Para akong sinakluban ng langit at lupa sa mga narinig. Nanghihina ang nangangatog kung mga tuhod kaya dahan dahan akung napaupo sa bangko malapit sa sakin ipinatong ko ang dalawa kung siko sa magkabilang tuhod ko at isinubsub sa mga palad ko ang mukha ko. Gusto kong humahulgul ng iyak. Kitang kita ko ang saya sa mukha ni Daddy habang nag kukuwento siya tungkol sa taong naglistas daw sa kanya.
Pinangangapusan ako ng hininga sa matinding takot halos mawasak ang dibdib ko sa matinding kaba, guilting-guilty ako sa pagkakamali ko sa paghihiganti sa maling tao.
Natatakot ako ngayon sa mga nagawa ko paano pag nalaman ni Daddy na wala na ang mga taong minahal niya ng napaka iksing sandali. Anong mangyayari sa kanya. Parang kinakapus ng hangin ang aking baga sa natuklasan.
Talagang ang pagsisi nasa pandang huli. Pero ano ang kahihinatnan ng mga nagawa kong maling paghihiganti sa mga taong may ginintuang puso pala na ang buong akala ko ay masama.
Kinakain ako ng konsensya ko oras-oras, araw-araw sa tuwing nakikita ko si Daddy na masayang nag kukuwento tungkol sa kaibigan at naglistas daw sa kanya. Ang taong pinagkakautangan ko ng loob, ng pangalawang buhay ng aking ama. Hindi ko alam kung anong kahihitnan nito pag nalantad ang katotohanan.
Lumipas pa ang ilang buwan makikita kung laging masaya si Daddy lagi din siyang nagkukuwento ng kung anu-ano. Lagi din niya sinasabing malapit na silang makita ng kaibigan niya at ang pagbibigay ko ng mataas na position sa kompanya namin para sa nag-iisang anak nito.
Sa tuwing binibigkas ni Daddy ang pangalan ng kaibigan niya'y nagbibigay ng kilabut sa buong pagkatao ko nagtatayuan lahat ng nalahibo ko sa katawan. Alam kung isang araw luluwas siya at pupuntahan ito kahit pigilin ko pa siya. Na siyang labis kung kinatatakot.
Malakas na din si Daddy katunayan nagpupunta na siya sa opisina pumapasok na din siya paminsan-minsan? kung minsan nakagpaglilibot na rin siya ng walang kasama. Ang masakit pa minsan sa aking niya hinahanap ang service fire arm niya at ireregalo daw niya sa kaibigan niya dahil gandang-ganda daw ito sa baril niya. Kaya madalas kung mapamura ang sarili ko sa mga nagawa kung pagkakamali.
Ako lang ngayon mag-isa ang nagdurusa sa padalos-dalos kung mga nagawang disisyon. Hindi ko man lang napag-isipan mabuti bago ko ginawa yun. Dapat pinaniwalaan ko ang report ng mga awtoridad at pinakinggan ang mga payo ng mga kaibigan ko. Hindi sana ako aabot sa ganito na naghihirap ang kalooban. At walang oras na nagsisi sa mga nagawa ko.
"Mom when can i meet my Dad? where is he now? Hindi po ba siya uuwi dito? kailan po siya darating?" mga tanong na lagi niyang inuusal sakin na hindi ko naman alam ang tamang sagot. Puro nalang kasinungalingan ang isinasagot ko sa kanya. Maging si Mama hindi alam kung anung isasagot.
Hindi rin niya kasi alam kung sino ang ama ng anak ko. Hanggang ngayon hindi ko pa sinasabi sa kanya hindi rin siya nagtatanong tungkol sa pagkatao nito. Nirerespeto niya kung anong desisyon ko para sa anak ko pero hindi naman siya nagkukulang ng paalala sakin.Tangin si Dwayne lang nakakaalam. Dahil aksidenteng nadinig niyang binigkas nila Zuzzy nuon nagpunta kami sa isla at alam din niya kung sinong may ari ng private isla na pinuntahan namin kaya nalaman niya at hindi ko na naitangi pa.
"Baby busy si Daddy sa work niya madami siyang business na inaasikaso lalo na't nasa ibang bansa pa yun mga business niya. One day makikita mo rin siya, andito naman ako at si Papa Dwayne mo." aniko sa kanya.
"Don't be sad Franz laro nalang tayo sa labas duon tayo sa garden. Laro tayo ng basketball." pampalubag loob ko sa kanya para malibang siya. Lahat gagawin ko para sa kapakanan ng anak ko.
Naging busy ako sa pagpapatakbo sa mga negosyo ni Mama Lorena madalas gabi nako umuuwi at maaga palang kung umalis ako ng bahay. Gusto ko ngang sa hacienda nalang umuwi sila Mama Lorena at Franz dahil pakiramdam ko mas ligtas sila duon. Katwiran naman ni Mama Lorena malapit ng mag-aral ang anak ko gusto niya dito mag-aral si Franz.
"Ella baby baka pwede pahiram si Franz nami-miss daw ni Mama duon nalang siya muna matulog sa bahay." ani Dwayne. Minsan kasi inuuwi niya si Franz sa kanila.
"Kung nag-aasawa kana ba di hindi na nanghihiram si Tita ng apo." aniko sa kanya lagi nalang siyang ganyang dahil busy na siya palagi ngayon. Wala ng time pang magliwaliw.
"Hayaan mo darating din yun panahon mag-kakapamilya din ako." aniya.
"Kailan pa kaya yun? Pag puti na ang buhok mo, ang bagal mo kasi." biro ko sa kanya.
"Kumusta naman negosyo mo? kaya pa ba?" tanong ko sa kanya.
"Huwag ako tanungin mo dahil mukhang ikaw 'tong nahihirapan sa negosyo niyo ni Tita." aniya. Kaya natawa ako. Kung minsan nagpupunta siya sa opisina tinutulongan niya ako dahil may sarili din siyang office duon.
"Kailan ba labas ng campo ni Everleigh para bonding naman tayo minsan. Out of town naman tayo. Miss ko na yun." aniko dahil hindi na kami nagkikita ni Everleigh buhat ng umuwi kami dito.
"Hindi ko rin alam wala naman siyang nababangit sakin." aniya na may lungkot sa mukha.
Habang nakaharap ako sa transparent glass wall dito sa opisina na tanaw ang malawak na siyudad. Iniisip ko kung paano pababagsakin ang taong nagbigay ng matinding pasakit sakin. Nag search nako tungkol sa kanya pero matipid ang nilalaman ng social media account niya mukhang hindi na active hindi na nabubuksan ng matagal.
Ayun sa bulong-bulongan sa business industry mahirap daw kalabanin ang isang Clarkson Angelo Villaneza, sa yaman nito kayang mag manipula ng tao at negosyo at kaya kang pabagsakin pag kinalaban mo siya. Marami daw takot dito at mas lalo pa daw naging arogante ito ngayon.
"Tyempo lang kailanga ko tutuklasin ko kung saan ang kahinaan mo. Mapapabagsak din kita kaya kung maghintay mapabagsak lang kita. Nagawa ko na nga." bulong niya at sumimsim pa ng kanyang kape.
Pareho na tayo ng mundong kinabibilangan ngayon at marami akong makakalap na impormasyon tungkol sayo para mapag-aralan ko ang takbo ang utak mo. Sisigurohin kung mapapabagsak kita unti-unti.
Kailanga ko pang bumiyahe pabalik ng America upang bisitahin ang mga business ni Mama Lorena duo. Tuwing ikalawang taon nalang ako bumibisita duon. Dahil hindi na kaya ni Kuya Dwayne sa sobrang busy din niya mas madalas siya sa Europe, hindi naman niya maasahan yun dalawang kapatid niya dahil pareho pang nag-aaral.
"Dad sasama ba kayo sakin bibisitahin ko yun project natin sa Cebu. Hindi ba sabi ninyo gusto n'yong makita yun." tanong ko kay Dad habang palakad-lakad siya dito sa may hardin pinaka exercise na niyang maglakad dito tuwing umaga. Kung minsan naman nagwa- warm-up pa siya pwede naman sa mini-gym ko. Mas gusto daw niya dito at may sariwang hangin.
"Kailan ba punta natin duon. Gusto kung makita kung nasusunod ba nila ang standard ng mga materials. Kailangan di kalidad para matibay ang pondasyon at hindi madaling bumigay.Gusto kung ikaw mismo ang mag-supervise nuon dahil baka pabayaan lang ng mga tauhan mo yun." maawtoridad niyang turan. Pagdating talaga sa ganitong trabaho istrekto si Daddy. Ayaw niya ipinagkakatiwala nalang kung kani-kanino lang ng basta-basta.
"Bukas ng umaga tayo tutungo duon, mga dalawa hanggang tatlong araw tayo mag-stay duon." deklara ko. Dahil kailangan talagang tutukang mabuti ang mga tao meron naman mga Architect at Engineer na nangangasinga pero iba parin kung anduon kami. Dahil pang may nangyaring hindi maganda malaki ang mawawala samin at yun ang iniiwasan ko. Masisira kami sa mga investors.
Medyo maluwag na ang schedule ko ngayon dahil katulong ko na si Daddy sa mga trabaho ko. Nakakasama nako sa mga night out ng mga kaibigan ko. Hindi tulad ng dati na mabibilang kung ilang bases ako lumabas.
Mausok at maingay ang sumalubong samin pagpasok namin ng mga kaibigan ko dito sa isang bar na paburito namin puntahan. Agad kaming naupo sa high stool chair sa harap ng counter at umorder ng paborito namin alak. Natanaw ko ang dance floor na madami nadin nagsasayaw sa maharot na tugtugin at kumukutitap na ibat' ibang kulay na mga ilaw kaya nangiti ako namiss ko itong ganito.
"Hi! gorgeous" aniya ng isang babaing kasing kapal ng mukha niya ang kanya make-up at ang damit kita na ang lahat. Umakbay pa siya sakin pero hindi ko nalang pinansin baka kung ano pa magawa ko dito.
"Kumusta naman si Tito ngayon balik naba sa dati." tanong kaibigan kung si Axel.
"Ayun pumapasok na nasa Cebu siya ngayon binibisita yun bagong project namin baka umuwi din yun ngayon" tungo ko habang yung babae sa tabi ko hinihimas ang leeg ko.
"Don't waste your precious time with me lady. just leave." angil ko sa kanya dahil kung saan-saan na nakakarating ang kamay niya. Kaya nagyuko siya ng mukha.
"Sungit kala mo kung sinong gwapo." irap niya sakin. kung hindi lang babae ito nasapak ko na.
"Whoaa tumatangi kana yata sa gracia ngayon Villaneza." pang-aasar naman ni Ford sakin. Wala talaga ako sa mood nakipag flirt ngayon. Parang tinabangan nako.
"Sobrang kapal ng make-up baka malipat pa sakin." pagbibiro ko nalang. Kaya nagtawanan naman sila.
Nakadami din kami ng nainum ng mga kaibigan ko kaya madaling araw nako nakauwi. Tulog ng lahat ng tao sa bahay. Kaya tuloy-tuloy nako sa kwarto ko at dumiretso sa banyo para mag-shower muna.
"Hi! baby sorry ginabi ako ng uwi nagkayayaan kasi kami ng mga kaibigan ko." aniko na lagi ko nalang kinakausap ang buhok na ngayon nakalagay sa isang kristal na lalagyan. Katabi ko sa pagtulog. Minsan naiisip ko paano ko pa ba siya makakalimutan kong katabi ko naman matulog ang bohuk niya.
Mula ng iuwi ko dito ang buhok niya nawalan nako ng interest sa ibang babae di tulad nuon na sumasabay ako sa mga kaibigan ko na naguuwi ng babae galing ng bar basta natipuhan namin.
Hindi ko alam kung hanggang kailan ko ititigil ang kahibangan kung ito. Dahil hanggang ngayon sariwa parin ang mga ala-ala niya sakin, ang inosenteng maamo niyang mukha na madalas ko parin napapaginipan na umiiyak at nakatayo sa harap ko. Inaabot niya ang kamay ko na parang may ibinibigay siya sakin. Minsan naman tinatawag niya ako paglumalapit ako nawawala na siya.
Sabi ng ibang tao may ibig daw sabihin ang bawat panaginip dati hindi ako naniniwala duon pero ngayon parang gusto kung malaman kung anong meaning ng mga panaginip ko tungkol sa kanya. Ang pag-iyak niya, ang pagtawag niya sakin, at kung anong ibig sabihin ng may ibinibigay siyang isang bagay na hindi ko makita dahil malabo.
Pero nagtataka ako bakit tinatawag niya ako sa ibang pangalan pero ako ang kinakawayan niya. Hindi naman yun ang pangalan ko. Ilang beses ko ng napapaginipang tinatawa niya ako sa ibang pangalan o baka hindi niya talaga alam ang pangalan ko kaya sa ibang pangalan niya ako tinatawag.
"Aagghh" sigaw ko dahil sumasakit na ang ulo ko sa kaiisip ng ibig sabihin ng mga panaginip ko tungkol sa kanya. Mayroon ba siyang gustong iparating sakin.
"Clara baby sorry kung ano mang gusto mo sakin magparamdam ka lang hindi ako matatakot. Mahal promise" kausap ko sa hangin.
Masakit ang ulo ko ng magising ako kaya naligo nako agad para mabawasan ang sakit. Pagkaligo ko lumabas nako ng kwarto ko, wala naman problema kung tanghaliin ako ng gising linggo naman at walang pasok.
Dumiretso nako sa para puntahan si Daddy pero hindi ko siya nakita sa hardin na madalas niya tambayan tuwing umaga kaya kinabahan ako at dali-daling pumasok sa loob ng mansyon.
"Manang nasaan ho si Daddy" tanong ko sa may edad naming kasambahay, kaya napalingun siya sakin.
"Maaga siyang umalis Clark luluwas daw dadalawin daw ang kaibigan niyang si Franko.." aniya kaya napalunok ako ng sariling laway.
Masayang-masaya nga kanina eh." tungon ni Manang. Na nagbigay sakin ng matinding kaba at kilabut sa buong sestema ko na para bang may masamang mangyayari na hindi ko mawari, pinagpapawisan din ako ng malapot. Kaya napaupo nalang ako sa bangko.
"Ayus ka lang ba iho mukhang namumutla ka? May masakit ba sayo? May nasabi ba akung mali?" mga tanong ni Manang na mas lalong nagpakaba sakin. Ano ang aking gagawin, ano ang mangyayari pang nalaman niya ang lahat na wala na ang kaibigan niya. Paano na ang kalusugan ni Daddy baka maghatid sa kanya ito ng panganib at malagay siya sa piligro.
.
.
.
.
.
.
........................................................
please follow my account
...add my stories in my library
.........."Lady Lhee".......
......thanksguys...loveu...lrs..