Kabanata Labing Anim

2129 Words
Kanina pa alumpihit ang private Nurse ng mga Villaneza kanina pa siya tawag ng tawag sa mga Villaneza pero walang sumasagot hindi lang yata sampung beses na niyang nag-dial ang numero ng boss niya wala pa rin. Napapaisip tuloy siya na baka kung ano ng nangyari dito bakit hindi sumasagot sa tawag niya. Pagkatapos ng meeting namin hindi muna ako lumabas ng conference room kung saan ka-meeting ko ang mga board member at investors ng bago kung project. Masyadong mabusisi ang proposal project ko kaya natagalan ang pag-uusap namin. Marami ding tanong ang mga investors. Nitong nagdaan mga buwan maraming nawala sakin isa na ang pinaka importante lugar sakin ang lugar kung saan may mga alala ang isang babae sa buhay ko na kahit kailang hinding-hindi ko na malilimutan. Ang pinakamamahal kung isla ang Clarita de Isla ko na hanggang ngayon hindi pa matukoy kung sinong nagpasabog. Pinagpipilitang ng apat na babaing babae lang din ang nagpasabog nuon dinala daw sila duon at pinahirapan hindi naman nila masabi ang hitsura nito dahil nakatakip daw ang mukha. Kaya kahit nasaktan ko nanaman sila wala din maibigay na impormasyon maliban sa babae daw yun at bihasa sa paghawak ng mga sandata. Kinabitan daw ng mga pampasabog ang ikalawang palapag ng bahay. Ganuon din ang sabi ng mga investigator team na nag-conduct ng inspection. Puro improvised explosive device daw ginamit. Napapikit nalang ako ng mariin dahil nagbabadya nanaman mamuo ang mga luha ko sa aking mga mata sa mga ala-ala ng isang babae na hanggang ngayo ilan taon na ang lumipas sariwa padin sa aking diwa na kahit kailan yata hindi na siya mabubura pa sa isip at puso ko. Ako ang dahilan ng pagkawala niya. Kasalanan kung lahat ng ito. Hindi ko dapat siya sinaktan at pinarusan dahil wala naman siyang kasalanan sa akin. Nagpasya nakong lumabas ng conference room dahil kung hindi pa ako lalabas kakainin nanaman ako ng kalungkutan. Ito nanaman ang ikababagsak ko. Gaya ng mga unang buwan na nawala siya napabayaan ko ang lahat na muntik ng mawala sakin lahat ng naipundar nila Daddy, buti nalang tinulongan ako ng kaibigan kung si Thom. Pagpasok ko palang ng opisina ko nadinig ko na ang pagring ng cellphone ko na agad din tumigil. Iniwan ko ito kanina dahil ayaw kong maistorbo ako sa meeting namin para sakin importante yun. Nag makaupo nako sa swivel chair ko kinuha ko sa drawer ng table ang cellphone ko pero laking gulat ko ng may 23 missed called ang parivte nurse ni Daddy na hindi naman ugali nuon ang tumawag. Kaya dali-dali kung dial ang number niya. Halos paliparin ko ang sasakyan ko papuntang hospital dahil sa sinabi ng private nurse ni Daddy. Pagdating ko ng hospital basta ko nalang iniwan ang kotse ko ng walang maayus na parada at nagmamadaling pumasok sa loob ng hospital. Wala akung pakialam kung may mabangga man ako. "Dad!" sigaw ko pagpasok ko sa loob ng kwartong inaakupa ni Daddy pero wala na siya duon ang naabutan ko nalang ay isang nurse na babae at isang janitor na lalake. "Sir inilipat na po ang pasyente." ani ng nurse. Kaya lumabas nako at tumungo sa elevator para madaling makarating kung nasaan siya. "Dad!!.." sigaw ko uli pagpasok ko nakita ko siyang nakapaangat na ang hospital bed niya. Pinakakain siya ng hindi ko malaman kung anong klasing soup. Agad ko siyang niyakap. Halos maluha ako sa saya ng makita ko siya. Naghihina pa siya dahil sa haba ng pagkakatulog niya. Mahigit tatlong taon siyang nakapako sa kama ng karamdaman. Nakita ko siyang matipid na ngumiti. "Pwede ba ako nalang magpakain kay Daddy." tanong sa nurse niya. "Okay lang sir kunti-kunti lang subo para hindi mabigla bawal pa sir solid food sa kanya." ani ng nurse. "Anong oras siyang nagising" tanong ko sa kanya. "Mga apat na oras na sir siyang gising. Tubig Sir hiningi niya agad. Na-check up narin siya ni Doc. normal naman vital niya. Hindi pa natin siya pwedeng biglain Sir. Uobserbahan pa daw siya ng mga ilang araw pa bago makalabas." paliwanag ng Nurse. "Ayus lang ang mahalaga gising na siya. Salamat sa matiyagang pag-aalaga" aniko. "Wala sir yun trabaho ko po yun. Masaya rin Sir ako at nagising na si Sir. Kaya nga Sir tinawagan ko kayo agad kanina. Hinahanap din niya kayo kanila." aniya na tulad ko masaya din siya. "May board meeting ako kanina kasama ko mga investors." aniko dahil hindi narin siya iba sakin sa loob ng mahigit tatlong taon pag-aalaga kay Daddy naging closed nadin kami. Kay Daddy nalang umiikot ang buhay niya halos wala na siyang day off dahil napabayaan ko na si Daddy madalang ko nalang siyang nadadalaw hindi tulad nuon una na halos maya't maya andito ako sa hospital. Buhat ng mawala si Clara hindi na ako nagpupunta dito.Tanging ang nurse nalang niya ang kasama niya, kung pupunta man ako dito hindi rin ako nagtatagal kukumustahin ko lang at aalis na din ako. Ngayon masaya ako at gising na siya, ligtas na siya. "Dad ayaw n'yo na ba? busog naba kayo?" sunod-sunod na tanong ko dahil umiiling-iling na siya pagsinusubuan ko. "Ok na Sir yun basta malamanan sikmura niya, huwag pa po nating pilitin kumain siya ng madami." ani ng nurse at kinuha na ang mangkok at lumabas na siya ng kwarto. Congratulations graduates and Parents! Today is a great day, to celebrate with your families and friends. For some of you, it's waiting to get out of school and get on with your life..... Mga speech ng amin dean na nagpaluha sakin dahil ito na ang matagal ko ng pangarap ang makagtapos sa kolehiyo. Nangako ako kay Mama Lorena na magpo-focus nako sa mga business niya dahil matanda na daw siya at madami ng nararamdaman. Gusto na daw niyang mag-retire. Kailangan na namin umuwi sa lalong madaling panahon sa Pilipinas. Dahil hindi na din kaya ni Mama Lorena ang lamig ng klema dito, ayon sa kanyan gusto niyang mamalagi sa Pilipinas. At kung sakali daw duon niya gusto gugulin ang mga nalalabing araw niya sa ibabaw ng mundo. Inayus ko ang lahat ng negosyo namin dito sa America. Ipapalit ko si Kuya Dwayne dito. Magaling siyang mag-manage ng business. Sila ng kaibigan namin na si Everleigh ang nakalutas ng problema sa negosyo sa pinas. Sa kanya ko yun iniwan kahit ayaw niya wala siyang nagawa. Pinabayaan ni Atty ang mga tao kaya nagkanya-kanyang kurakot ang ginawa. Anim ang naipakulong niya kabilang ang dating secretary at head ng accounting, maging ang budget committee. "Ella kailan ba tayo uuwi anak? Maging si Franz gusto nadin umuwi." aniya, dalawang taon na ang aking anak at matatas ng magsalita. Napakalikot na din niya ngayon. Marami ng mga tinatanong at hinahanap. "Mama Lorena pwede na po tayung umuwi sa isang linggo inaayus ko lang po yun mga negosyung iiwan ko. Hindi daw po maasikaso ni Kuya Dwayne dahil may sarili daw siyang negosyo duon. Dadalawin nalang daw niya paminsan-minsan. Aniko dahil abala na daw sa sariling negosyo niya si Dwayne bilang isang car dealer ng mga mamahaling mga sasakyan mga sports car na hilig niya. Nakilala na din ni Mama Lorena si Kuya at natutuwa ito dahil may katulong daw kaming mapagkakatiwalaan sa negosyo. Ito na ang pagsisimula ko sa pangalawang plano kung paghihiganti sa isang halimaw, sana lang huwag akong kamuhian ng aking anak. "Baby huwag kang mag-alala para din sayo ang gagawin kung paghihiganti." bulong ko bago pa lumapag sa lupa ang eroplanong sinasakyan namin. Si Mama ang unang bumaba hawak niya sa kamay si Franz, dahil bilin ko kay Mama hindi pwedeng lumapit sakin si Franz pag madaming tao para narin sa safety namin. At alam na alam ni Mama yun. Dahil maging siya ay nag-aalala sa kapakanan ko. Napangiti ako ng makita kung kumakaway si Kuya Dwayne. Agad niya kinarga si Franz matapos niyang batiin at magmano kay Mama Lorena. Siya ang sumundo samin. "Nasaan si Everleigh" tanong ko agad sa kanya. Matapos niya akung yakapin. "May mission daw at kailangan siya sa campo" aniya na nakasimangot alam kung may gusto siya kay Everleigh hindi lang siya maka porma dahil iba ang hilig nito. Puro panlalaki ang hilig ni Everleigh isa na itong Doctor pero pumasok sa military at loob ng campo ito nanggagamot. Kahit ayaw ng mga magulang nitong pumasok sa military wala rin nagawa ang ama nitong dati rin military na Ninong ko. "Kamusta kana dito iho?" bati ni Mama pagkasakay namin sa sasakyan ni Kuya. "Balita ko maganda na ang takbo ng negosyo mo?" dagdag pa ni Mama. "Ayus lang po Tita, medyo nadagdagan lang po ang sales." aniya "Malapit na din buksan yun branch ko sa may