Kabanata Labing Tatlo

2042 Words
Malakas na ang buhos ng ulan pero hindi parin umaalis ang boss niya sa tabi ng pinaglibingan nila sa mga buto, nakaluhod pari ito nakayuko ang ulo. At paulit-ulit paring tinatawag ang pangalan ni Clara humihingi din ito ng tawad. Habang walang tigil sa pag-iyak. "Clara baby patawad. Sorry hindi kita naingatan." anitong paulit ulit habang humahahulgol ng iyak na animo isang baliw. Nakita niyang giniginaw na ang boss niya, maitim na ang mga labi nito at bahagya naring nanginginig pero ayaw parin umalis duon maging sila man ay giniginaw na din dahil hindi nila iniiwan ang boss nilang nagdadalamhati. Halos mag iisang oras na sila sa gitna ng malakas na buhos ng ulan, pero ayaw paring paawat ng boss niya kaya bago pa sila pare parehong magkasakit tinawag na niya ang apat na lalake. Bago pa may mangyaring masama sa boss nila sapilitan na nila itong itinayo. Halos buhatin na nila ito palayo sa pinagbaunan nila ng mga buto. Hanggang sa loob ng bahay akay-akay nila ito paakyat sa hagdanan papunta sa kwarto nito ipinasok nadin nila ito sa loob ng banyo upang makaligo. Natitinginan pa sila kung sino ang magpapaligo dito. "Ako na bahala sa sarili ko" saad nito ng maipasok nila sa banyo. Parang mahulaan naman nito ang tinginan nila. Kaya iniwan nila ito. Hanggang sa banyo yakap parin niya ang buhok. Itinapat niya yun sa dutsa, binuhusan ng shampoo at marahang hinahagod ng paulit-ulit. Nangmatapos na niya linisin ang buhok kumuha siya ng puting t'walya at maingat na ipinaloob niya duon. Bago siya magpasyang maligo. Paglabas niya ng banyo yakap na niya ang towel na naglalaman ng buhok maingat niya ibinaba yun sa ibabaw ng kanyang kama saka lumuhod sa sahig at paulit-ulit na naman humihingi ng tawad kay Clara habang lumuluha. Ngayon siya nagsisi sa mga nagawa niya pero huli na ang lahat wala na ito, hindi na siya nito maririnig kahit anong sabihin niya, kahit ano pang gawin niya wala naring saysay dahil wala na ang babaing minahal niya. Ang babaeng mahal niya at pinarusahan ng wala nagawang pagkakasala sa kanya. Ito ang nagdusa ng kapusukan niya. Ang babaing nagdusa ng kademonyuhan niya. Ang pinarusan niya at sinaktan. Ngayon siya ang lubos na nagdurusa sa mga nagawa niyang kasamaan sa taong wala naman kasalan sa kanya nadamay lang ito dahil sa baluktot niyang pag-iisip. Napadala siya sa bulong ng demonyong bumalot sa kanya sa sobrang galit. Lumabas na siya ng kwarto niya at bumababa ng hagdanan habang yakap parin niya ang buhok na nakabalot sa telang kulay puti. Halos magdamag siyang gising yakap ang mga buhok. Ngayon lang niya naranasang umiyak ng umiyak ng dahil sa isang babae. Lalake siya pero hindi niya makontrol ang emosyon niya pagdating sa dalaga. "Good morning sir" panabay na bati ng mga lalaking naabutan niya sa living room na nakaupo. "Sir kape" ani Dennis at inabot sa kanya ang isang tasa ng kape. "Naka-ready na sir ang almusal pwede na kayung kumain." dagdag pa ni Dennis. Pero dirediretso lang siyang naglakad bitbit ang tasa ng kape sa isang kamay sa isang kamay naman hawak parin niya ang buhok, lumabas na siya ng bahay. Maaliwalas na ang kalangitan tumingala pa siya. Na para bang makikita niya duon ang taong laman ng isip at puso niya. "Clara mahal ko patawad" usal niya habang nakapatingala sa mapayapang kalangitan. Huminto pa siya at sumimsim ng kape bago nagpatuloy maglakad. Kasunod niya ang mga tauhan niya. Namitas siya ng mga bulaklak sa hardin at dinala yun sa nilibing nilang mga buto. Nakita niyang may bagong pitas din mga bulaklak duon. Binaba niya isa isa ang mga dalang bulaklak. Nakamasid naman ang mga tauhan niya sa kanya sa di kalayuan. "Mula sa araw na ito ipapangalan ko sayo ang Islang ito. Tatawagin na itong Clarita de Isla." malakas na wika niya. Matapos ialay ang mga bulaklak. Sa harap ng pinaglibingan nila ng nga buto. Nadinig pa niya inulit ni Dennis ang sinabi niya. "Be ready men" sigaw niya sa mga tauhan niya. Matapos na nag-alay ng maiksing panalangin sa pinaglibingan ng mga buto. Pinakatitigan pa niya ang ginawa nilang puntod. At dahan dahan ng tumalikod at naglakad palayo. Bago pa siya sumakay sa chopper na naghihintay sa kanya. Tumayo pa siya sa harap ng mansyon niya. Pinagmasdan niya ang paligid ng malawak na isla. "Mula ngayon ang magiging pangalan na ng islang ito ay Clarita de Isla." diklara niya. Nagtanguan naman ang mga tauhan niya maging ang dalawang piloto niya ng nagpatango-tango din. Kahit nasa himpapawid na sila tinatanaw parin niya ang puntod na ginawa nila. Nasa kandungan naman niya ang mga buhok na nakuha nila sa kagubatan. Sa bahay na nila siya nagpahatid dirediretso siya pumasok sa loob ng maranyang mansyon nila sinalubong pa siya ng mga tagapagsilbi nila na hindi man lang niya binigyan pansin. Umakyat na siya sa magarbong hagdanan nila at tuluyang pumasok sa sariling silid. Maingat niyang ibinaba ang telang puti na kinapapalooban ng isang bugkos na kulay chokolateng mahabang buhok sa ibabaw ng kama niya. "Clara mahal ko patawad.. simula sa araw na ito dito kana titira kasama ko mahal ko.. patawad mahal." usal niyang lumuluha habang nakapaluhod sa gilid ng kanyang kama kaharap ng buhok na nakabalot ng puting tela. Hinalikan pa niya ito ng ilang beses bago ibinaba sa ibabaw ng unan niya. . Simula ng dumating siya galing isla hindi pa siya lumalabas ng kanyang kwarto taging alak lang ang kasakasama niya. Pag naubus niya ang laman itinatapon nalang niya kahit saan kaya nagkalat ang mga bubug ng mga bote at baso sa loob ng kwarto niya. Iba narin ang amoy ng loob ng kwarto niya hindi narin siya nakapag-aayus ng sarili. Ilang beses narin siyang dinalaw ng mga kaibinga niya para kumbinsihin umayos na siya at pumasok na sa opisina at marami ng naghihintay na trabaho sa kanya. Pero hanggang ngayon nagkukulong parin siya. Mag-iisang buwan na niyang pinababayaan ang sarili. Hindi na din niya nadadalaw sa hospital ang kanyang Daddy. Alak lang ang tanging kasama niya araw at gabi. Mahihinang katok sa pinto ang nadinig niya kasunod nuo'y ang pagbukas nito na hindi na niya pinagkaabalahang man lang tingnan kung sino ang taong pumasok sa pinto. Nakasalampak lang siya sa malamig na sahig sa isang sulok ng kwarto niya nakayuko ang ulo niya, puro nagkalat na basag na basyo ng bote at baso ang tanging nasa harap niya. "What the f**k are you doing to yourself Clarkson Angelo Vellaneza" sigaw ng taong bagong pasok sa loob ng kwarto niya kaya nag-angat niya ng mukha. "S.- sshhess g-gone." utal utal na bigkas niya. Buntog hininga lang ang sagot nito sa kanya at nadinig na niya ang yabag nitong papalayo ilang saglit pa pumasok ulit ito sa kasunod ang dalawang kasambahay nila. "Pwede po ba paki linis itong kwarto ng ng amo niyo iba na ho amoy nakakasuka na. Pakiusap ho huwag ninyong pabayaan yang amo nyong laging nag-iinum baka maubus atay niya mamatay agad iyan." litanya niya. At pinagmasdan mabuti ang kaibigang lasing nanaman. "Hey fucker pumasok kana na nga sa banyo at maligo kana ang baho mo na." utos nito sakin at padarang akung hinaklit sa braso at hinila dahil sa nanghihina nako napasunod ako hanggang makapasok ng banyo. "Bilisan mo dyan at mag-uusap tayung dalawa dahil kung hindi kapa rin kikilos diyan papasukin ko sila manang dyang para papaliguan ka." banta pa nito sakin. "Oo na maliligo na. Damn you jerk" sigaw ko sa kanyang nanghihina. Nadinig ko pang minamandohan niya ang mga kasambahay ko. Samantala hindi naman mapalagay si Clara dahil hanggang ngayon hindi pa siya sanay tawaging Mommy ang Señora kung minsan matatawag pa niyang Señora ito. Maiilang siya dito. "Ella kumusta na ang pakiramdam mo anak next week na ang flight natin duon ka na manganganak after mong manganak pwede ka nang mag-aral kung gusto mo." ani ng bago niyang Mommy. "Pwede po bang mag-aral ako kahit buntis na ako? Siguro naman hindi lang ako ang buntis na mag-aaral" aniya dito. Dahil nanghihinayan ako sa mga araw, gusto kung makatapos agad ng pag-aaral. "Anak baka hindi mo kayanin. Ayokung malagay kayung mag-ina sa panganib." aniya ng Señora "Kakayanin ko Mom ang lakas ko na nga tingnan niyo nga oh." aniya dito at pinakita pa niya ang kanyang braso. Pero natawa lang siya sa ginawa ko. "Pag-usap nalang nating yang pagdating natin duon. Hahanap tayo ng magaling na OBgyne na mag-aalaga sayo. Siya ang magdidisisyon kung pwede pagsabayin ang pag-aaral mo sa pag-bubuntis mo. Tuturuan narin kita sa pag-papatakbo ng ilang negosyo natin duon." maawtoridad na pahayag nito kaya napatango nalang siya. Lahat gagawin niya para mapasaya ito dahil utang niya ang buhay nilang mag-ina dito. "Sige po kayo po ang masusunod." malumanay niya sagot dito. "Pwede po bang dumalaw muna ako samin bago tayo umalis." tanong ko sa kanya. "Anak hindi ka pwede mapagod masyando dahil sa kalagayan mo. Kaya nga pupunta muna tayu sa City bago ang flight natin para makagpahinga ka muna bago tayu aalis. "Magandang umaga Ella dinalhan na kita ng almusal mo." ani Nay Caring may dalang tray ng pagkain pero pagtapat sakin biglang bumaliktad ang sikmura ko. Kaya nagtatakbo ako patungong cr at duoy nagsuka ng nagsuka. "Ayus ka lang ba iha?" tanong niya sakin habang hinahagod ang likod ko. "Ano po ba yun dala ninyo ang baho po kaya nasuka ako panis po yata yung dala niyo." aniko "Anong panis bagong luto lahat yun. Hayaan mo papalitan ko nalang ng iba. Ano bang gusto mung kainin?" tanong niya sakin. Hindi ko alam sobra palang hirap ng pakiramdam ng naglilihi naalala ko tuloy ang namayapa kung ina. Ganito rin kaya siya nuon naglilihi siya sakin. Para akong may sakit gusto kung laging matulog, kumain ng mga pagkaing hindi ko naman nakasanayang kainin dati. Buti nalang naintindihan nila ako. "Nay Caring ganito ho ba talaga ang naglilihi mapili at laging inaantok" tanong ko. "Sa mga naglilihi ganyan talaga kasi una mo palang yan, meron talagang maselan, meron naman bali wala lang sa kanila." aniya. "Sige na matulog kana at maaga kayung aalis bukas. Gumising ka mga alas tres ng madaling araw at alas kwarto kayo aalis." utos niya sakin. "Mag-iingat ka duon Ella alagaan mong mabuti ang sarili mo at yang anak mo." dagdag pa niya at hinagod pa niya ng ilang beses ang aking buhok. "Opo wag po kayung mag-alala sakin tatawag po ako sa inyo ng madalas." aniko dahil parang lola ko na siya. Siya ang nag-aalaga sakin, malaki ang utang na loob ko sa kanila, kung hindi nila ako tinulungan baka nasa langsangan pa ako ngayon laboy-laboy. Kahit di nila ako kaano-ano itinuring nila akung parang tunay na pamilya. "Kayo din po mag-iingat dito." aniko at niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan sa pisngi. "Paalam" mahina kung usal bago pumasok sa entrance ng malawak ng paliparan ng mga eroplano. Ito ang una kung pag alis sa bayang sinilangan pero babalik ako na mas matatag at matapang. "Muli akung babalik upang harapin kayong lahat na naging dahilan ng paghihirap ko ngayon." bulong ko sa hangin bago pa tumuntong ang mga paa ko sa hagdanan paakyat ng eroplanong sasakyan namin. Bagong buhay na ang haharapin ko ngayong sa katauhan ni Ella Lorraine Khan pansamantalang mawawala si Clarita Mae Zamora para magpahinga at magpalakas para muling bumangon. Sorry Papa pero kailangan kung gawin ito alang alang saking anak. "Magkikita parin tayo kung gaano mo ako pinahirapan nuon mas higit pa ang ipadadama ko sayo. Isa kang halimaw" dagdag kung bulong. Pagbabayaran mong lahat ng ginawa mo sakin isama mo pa ang mga babae mong puro bruha. Alam kung isang araw magku-krus ang mga landas namin sana lang pagdumating ang araw na yun, dalangin ko mapatawad ko na siya alang-alang sa amin anak. Dahil ayaw kung kamuhian kami ng aming anak pagdating ng araw. Isang taong kailan ma'y hindi ko na makakalimutan sa buong buhay ko, isang taong nagbigay sakin ng patinding pait at pagdurusa, isang taong walang puso at kaluluwa, isang taong walang habas akung binaboy at sinaktan, isang taong yumurak saking dangal, isang taong itinuring kung halimaw na ng bigay sakin ng isa buhay na ala-ala. . . . . . ..................................................... please follow my account ....add my stories in your library ..........."Lady Lhee"........ ....thanksguys...loveu....lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD