakakabinging sigaw at matatalim na mura ang nadinig niya sa kabilang linya. Kaya maging siya'y kinabahan din ngayon lang niya naringgan ng mga ganoun salita ang boss niya. Kung kaharap lang niya ito ng sumandaling iyon baka makapatay na ito sa galit.
Puro "Po at Opo" lang ang naging tungon niya dito baka kung magkamali siya ng sagot baka mapatay siya nito. Hindi rin niya mailayo sa tenga niya ang telepono kahit masakit sa tenga natatakot siya sa mangyayari.
Nangmatapos ang naging pag-uusap nila ng boss niya bumalik na siya sa loob ng mansyon kung nasaan ang apat na babae.
"Girls ihanda na niyo ang sarili niyo. Galit na galit si Sir" anunsyo niya sa apat na babae kita pa niya kung paano takasan ng kulay ang mga mukha nito.
"Pre bantayan mo yan mga babae yan huwag mong paaalisin susunduin lang namin si boss." utos niya sa isang lalaking kasama niya. At nagmamadali ng pinuntahan ang chopper na sinakyan nila kanina na nagdala ng mga food supply.
Sa himpapawid palang napapaisip na siya sa mga magaganap lalo na't alam niya nawawala ang babaeng gusto ng boss niya hindi man tahasang amin ng apat na babae na wala na si Clara. Hindi rin malinaw kung anung nangyari at nawala ito. Ang alam lang niya ngayon nalalagay sa panganib ang buhay ng apat na babae sa pagkawala ng babae mahal ng boss niya.
Pagbaba ng chopper sa rooftop ng building na pagaari ng mga Villaneza nakita na niya ang boss niya halos magbuga ng apoy ang mga mata nito. Alam niya masama itong magalit ayun sa mga kwento ng mga taong higit na nakakakilala dito. Katunayan madami din taong takot dito lalo na pag nagalit wala daw itong sinasanto. Ito palang ang una beses niyang makikita itong ganito kagalit. Kabaliktaran daw ito ng Ama nito.
Agad ito pumasok sa chopper at basta nalang ibinagsak ang katawan sa upuan inayus na nito ang pag-upo nagmakasok na din ang tatlo pa nitong body guards umangat na uli ang chopper na lunan nila babalik sa isla. May kaba man sa dibdib wala naman siyang magagawa wala naman siyang kinalaman sa nangyari.
Hindi naman mapalagay ang mga babae sa mansyon sa isla. Para silang sinisilihan sa pwet. Meron lumabas meron maglakad.
"Kasalan mong lahat ito sa pag iilusyong mong maging asawa si Clark kahit wala naman siyang gusto sayo." paninisi ng isang babae.
"Nadamay din ako sa mga kawalanghiyaan mo, ikaw ng utos sakin na huwag kong pakainin si Clara." ani pa ng isa. Ngayon nagsisihan sila sa mga ginawa nila. Totoo naman pinahihirapan nila ito.
Nananahimik naman ang lalaking nagbabantay sa kanila gusto man nitong tulungan ang mga babae wala siyang magagawa, ayun sa naririnig niyang pagtatalo ng mga ito mukhang malaki ang naging pagkukulang ng mga ito. Hindi biro ang pagkawala ng babaeng sinisinta ng boss niya, kilala nila ang boss niya maraming babaing nakakandarapa dito, pero iba pagdating sa babaeng gusto nito. Ito ang babaeng madalas nilang puntahan sa Universidad.
Makalipas pa ang tatlong oras lumapag na uli sa isla ang chopper ng Villaneza. Matalim ang mga mata nitong nakatingin sa kanila. Nagmamadali itong bumaba.
"Where is she? what happened to her?"sunod sunod na pasigaw nitong tanong hindi pa man nakakalapit sa kanila. "Dammit!. Where is she?" sigaw uli nito ng wala paring makuhang sagot mula sa kanila.
"Nawawala siya dalawang araw na. Nagising nalang kami wala na siya" sagot ng isang babae.
"Anong ginawa niyo sa kanya at nawala siya?" sigaw niya ulit ng walang sumasagot. "Pag nalaman ko lang na may ginawa kayung hindi maganda sa kanya humanda na kayo" anito at nagmamadaling tinungo ang magarbong hagdanan paakyat sa ikalawang palapag ng mansyon. Halos inilang hakbang lang nito ang matarik na hagdanan.
After twenty minutes bumababa na ito dala ang isang gadget na halos ibalibag nito sa bilog na maliit na mesa sa harap nila sa labas ng masyon kung saan sila mga nakaupo. Ang hindi nila inaasahan ang bigla nitong pagsampal sa pisngi ni Zuzzy na siya ikinabuwal nito.
"You f*****g slut! Why did you do that to her? Bakit niyo siya pinahirapan?" sigaw nito sa mukha ni Zuzzy. "Pinakakain niyo siya ng napakaruming pagkain. Bakit niyo ginawa kay Clara yan. Ang laki ng binayad ko sa inyo para alagaan niya pero anung ginawa niyo, ginawa niyo siyang alipin sinaktan niyo siya, walang kapatawaran ang ginawa niyo sa kanya." sigaw niya sa apat ba babae. Kitang kita sa videos ang mga ginawa nila meron isinaboy nila ang pagkain sa lupa at duon isinubsub ang mukha ni Clara na pilit na ipinakakain ang maduming pagkain. Nakita din duon kung paano nila pagtulong-tulongang saktan si Clara.
Sipa, tadyak, sampal, suntok ang pinatikim niya sa apat na babae wala na siya pakealam kahit saan parte ng katawan tamaan ang mga ito. May mga pulang likido na ding ang mga mukha ng mga babae halos hindi na nga makabangon ang mga ito.
"Sir tama na baka mapatay niyo sila." awat ng assistant niyang si Dennis.
"Talagang papatayin ko sila dahil sa ginawa nila kay Clara. Nag-demand pa kayo ng napakalaking halaga tapos ganito lang gagawin niyo sa kanya. Yan mga suot niyong damit nayan binili ko yan para kay Clara pero kayu ang nagsusuot f**k you" sigaw niya sa mga ito sabay ng pagpapakawala niya ng mga suntok at sampal.
Hindi na makatiis pa si Dennis dahil naaawa na siya sa mga babae puro dugo na ang mukha ng mga ito kaya nilapitan na niya ang boss niya at pinigil na niya ito hinarang na niya ang kanyang katawan. Nasipa pa ulit nito ang mga babae.
"Boss tama na boss." awat na niya dito sininyasan na din niya ang isang body guard.
"Itapon na n'yo sa gubat yan mga yan, dahil pagnakita ko pa yan papatayin ko na talaga yang mga babaeng yan." sigaw niyang hinihingal na. Halos yakapin na ni Dennis ang boss niya.
"Kunin niyo na dalian niyo" utos ni Dennis sa mga body guard nilapitan pa niya ang piloto at kinausap ito.
"Kailangan natin hanapin si Clara dito siya gumawi." anito sabay kalikot sa gadget nakita duon na nagpunta ito sa kagubatan ng dis oras na ng gabi.
"Boss di ba mapanganib diyang sa kagubatan baka .." hindi na niya natapos ang sasabihin ng biglang magsalita si Clark
"Kung naduduwag kayong pumasok sa kagubatan ako nalang mag-isa maghahanap sa kanya." anito sabay tayo na nito at tinalikuran na sila, naglakad ito patungo sa kagubatan. Kaya nagkatingin nalang sila ng mga body guard nito.
"Tayo na sundan natin" at nagmamadali na silang sumunod dito. Nauna ng naglakad ang apat na body guard ni Clark. Katabi naman ni Dennis ang boss niya. Nag makapasok na sila sa kagubatan nagkanya-kanya na sila ng bunot ng baril na dala. Binunut narin ni Dennis ang baril niya sa bewang ganuon din ginawa ni Clark binunut nadin niya ang baril na nasuksuk sa likuran niya. Naghanda na nila kung meron mang umataki sa kanilang mababangis na hayop sa gubat.
"Maghiwa-hiwalay kayo" utos niya sa mga body guard niya, tumalima naman ang mga ito habang hawak ng mahigpit ang mga dalang sandata. Mas nauna ang mga itong pumasok sa gubat.
Hindi nagtagal nakarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril kaya humanda na rin sila ni Dennis. Lakad lang sila ng lakad habang palinga linga. Nadinig pa niyang humihiyaw ng paulit-ulit ang isa niya body guard tinatawag nito ang pangalan ni Clara.
"Boss dito" sigaw ng isa sa body guard niya kaya nagtatakbo na sila ni Dennis sa gawi ng mga ito. Nakita niya itinaas nito ang isang pirasong punit na tela. Para siyang binuhusang ng malamig na tubig ng makita niya kung ano ang hawak nito. Nakilala niya agad yun dahil siya mismo ang bumili ng damit na yun para kay Clara. At yun din ang suot nito ng pumasok sa kagubatan.
"No! Clarraaa!..." malakas niyang sigaw na umalingawngaw sa loob ng kagubatan. Nag-ibaling naman niya ang kanyang panigin sa gawing kaliwa niya nakita niya ang isang bugkos ng buhok na mahabang kulay brown may mga natuyong dugo ito. Kaya mapaluhod na siya kinuha niya ang buhok at idikit niya sa kanyang mukha habang paulit-ulit niya isinisigaw ang pangalang ni Clara sa pagitang ng kanyan malakas na hagulgul.
"Clara I'm sorry baby.. Clara patawad...Bakit ka pumasok dito sa gubat." mga katagang paulit ulit niya binibigkas na para bang madidinig siya nito.
Maya maya pa may mga buto na din ibinaba sa harap niya ang mga tauhan niya may mga natuyong din dugo ang mga iyon. Sari-saring sukat at hubog ng mga buto nadin ang nasa harap niya. Nakuha din ang isang piraso ng tsinelas na parang kinagat ng matalim na ngipin may mga butas iyon may bahid din ng natuyong dugo. Mga buhok na nakasabit sa mga damo at mga sangang maliit na puno na may bahid din natuyong dugo ang naipon nila. Marami rin nagkalat na tuyong dugo sa damuhan maging sa puno sa harap niya. Kaya napahagulgul na siya ng iyak habang nakaluhod.
Ilang putok pa ng baril ang umalingawngaw sa kagubatan muna sa mga tao niya.
"Boss tayo na mukhang dumadami na ang mga hayup gubat baka hindi na tayo makalabas ng buhay dito." ani Dennis. Sininyasan na niya ang mga body guard na dalhin na ang mga nakuhang mga buto at gamit ni Clara kaya kanya-kanya na sila ng bitbit. Habang nakaalalay siya sa boss niya. Hanggang makalabas na sila ng kagubatan.
"Dito natin siya ibaun" utos ni Dennis dahil hindi na nila makausap ang boss nila. Madilim nadin ang kalangitan nagbabadya ng malakas na pagbuhos ng ulan. Mukhang maging ang kalangitan ay nakikidalamhati sa kanila.
Nagmakapag hukay sila ng parihabang butas sa gitna ng mga halamang namumulaklak sa may hardin kung saan nakita niya sa larawan na madalas daw tambayan ni Clara. Inisa-isa na niyang inayus ang mga buto, ipinaibabaw niya ang nakuha nila pira pirason damit nitong suot ng pumasok sa kagubatan. Inilagay din niya ang isang piraso ng tsinelas sa kabilang dulo, sa kabilang dulo nama'y inayus din niya mabuti ang ang mga buhok na nakuha nila. Nang lingunin niya ang boss niya para sana kunin ang isang bugkos na buhok na hawak nito pero mas lalo pa nitong niyakap iyon isiniksik pa nito sa dibdib niya ang mga buhok. Habang nakapaluhod ito at tahimik na lumuluha sa tabi ng hukay. Maya't maya ring binibigkas nito ang pangalan ni Clara at humuhingi na tawad.
Nag-alay pa sila ng maiksing panalangin bago dahan-dahan na nilang tinabunan ng lupa ang mga butong inilibing nila. Nagmatapos na sila matabonan, pumitas pa siya ng bulaklak at inilagay niya sa ibabaw ng ginawa nilang puntod. Ginaya din siya ng apat na body guard naglagay din ang mga ito ng bulaklak sa ibabaw. Kumuha din siya ng dalawang kahoy at ginawang krus at itinisok sa kabilang dulo.
"Sir tayo na po uulan na sir baka mabasa kayo, magkasakit pa kayo." yaya niya sa boss niya walang tigil sa pag-iyak at paghingi ng tawad sa babae. Naawa siya sa boss niya ngayon lang niya ito nakitang ganito na parang binagsakan ng langit at lupa. Nanghihinayang din siya sa sinapit ni Clara, bata pa ito at marami pang pwedeng gawin sa buhay.
.
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account
.....add my stories in your library...
......"Lady Lhee".....
.....thanksguys...loveu...lrs...