Alabang." masayang wika niya. "Natutuwa ako at lumalawak ang negosyo mo. Magaling kang mag-manage. Sana magtuloy-tuloy na ang tagumpay mo. Dapat din mag-asawa kana, nasa edad ka naman na, mahirap yun walang katuwang sa buhay." wikang payo ni Mama na ikinaubo ko ng fake. "What Clara!" singhal niya sakin. Pag-inaasar ko siya Clara ang tawag niya sakin. Kaya natawa ako. Sanay na si Mama samin lalo na pag nag-aasar kaming dalawa. "Ma paanong makapag-asawa yan natotorpe pag kaharap niya Everleigh." pagaasar ko sa kanya. "Shut up Clara" angil nito sa kanya. Papa Dwayne are we going to my Daddy's house?" sabad naman ng anak niyang si Franz. Kaya napanganga siya. Hindi niya akalain sa itatanong ng anak niya. Alam nitong nasa Pilipinas ang Daddy nito dahil yun ang sinasabi niya pag nagtatanong ito tungkol sa ama. "Whooaa!.." sigaw naman ni Dwayne sa kanya na nang-aasar din. "Oh!.. bakit hindi ka makasagot diyan. Gusto mo bang ako sumagot." pag-aasar pa nito. "Subokan mo lang at makakatikim ka sakin." pagbabanta niya dito. Dahil alam nito kung sino ama ni Franz. Kwento pa nito naging kleyente daw nito ang ama ni Franz ng minsan bumili daw ito ng sport car kasama ang mga kaibigan nito. Kahit kailang hindi siya nagkwento dito ng hindi maganda laban sa ama ng anak niya dahil baka kung malalaman ng mga ito baka mapatay nito yun. Matamang pinagmamasdan niya ang amang mabagal na humahakbang gamit ang walker nito ilan buwan nadin mula ng lumabas ito ng hospital. Maganda naman kinalabas ng mg test dito. Ang kailangan lang ng Daddy niya to warm up properly a muscle na matagal na hindi naigalaw buti nalang kahit papaano minamasahe ng nurse niya kung hindi baka mas matagal pa bago makalakad ang ama niya. Sa kabila ng saya at ngiti niya sa mga labi nagdurugo naman ang puso niya. Nagsisi siya sa mga nagawa niya nawala ang mga taong hindi niya alam kung totoo bang may kasalanan sa Daddy niya. Lalo na ang pagkawala ng nag-iisang babaing minahal niya ng una palang niyang nakita. Naging kriminal siya dahil sa maling paghihiganti na siya ngayon ang nagdurusa. Parang laging pinipiga ang puso niya tuwing makikita niya ang Daddy niya. "Dad baka naman masyado n'yo ng pinapagod sarili niyo yan. Huwag niyo madaliin gradually makakalad din kayo at babalik sa dati. Magiging normal din ang lahat. Baka makasama pa sa inyo pag pwenupwersa niyo katawan nyo." sermon niya sa Daddy niya kanina pa niya ito pinagmamasdan buhat sa terrace ng kwarto niya. "Huwag kang mag-alala kayang -kaya ko na sarili ko. Isa pa gusto ko ng makita ang kaibigan ko pag maayus nakong maglakad pupuntahan ko siya. Napakabuti niyang tao. Ipapakilala kita sa kanya. Kumusta na kaya siya ngayon? Hindi man lang ako nakapag pasalamat sa kanya. Musta na kaya anak niya baka graduate na ngayon yun. Ipapasok ko siya sa kompanya natin iho. Bigyan mo siya ng magandang position sa kompanya natin. "Saka na natin pag-usapan yan Dad pagnakakalakad na kayo ng maayus. Madali nalang yang gusto niyong mangyari. aniya. "Sigurado akong magandang babae ang anak niya dahil gwapo din ang kaibigan ko. Kaya kung magkagustohan kayo wala akung tutol ligawan mo siya gusto kung maging meymbro din ng pamilya natin sila." Masayang wika ni Daddy na para bang nasa harap lang niya ang mga taong binabanggit niya. "Bigyan mo siya ng magandang position sa kumpanya natin bilang pagtanaw ng utang na loob. Kung hindi sa kaibigan ko baka matagal nakong nasa ilalim ng lupa." mga katagang lagi nalang sinsabi ni Daddy ng paulit-ulit na hindi ko naman alam kung sinong kaibigang ang tinitukoy niya. "Pupuntahan ko sila at kakausapin paglubusan nakung nakakalakad. Malapit lang ang bahay niya kung saan ako naaksidente. Hindi niya tinanggap ang baril na binibigay ko sa kanya at maspinili pa niyang iligtas ako kasya makipaglaban sa mga taong halang ang mga kaluluwa. Kung totousin kaya niyang makipaglaban dahil ayun sa kanya dati siyang military. Ang pagpapakilala niya sakin ang pangalan daw niya Franko." . . . . . . . ......................................................... ..please follow my account ... add my stories in your library .........."Lady Lhee"....... ......thanksguys...loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD