Kabanata Labing Walo

2199 Words
Halos panginigan ang buong katawan ko sa mga narinig. Natatakot ako. Ang malakas na tambol ng dibdib ko ang hudyat na may masamang mangyayari ngayon. Kaya sunod-sunod akung napapamura sa mga naiisip. Simula kaninang umaga hanggang ngayon para akung hindi maihing pusa. Nalibut ko na yata ang buong bahay sa kala-lakad. Wala parin si Daddy padilim na ang kapaligiran. Kaya ng may nadinig akung ugong ng sasakyan napadungaw ako ng bintana, maya-maya may pumasakok sa gate na sasakyan dumiretso sa grahe ilang minuto pa at lumabas ang sakay nito. Pinagmasdan ko ang mukha niya nakita ko naman siyang kalmado lang. Nakita ko rin dumiretso siya ng lakad ilang sandali lang bumalik na siya papasok ng bahay. Kaya bumaba nako ng hagdan Nakita ko naman siya pumasok sa kitchen kaya sinundan ko siya na may kaba sa dibdib "Dad gusto n'yong na bang kumain" tanong ko ng makalapit ako sa kanya. Imiinum siya ng tubig katabi nya ni Manang na abala sa paghiwa ng mga gulay na sangkap sa iluluto niya. "Mamaya nalang napagod ako gusto ko munang pagpahiga." kalmado niya turan at nilampasan nako. Maraming tanong ang nagsalimbayan sa isip ko ngayon sa pagiging kalmado niya. Mas dilikado kung ganuon tahimik lang siya. Hindi ko alam kung anong kinahinatnan ng lakad niya. Pero may kutob akung hindi maganda. Nag-aalala din ako sa kalagayan niya walong buwan palang buhat ng makalabas siya ng hospital. Sising-sising talaga ako sa mga nagawa ko. Nadala ako ng aking emosyon kaya nakagawa ng maling desisyon. Kasabay kung kumain ng haponan si Daddy pero pansin kung hindi siya gaanong makwento ngayon hindi rin siya nagtatanong hindi tulad ng dati. Kaya mas lalo akong kinakabahan. Guilting-guily ako ngayon lalo na't makikita ko si Daddy na nakatuo lang ang paningin sa plato, seryoso siya. Nakikiramdam nalang ako kung anong susunod na mangyayari. Maaga akung nagising o mas tamang sabihin halos wala akong tulog magdamag na pagpumikit ako ng matagal may masamang mangyayari. Bumaba nako at dumiretso sa dining room upang mag-breakfast. "Manang nagising na ba si Daddy?" tanong ko dahil nakita kung isang plato lang nakalagay sa mesa. "Tapos na hijo, kaalis lang bibisitahin daw yung project niyo Bukas na daw babalik." aniya gusto ko pa sanang magtanong kay Manang natatakot naman ako sa mga isasagot niya sakin. Pagpasok ko palang sa building namin kung saan ang opisina ko binabati na ako ng mga empleyado ko na hindi ko naman sila binibigyan pansin. Ito na ang nakagawian ko wala akung pakialam sa kanila ang katwiran ko pinsusuwendo ko sila ng tama kasama ang mga benipisyong dapat nilang matanggap. Isang linggo na ang nakalipas pero hanggang ngayon mukhang matamlay parin si Daddy gusto kung magtanong kung anung nangyari sa lakad niya nuon isang linggo kaya lang natatakot ako sa isasagot niya. Sa tuwing sinasabi ni Manang na maagang umaalis si Daddy hindi ko maiwasang kabahan hindi lang ako nagpapahalata kay Manang baka magtanong siya at kung ano pang masabi ko tulad ngayon maaga nanaman umalis si Daddy. Wala daw sinabi kung saan pupunta kaya kinakabahan nanaman ako. Baka magkasakit nako sa puso nito dahil halos maya't maya pumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa kaba madali din ako magulat kuntin ingay lang o kaya ay sigaw ng tao'y kinakabahan nako. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko malalampasan ang ganiton sitwasyon. Ang palaging may kaba sa dibdib nagi-guilty ako alam kung malaki ang kasalanan ko sa mga taong hindi ko man direktang kilala pero minahal na ni Daddy. Natatapos ang buong araw ko na puro pagsisisi lang binibigkas ko sa isip ko sa nasa andyan pa sila at masayang nabubuhay, nagagawa kung anong mga gusto nila sa buhay, nasa nasunod ko ang gusto ni Daddy na ligawan ang anak ng naging kaibigan niya, sana maligaya kami. Kung sana lang buhay si Mommy hindi sana ako magkakaganito mayroon sanang gagabay sakin. Meron sana akung mapagsasabihan ng mga saloobin at problema ko. Laking gulat ko ng bigla nalang bumukas ang pinto ng opisina ko na siya nagpalik sa naglalakbay kung diwa. "Ikaw ba yan?" sigaw niya sakin sabay hangin niya ng isang larawan kasunod nuo'y isang itim na USB na nasalo ko naman. Kaya napatayo nako. Dahil nakita kung nalilisik ang kanyang mga mata sa galit. "Alam kung ikaw yan dahil kitang-kita ang sticker ng motor mo kilang-kila kita kahit na hindi kita ang mukha mo. Bakit mo nagawa yan sa kanya? Ikaw din ba ang dahilan ng pagkawala ng anak niya?" sigaw niya sakin. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko sa mga binitiwan niyang salita. "Dad" ang tanging nasambit ko. "Kung ganuo'y ikaw ang dahilan kung bakit nawala sila akala ko pa naman ibang tao ang may gawa, akala ko pa nama'y binalikan siya ng mga taong bumaril sakin, kaya nakonsensiya ako. Ikaw lang pala ang bumalik. Ikaw lang tum....aaghh..aaghhhh." mga daing ng Daddy niya nangmabilis nitong tukupin at pigain ng kamay ang sariling dibdib na para bang nauupus na kandila. "Dad!.... Dadddyyyy!..." Makalas niyang sigaw na nakaagaw pansin maging sa labas ng opisina niya. Dahil hindi naman nakasarado ang pinto nito. "Sir ano pong nangyari" tanong ng assistant niya pagbungad palang sa pinto na nahintakutang si Dennis ng makita sila sa ganuon sitwasyon. Hindi nito malaman kung anung gagawin. "Tulongan mo kong buhatin at dalin natin si Dad sa hospital bilis. Kandautal niya utos sa assistant niya. Nahirapan pa sila dalawang buhatin ang Daddy niya dahil malaking tao ito. Nang makalabas sila ng opisina tinulongan naman sila ng ibang empleyado nakakita sa kanila, mabilis din ang galaw ng mga itong nagbuhat sa Daddy niya. Kaagad din nilang naisakay sa elevator yun at itinakbo pasakay sa sasakyan niya. Nag makasakay sa sila si Dennis na ang drive ng sasakyan na halos paliparin na nito ang kotse, nakasindi rin lahat ng ilaw nito at wala din humpay na bumubusina bilang huyat ng emergency. "Dad please don't close your eyes. Hang on Dad dadalin ka namin sa hospital." kausap niya dito sa nanginginig na boses. Pero naramdaman nalang niya hinawakan siya nito sa kamay at ngumiti. "Clark son may ipapakiusap lang ako sayo. Sana pagbigyan mo ako at patawarin sa mga nagawa ko sa inyo." wika nito sa nanghihinang boses. "Dad wag na po muna ninyo isipin yan lumaban po kayo malapit na tayo sa hospital" aniya na nagpipigil sa matingding emosyon. "Kailangan mo ng malaman ang totoo anak. Pakiusap hanapin mo ang Mommy mo at ihingi mo ako ng tawad sa kayan sabihin mong buhay ka at hindi totoong namatay ka tulad ng sinabi ko sa kanya. Please Clark hanapin mo siya. Buksan mo yun drawer ko sa library sa mansyon anduon lahat ng tungkol sa Mommy mo. Patawad anak at naglihim ako at ipinagkait kita sa kanya. Sabihin mong mahal na mahal ko siya ganuon ka din anak mahal na mahal kita. Magpakilala ka sa kanya sabihin mong ikaw ang anak naming si Lorenz Angelo yan ang tunay mong pangalan anak nu.." hindi na nito natapos pa kung anung sasabihin dahil unti-unti nang lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay niya. "D-dad...- D-daaadddyyyyy!!" sigaw niyang paulit-ulit na umaligawgaw sa loob ng sasakyan nila. Nangbumagsak na ang kamay ng Daddy niya sa kandungan niya. Ilang beses pa niya itong niyugyug para idilat ang mga mata nito. Nangmakarating na sila sa hospital agad naman naisakay sa stretcher ang Daddy niya at itinakbo sa emergency room kasabay siya ngunit hindi na siya pinayagan makapasok pa sa loob. Hinang-hina siya napasalampak nalang sa sahig na tiles ng hospital katapat ng pinto ng emergency room. Duon mahina siyang umiiyak katabi niya si Dennis na hindi umaalis sa tabi niya at laging nala-alalay sa kanya, nasa di kalayun naman ang mga body guard niyang sumunod sa kanila kanina. Nangbumukas ang pinto ng emergency room napatayo siya at sinalubong ang lumabas na Doctor, nagtanggal lang ito ng face mask at ilang beses umiling ang malungkot nitong mukha. "N-.no Doc..no..huwag mong sabihin yan.. buhay pa si Dadddyy." nauutal niyang sabi habang walang patid sa pag-agus ang luha niya sa mga mata. "Sorry pero ilang beses naming sinubukan ini-revive siya pero hindi na kami umabot limang minuto na siyang wala heartbeat. I'm sorry Mr. Villaneza." malungkot na wika nito at tinapik siya sa balikat bago siya nito tinalikuran at dahan-dahan naglakad. Inalalay naman siya ni Dennis para makapasok sa loob, pagpasok niya nakita niya ang isang bulto ng tao sa ibabaw ng kama, nakatakip ang buong katawan nito ng puting kumot. "Daddddyyy!!..Dad. sorry po Daddy sorry.." paulit-ulit niya bigkas, itiaas pa niya ang kumot na nakatakip dito at mahigpit na niyakap habang paulit-ulit itong humihingi ng kapatawaran sa pagitang ng mga hagulgul nito. Lumabas naman ang tatlong Nurse upang bigyan sila nagpagkakaron mayakap at makausap niya ang malamig ng bangkay ng kanyang ama kahit hindi na siya nito maririnig at hindi narin makasasagot. Sanay na ang mga nurse sa ganuon eksena kaya binibigyan nila ng privacy ang mga kaanak ng namayapa. Hindi na din mabilang kung ilang beses na siyang tinawag ni Dennis at pilit nilalayo sa labi ng kanyang ama pero mahigpit pa din niyang yakap ito at umuusal ng paghingi ng kapatawad habang umiiyak. "Bro." ani ng isang boses sa kanyang tabi kasabay nuo'y pagtapik sa balikan niya ng ilang beses. "Dad is gone. Kasalanan ko kung bakit nangyari ito." aniya "Don't blamed yourself Clark. Talagang oras nalang siguro ni Tito. Andito lang kami Clark parating narin sila Axel, tinawagan ko na sila." anito at hinila na siya sa braso. "Ikaw na bahala d'yan. Ikaw na mag-asikaso." Utos niya sa assistant ni Clark. Bago niya hinila palabas ito na nagpatianod naman. "Sige po Doc. Thom ako napo bahala tumawag na po ako sa funeral service." anito. Hilahila parin siya ng kaibigan hanggang sa opisina nito at duo'y pinaupo siya sa isang couch at binigyan bottle water na agad naman niyang ininum dahil drain na drain na siya kanina pa sa kaiiyak. Mahihinang katok sa pinto ang nagpalingon sa kanila ng bumukas yun at iniluwa mga kaibigan niya na sila Axel at Dale. "Bro. sorry for your lost." agad na pakikiramay nito at niyakap pa siya. Ganuon din ang ginawa ni Dale. Dumating din ang iba pa niyang kaibigan na sila Aiden at Ford. Nahigpit din siyang niyakap ng mga ito bilang pakikidalamhati. Ang mga kaibigan na din niya ang naghatid sa kanya sa mansyon nila dahil hindi parin siya makausap ng matino ng mga ito. Lutang na lutang parin siya at hindi makapaniwala na sa isang iglap lang nawala ang kanyang ama. At labis niyang sinisisi ang sarili sa nangyaring mga sakuna sa buhay niya nawala ang mga taong mahahalaga sa kanya. Nakatulala lang siya nakaupo sa sofa sa malawak nilang living room. Ni hindi nga siya makaramdam ng gutom. "Clark kumain kana nakahain na, o gusto mong dalhan nalang kita dito." pangungumbinsi sa kanya ni Manang dahil nahahabag na ito sa kanya. Simula ng dumating siya ng ihatid ng mga kaibigan kanina hindi parin siya tumitinag sa kinauupuan. Patuloy lang siyang tahimik na umiiyak at sinisisi ang sarili sa mga nangyari. Kinagabihan nagsuot lang siya ng puting long sleeve na tinupi ang manggas nito hanggang siko at slack na black. At tahimik na nakaupo sa tabi ng kabaong ng kanyang ama na napapalibutang ng iba't ibang bulaklak na kulay puti. Anduon din ang mga kaibigan niya na umaalalay sa kanya. Mga kaibigan at ang mga empleyado niya na ang iba ay nakita niyang nag-aasikaso sa mga taong nakikiramay. At hingit sa lahat ang assistant niya, na halos ito na ang gumawa at nag-asikaso ng lahat. Mga kapwa negosyate niya at mga kasosyo sa negosyo ang pawang bumabati sa kanya at nakikiramay taging pangtango lang ang tungon niya. Mga kaibigan niya ang nakikipag-usap sa mga ito. Dahil wala pa din siya sa wisyo at hindi parin niya matanggap ang nangyari. Tanging pagluha lang ang nagagawa niya ngayon. Manaka-naka din niyang sinusulyapan ang labi ng kanyang ama. Halos hindi na siya kumakain kung hindi pa siya pilitin ng mga kaibigan hindi pa siya kakain. Kahit anung pilit din niyang kumain hindi rin niya magawang lunukin ang pagkain isinusubo niya. Parang napakapait ng panlasa niya at hindi rin siya nakakaramdam ng gutom. Kita na sa mukha niya ang pamamaga ng mga mata niya sanhi ng walang tigil na pag-iyak, malalalim at nangingitim nadin ang paligid nito. Ilang araw at gabi na siyang walang tulog at halos hindi narin kumakain dahil sa pagdadalamhati at patuloy na sinisisi ang sarili. Hindi na rin siya halos umaalis sa tabi ng mga labi ng ama niya. Ilang oras ng natabunan ng lupa ang bangkay ng kanyang ama pero nakapaluhod parin siya sa harap ng puntod nito, tanging si Dennis at ang mga body guards nalang niya ang kasama niya. Madilim na ang kalangitan na mukhang nakikidalamhati rin sa kanya dahil sa nagbabadyang pagbuhos ng ulan pero hindi parin siya tumitinag sa kina luluhuran. Pinagsabihan narin siya ng mga kaibigan kanina na kailangan niya kumain at matulog para makabawi ng lakas. Wala na siyang magagawa hindi narin niya maibabalik ang mga buhay ng mga taong siya ang naging sanhi ng pagkawala ng mga ito. . . . . ....................................................... please follow my account ... add my stories in your library ........"Lady Lhee"........ .....thanksguys....loveu..lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD