Kabanata Labing Siyam

2062 Words
Ang tanging karamay ko sa aking pag-iisa ay ang buhok ni Clara na pinalangay ko sa isang kristal na box. Hindi ko magawa lumabas ng kwarto ko buhat ng mailibing si Daddy natatakot akung makita ang mga munting ala-ala niyang nakapalibot sa loob ng bahay lalo na ang malaking larawan niya sa may hagdan. Pagnakikita ko yun at tumitingin sa mga mata niya para bang inuusig ako ng mga mata niya. ilang linggo nako dito sa kwarto ilang beses nadin akung dinalaw ng mga kaibigan ko pero heto parin ako at nakakulong sa sariling silid alak lang ang tangin hawak kung madalas. Sinisisi ko ang aking sarili sa pagkawala ni Daddy. Tatlong taong mahigit ko siyang hinintay magising tapos sa isang iglap nawala siya ng dahil sa kagagawan ko. Dahil sa maling paghihiganti ko sa maling mga tao. Sakin bumalik ang sakit ng maling paghihiganti ko ako ang nagdurusa ngayon. "Clark ano bang nangyayari sayo hindi ka ba talaga lalabas ng kwarto mo? Look at your self bro. mukha ka ng ermitanyo niyan ni hindi kana nag-aayus ng sarili mo baka gusto mo naman lumabas sa lungga mo. Mag-iisang buwan ka ng ganyan huwag mong sayangin ang buhay mo sa kasisi sa sarili mo." sermon niya sakin pagpasok palang niya sa kwarto ko. "Gusto mo bang sumama samin mamaya mag-bar tayo para malibang ka naman hindi yung nagtatago ka dito". yaya naman sakin na isa ko pang kaibigan. "Gusto ko munang mapag-isa, hayaan niyo muna ako dito." sagot ko sa kanila. "Mahirap mag-isa dapat nga may kausap ka ngayon. Andito lang kami pwede mo kaming kausapin kahit ano para hindi ganyang sinisisi mo lagi sarili mo." ani uli Dale. "Lalabas din ako pero sa ngayon dito muna ako. Hindi ko parin matanggap pagkawala ni Daddy." aniko at pahinamad na sumalampak sa couch sa tabi ko. "Pagkailangan mo ng kausap andito lang kami, tawagan mo kami." ani Axel at nagpaalam na sa kanya kasunod nito si Dale na tinapik pa siya sa balikat. Gusto ko munang mag-isip kung anung dapat gawin para itama ang mga mali kung nagawa. Pero paano ko itatama ang mali kung wala na silang lahat. Kanino ako magbabayad sa mga nagawa kung mali. Kanino ako hihingi ng tawad para sa kanila. Sa ngayon hindi ko pa kayang humarap sa mga tao. Para sila ang umuusig sakin lalo na kung tinititigan ko ang mga mata nila. "Hijo dadalhan ba kita dito ng pananghalian mo o baba kana? Hindi mo pweding pabayaan sarili mo may sarili kang buhay may mga obligasyon kang dapat pagtuunan ng pansin. Subukan mong lumabas uli kasama mga kaibigan mo para malibang ka at makalimut." litaniya ni Manang sakin araw-araw nalang niya akung pinapangaralan na hindi ko naman iniintindi. Siya na ang tumayo bilang ina ko, siya ang nag-alaga sakin, siya ang lagi kung kasama nuong bata pa ako. "Mamaya na Manang baba na ako." tungon ko sa kanya para tigilan na niya ako. Ilang buwan ko nadin ginagawa ito, ang magkulong sa loob ng bahay pero lagi lang ako sa loob ng kwarto ko. Paggumaan-gaan na ang pakiramdam ko aayusin ko lahat ng ito. Papasok nako sa opisina ko. Paghihilumin ko muna ang mga sugat na ako mismo ang gumawa. Pero gaano ko ba katagal mapag hihilum ito. Ilan buwan narin ako dito nagkukulong hanggang ngayon sariwa parin sakin ang lahat. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan babaguhin ko ang lahat. Pero kahit ano pang gawin ko hindi na maibabalik ang lahat kahit isang sigundo. Siguro nga dapat ko ng harapin ang lahat apat na buwan narin ang nakalilipas. Ito na ang tamang panahon para harapin silang lahat, tanggapin ang katotohanan wala na sila. At bumuo ng panay bagong bukas kasama ang ibang tao sa paligid ko mga taong umaasa sakin, umaasa sa kompanya ko. Isang linggo. Isang linggo nalang papasok nako at magsisismulang muli na ako lang mag-isa. "Clark andyan sa baba ang assistant mo may sasabihin daw importante sayo. Paakyatin ko ba dito?" tanong ni Manang pagpasok niya sa silid ko. Ilan beses na bang nagpupunta dito si Dennis hindi ko naman siya hinanaharap. Ayaw kung makarinig ng tungkol sa business muna gusto kung mag-isip, gusto kung mapag-isa yung walang tao sa paligid ko. "Paalisin mo muna Manang paki sabing papasok din ako pero hindi muna ngayon." aniko para umalis na siya sa tabi ko. "Pero ang sabi ni Dennis hindi daw siya aalis hanggat hindi mo siya kinakausap aba'y ilang buwan kanang ganiyan yung mga negosyo mo napabayaan mo na." mariin niyang turan pero tinalikuran ko lang siya at iniwan lumabas ako sa terrace ng kwarto ko para makasagap ng sariwang hangin. Nadinig ko naman bumukas at sumara ang pinto kaya pabuntong hininga nalang ako. Maya-maya nadinig ko naman bumukas ang pinto ng silid ko. "Manang paalisin niyo na ho siya ayaw mo muna silang makita." aniko. "Sir kailan po kayo papasok? Kailangan na n'yong pumasok ngayon sa opisina niyo." aniya kaya naikuyum ko ang aking kamao. Isang linggo na nga lang ang hinihingi ko para pumasok. "Sinong nagsabi sayong pumasok ka sa kwarto ko? Lumabas kana at lumayas ka dito at huwag ka ng babalik." sigaw ko sa kanya pero nakita ko lang siyang nakatitig sa sakin ni hindi man lang gumalaw. "Aalis din sir ako pero pakinggan niyo muna sasabihin ko. Kung ayaw parin niyong pumasok sa opisina niyo magre-resign nako dahil wala ng mangyayari sa mga negosyo niyo. Dalawa sa hotel niyo sa Canada ang nakuha ng mga kalaban niyo. Ang Airline niyo nakuha na din nila only 8% nalang ng share meron kayo sa Airline at tig 5% naman bawat isa sa hotel sa Canada. Kung hindi parin kayo gagawa ng action mawawala ng lahat ng pinaghirapan ng mga pamilya mo sir. aniya at tunalikuaran nako at lumabas ng silid ko. Naihilamos ko sa aking mukha ang aking dalawang palad. Ano nanaman itong nangyayari sakin buhay ng mga mahal ko ang mga nawala sakin ngayon mga negosyo ko naman. Kung alin pa ang malaki ang ipinapasok na pera sakin yun pa ang mga nawala. Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko tiningnan ko ang oras 1:03 ng tanghali kaya naligo nako. Gusto kung masiguro kung totoo bang wala na sakin ang mga nasabing negosyo. Pagkaligo ko nagbihis nako at lumabas ng kwarto dumiretso sa grahe at sumakay ng kotse ko. Ma-traffic ng masyado pero kailangan kung maging kalmado kung hindi wala nanaman akung maiisip na matino. Ayoko ng magkamali uli dahil hanggang ngayon pasan ko parin ang bigat dito sa dibdib ko at ayaw ko ng madagdagan pa yun. Pagdating ko sa harap ng building namin ipinark ko na ang sasakyan at dirediretsong naglakad papuntang elevator tulad ng dati hindi ko rin pinansin ang mga empleyado kong bumabati kahit kita sa mukha nila ang pagkagulat. at pagtataka, dahil sa tagal na hindi ako nagpakita dito. Pagpasok ko palang sa opisina ko kita ko na sa ibabaw ng table ko ang tambak na mga dokumentong may kinalaman sa mga business ko. "Sir good afternoon." bati agad sakin ni Dennis na humahagus pa. "Eto sir yung mga nakalap kong dokumento na may isang taong bumili ng mga share ng mga board binili din niya lah..." "Sinong tao ang kumalaban sakin at anung karapatan niya i-sabotage ang mga negosyo ko." putol ko sa mga sasabihin pa niya. Hindi ko alam ma mayroon pa palang hindi makakakilala sakin na hindi siya natatakot sakin. Hindi tulad ng iba na halos sumamba na sa paanan ko pagnagagalit ako. "Hanggang ngayon sir hindi ko pa alam kung sino siya misteryoso siyang masyado. Tanging abogado lang niya ang humaharap at hindi rin nagbibigay kahit maliit na ditalye tungkol sa bagong may-ari." litaniya niya. Pinakita pa niya sakin ang mga report na wala na nga saking ang sabing ahensya. Isa nanaman bagong kasawian ko ito dahil sa kapabayaanan ko. Paano ko pa mababawi ito. Kung alin pang negosyo ko ang malaki ang pinapasok na pera siya pang nawala sakin. Pinaghirapan pa ito ng mga lolo ko, ipinamana kay Daddy pagdating sakin mawawala lang. Ako ba talaga ang mag papalubog sa mga negosyo ng mga Villaneza. Mabubura na ba sa larangan ng industriya ang tinitingalang pangalan. Ako ba kasawian ng Villaneza. Hindi ako papayag na sa aking matatapos ang kasaysayan ng mga Villanez bilang isang mahusay ng negosyante. Itatayo ko ang bantayog namin sa larangan ng negosyo bilang isang magaling na negosyante. Kinalma ko ang sarili ko dahil sa nalaman, ayaw ko ng gumawa ng maaari ko nanaman pagsisihan sa bandang huli. Kailang kung pagtuunan ng pansin ang mga natira pa at sisikapin kung wala ng mawawala sakin. Madami pa naman akung negosyo. Bibisitahin ko rin ang mga ito isa isa para makasigurong wala ng mawala. Magtatayo ako ng bagong project na kikilalanin sa buong mundo. Malaking kawalan sakin ang mga nawala pero kailangan kung proteksyonan ang mga natitira pa. Kailangan ko din malaman kung sinong tao ang nasa likod nito pero sa ngayon kailang ko munang mag-focus sa trabaho ko. Soon makikilala ko rin kung sino at anung motibo niya. Mananagot ka sakin dahil sinamantala mo ang pagdadalamhati ko sa pagkawala ng mga mahal ko sa buhay. Sisigurohin kung pagsisihan mo ang ginawa mo. Halos araw at gabi akong nagtratrabaho para makabawi ako sa mga nasayang kung mga araw. Gusto kung matapos lahat ng trabaho at ang susunod kung bibisitahin ang nasa Europe na mga negosyo ko. Isusunod ko ang nasa Canada meron pa akong isang negosyo duon ang beverage. Inisa isa ko ng inaayus ang mga schedule ko pag nakaluwag-luwag nako tutuparin ko ang kahiligan ni Daddy ang huling habilin niyang hanapin ang aking Ina. Bukas dadalaw ako sa puntod niya bago ako tumungo sa Europe. Sisigurohin kung hindi ako ipagkakaluno ng mga board ko. Dumaan muna ako sa isang flower shop para bumili ng mga bulaklak pinili ang puro puting orchids bago tumungo sa cementeryo. Pagdating ko dito sa puntod ni Daddy binaba ko ang mga bulaklak at sinindihan ang kandila katabi niya ang puntod ni lolo at lola may isang maliit na tombstone may nakaukit na pangala ito daw ang tunay kung pangalan, ito daw ako, pinatay na ako nuong bata palang ako. Pinatay nako ni Daddy pinatay na din niya si Mommy kahit buhay na buhay pa kami. Paano ko mapapatawad ang taong pumatay sakin at pumatay kay Mommy sa paningin at paniniwala ng iba na matagal na kaming patay. Pinagkaitan nila kami ng karapatan sa isat-isa. Ni hindi ko nakilala si Mommy hindi ko naranasang arugain niya, yung panahon kailangan ko ang isang ina sakin tabi. "Bakit mo nagawa samin ito Dad? Bakit pinaglayo niyo kami alam n'yo bang naiinggit ako sa ibang mga batang niyayakap ng kanilang ina pag-umiiyak sila. Alam n'yo bang naiinggit ako sa mga may Nanay ng mga kalaro ko nuon, pagnadadapa sila inaalo sila ng kanilang nanay, ako walang nag-aasikaso sakin nuon si yaya lang na lagi pang galit sakin pagnadudumihan yun damit ko dahil mahirap daw maglaba. Ngayon sasabihin niyo buhay si Mommy at hanapin ko. Ang sagwa Dad. Hindi tama ginawa niyo samin ni Mommy." mga hinain kung wika sa harap ng puntod ni Daddy habang tumutulo ang aking mga luha. Hahanapin ko siya Dad para sa inyo susundin ko ang bilin n'yo ihihingi ko kayo ng tawad sa kanya pagnagkita kami. Hahanapin ko siya dahil kailangan ko ng isang ina sa aking tabi ngayon, siguro ngayon ako na mag-aalaga sa kanya sana hindi pa huli ang lahat. Makita ko pa sana siyang malakas dahil sa kanya ako babawi ng lahat ng nagawa kung kasalanan. "Alam kung andyan kalang Dad guide me please lalo na ngayon may problema ang mga negosyo natin". Kausap ko sa harap ng puntod niya. Nag-alay pa ako ng kaunting panalangin bago nilisan ang kanilang puntod ipatatanggal ko ang sakin duon. Huminga pa ako malalim ng ilang beses bago sumakas sa kotse at nilisang ang lugar. Ito ba ang parusa sakin, ang kunin ang meron ako para maramdaman ko kung anung pakiramdam ng nawalan. bulong ko sa kawalan habang bumibeyahe ako pabalik sa opisina. Magsisimula akong muli, hahanapin kita Mom. Hintayin mo ako tatapusin ko lang ang mga problema ko. Makakasama na din kita. Babawiin natin ang mga nawala satin. Mahal na mahal kita Mom kayo ni Daddy... at si Clara. . . . . . . . ......................................................... please follow my account ....add my stories in your library ..........."Lady Lhee"......... ....thanksguys....loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD