Tulad ng bilin ni Daddy buksan ko daw ang drawer niya. Una kung hinanap ang mga susi niya na alam kung sa kwarto lang niya inilalagay.
Inisa-isa kung binuksan ang mga drawers niya dito sa loob ng kwarto niya pero wala akung makitang susi. Kaya pinuntahan ko na si Manang.
"Manang may alam ba kayung susi ni Daddy?" tanong ko kay Manang dahil siya lang naglilinis ng kwarto ni Daddy.
"Wala naman akung hawak na susi ng Daddy mo. Hanapin mo nalang sa kwarto niya o di kaya sa library." aniya sakin na para bang may inililihim siya dahil hindi siya makatingin ng diretso sa mga mata ko. Kaya iniwan ko nalang siya.
Muli'y hinalughug ko ang posibilidad na pagtaguan ng susi pero wala parin akung makita kaya nagpasya nakung bumalik sa library para duon maghanap.
Naikot ko ng lahat pero wala akung makitang susi pero nakaagaw ng pansin ko ang isang maliit na kwadradong itim na box. Nangbuksan ko ito isang diamond ring na sa tingin ko'y engagement ring ang laman at nang-angatin ko ang singsing nakita ko ang isang susing kulay ginto sa ilalim. Agad kong kinuha yun at pinasok sa pinakabutas ng drawer at sakto bumukas yun.
Kinakabahan akung kinuha ang isang box na kulay brown. Nanginginig ang mga kamay kung binuksan yun isang lumang album ang laman, nangbulatin ko yun, unang bumungad sakin ang isang napagandang babaing may kilik na batang lalaki. "Me and my 1st. month old baby Lorenz Angelo." basa ko sa nakasulat sa pinaka baba. Ibig sabihin siya ang aking ina at ako ang batang lalaki.
Naluha ako ng makita ko ang mga picture nila mag kasama pa sila ni Daddy andito rin lahat ng information sa Momny ko maging ang live birth ko. May mga alahas din mga kasama ito. Na maaaring ibibigay ni Daddy kay Mommy.
Saan ako magsisimula para hanapin siya. Inisa-isang kung inilista ang posibling lugar kung saan ko siya pwedeng makita. Bukas mag-uumpisa nakung maghanap.
Maaga palang gumayak nako upang puntahan ang lugar kung saan daw nakatira si Mommy pero apat ang address na nakatala. Inuna ko ang pinakamalapit. Mula bungad hanggang kadulo-dulohan pinagtanong ko pangalan niya pero hindi daw nila kilala. Halos maghapon ko ng nilibut ang lugar iisa lang sagot nila, hindi nila kilala o walang ganitong pangalan silang kilala.
Kailangan mag-hire ako ng agent na maghahanap sa kanya. Para mas madali hindi baling gumastos ako ng malaking halaga mahanap lang si Mommy.
"Yes Travis I'll need your help now." tawag ko sa cellphone sa kakilala kung agent.
Inabala ko nalang ang sarili ko sa mga gawin sa opisina. Lahat ng pwedeng gawin ginagawa ko maging mga E-mail sakin na related sa business sinasagot ko. Ayaw ko ng may mawala nanaman sakin lalo na ngayong nalaman kung buhay ang aking ina at malapit ko na siya makita at makapiling. Sa kanya ko ibubuhus ang mga araw ko, siya nalang natitira sakin. Lahat ng pagkukulang ko kay Daddy ibibigay ko sa kanya.
Matapos kung maibigay lahat ng information tungkol kay Mommy. Nagpaalam na si Travis. Alam kung maasahan ko siya. Nasasabik nakong makita at mayakap si Mommy. "Sana buhay pa siya. Ano kayang buhay meron siya ngayon? Nag-asawa kaya uli siya? May anak kaya siya sa iba?" piping bulong ko.
.....
Kanina ko pa hinihintay ang approval ng mga Doctor ni Mama Lorena kung papayagan ba siya sa ibang bansa nalang maoperahan. Kailangan pa raw ma-test kung kakayanin pang mag-travel ni Mama.
Ilan buwan na kasing laging dumadain ng paninikip ng dibdib niya ayaw naman magpa-Doctor. Kung hindi ko pa pinilit hindi pa namin malalaman kung anong sakit niya. Buti maman at pwede pang maopera.
"Mama Lorena kailangan ko na po kayung madala sa Australia inaayus na po ang papers niyo para ma-transfers na kayo sa Doctor niyo doon tinawagan ko po sila, hindi po ako papayag na ganyan nalang kayo. Aalis na po tayo sa makalawa nagpa-book na po ako." litaniya ko kay Mama Lorena dahil nahihirapan nanaman siyang huminga may blood clots daw siya sa daluyan ng dugo papuntan sa puso kaya laging siyang nahihirapang huminga. Kailangan daw maopera siya sa lalong madaling panahon.
"Ikaw na nga ang bahala sakin. Ipinauubaya ko na sayo ang buhay ko."aniya. Hawak-hawak niya ang aking kamay. Nanghihina na rin siya. Lahat gagawin ko para sa kanya. Malaki ang utang na loob ko sa kanya, namin ng aking anak. Kung hindi sa kanya wala kami ngayon sa kinalalagyan namin.
"Ma hi-tech na po ngayon ang mga gamit kaya huwag po kayung mag-alala. Gagaling po kayo kailangan pa namin kayo ni Franz" aniko para lumakas ang loob niya. "Andito lang po ako hindi ko kayo iiwanan basta pagaling po kayo." dagdag ko pa.
Kanina pa ako palakad-lakad dito sa labas ng operating room. Ilang oras na siya sa loob." Sana maka-survive si Mama Lorena." piping panalangin ko. Napakadami pang test ang ginawa sa kanya pagdating namin dito bago inis-schedule ang surgery.
Mahirap kung ganitong mag-isa lang ako taging sila Nanay Caring lang nakakausap ko through video call pa. May anak din akong iniintindi buti nalang at mapagkakatiwalaan ang tapag-alaga ng anak ko.
Dahan-dahan akung naglakad papuntang chapel nasa dulo lang ng hallway nitong operating section. Pagdating ko sa loob ng chapel may mga nakita akung nakaluhod na nananalangin marahil nanghihingi rin ng kaunting awa para sa mahal nila sa buhay na may sakit. Kaya naglakad ako papunta sa isang mahabang bangko. Naupo muna ako bago lumuhod yumoko at taimtim na nagdasal humihingi ng kaunting awa na sana maka-survive si Mama Lorena sa operasyon niya.
Habang nakapaluhod ako at nagdadasal may naramdaman akung umupo malapit sakin. Hindi ko naman siya nilingon. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata kung lumuhod siya at yumoko nadinig ko pa ang mahihinang hikbi niya.
Hindi ko na alam kung gaano nako katagal na nakaluhod na nagdadasal habang umaagus ang aking luha sa aking pisngi. Hindi ko alinta ang mga taong dumadaan sa may giliran ko.
Nagmatapos nakung manalagin pinahid ko na ang aking luha at umupo muna sa mahabang bangko sakin likuran.
"Hi!" ani ng isang tinig sa may tabi ko kaya napalingun ako sa bumati sakin. "You're a Filipino right?" tanong niya sakin kaya mapatango naman ako. "Sabi ko na pinoy ka din eh." aniya. "May pasyente kaba dito? Ako yun Lola ko pero mukhang hindi na siya magtatagal. Pagnawala na siya uuwi na kami ng Pilipinas baka doon narin kami magtira." litaniya niya sakin. Nakita ko pang namula ang mga mata niya na may namumuong luha. Malamlam ang kanyang kulay chokolateng mga mata. Mukha naman siyang mabait. Wala naman sigurong masama kung makikipag-usap ako sa kanya. Kailanga ko din ng makakausap.
"Ako si Mama inooperahan siya ngayon para tanggalin daw yun dugong bumara sa ugat niya. aniko sa lalaki.
"Ganuon ba huwag kang mag-aalala makaka-survive Mama mo." aniya pag-aalu niya sakin dahil naiiyak nanaman ako.
"Remington" pagpapakilala niya at itinaas niya sakin ang kamay niya.
"Ella" saad ko naman at inabot ang kamay niya para sa handshake. Bahagya pa niyang pinisil ang aking kamay bago niya binitawan.
"Nahahabaan kaba sa panglan ko? pwede mo rin akong tawagin Rem wag lang Ington exclusive lang kay Lola yan, siya lang tumatawag sakin ng Ington." aniya na tumawa pa ng mahina.
"Ang bantot naman ng Ington." aniko kaya napakamot naman siya sa batok niya.
"Si Lola kasi nagbigay ng name ko. Lola's boy kasi ako siya ang nagpalaki sakin. Kaya lang ngayon baka iwan na niya ako."aniya kita ko ng nanunubig ang mga mata niya. "Kung lilisan na siya ngayon ayus lang sakin at least makakapagpahinga na siya hindi na siya mahihirapan." mahabang wika niya at nagpahid pa siya ng mga luha niya umagus sa pisngi niya.
Madami pa kaming napag-usapan ni Rem bago kami umalis ng chapel. Nalaman ko din maagang naghiwalay ang nga magulang niya kaya napunta siya sa pangangalaga ng Lola niya.
"Mag-isa mo lang pala dito. Gusto mo samahan nalang kita. Ayaw ko kasi pumunta muna sa room nila Lola. Ayaw ko siyang nakikitang nahihirapan anduon naman sila Mommy. Pwede ba dito nalang ako please wala akung gagawin hindi mo maiibigan promise." aniya at itinaas pa niya ang isang kamay na parang nanunumpa kaya natawa ako. Ipinakikita pa niya ang ID niya na hindi daw siya masamang tao. Hindi ko naman pinag-aksayahan tingnan yun.
"Oo na sige na d'yan kalang para may kausap naman ako. Baka hanapin ka nila dap..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nangbumukas ang pinto ng operating room at lumabas ang isang Doctor kaya napatayo ako ganoon din Rem.
"Doc how is my Mother? Is she's alright?" agad kung tanong. Nagtagal siya ng facemask niya kaya makita ko siyang ngumiti.
"Don't worry she's fined, her vital is good. You can see her any moment from now in her private room." anito at iniwan na kami dahil mukhang napagod siya.
"You see sabi ko na kaya ng Mama mo yun. Relax ka lang. Hintayin nalang nating siyang magising." pagpapakalma sakin ni Rem.
"Paano kung hindi na siya magising?" aniko sa nanginginig na boses. Kaya hinawakan na niya ako sa mga kamay.
"Ano ka ba ngayon ka pa ba kakabahan successful na nga yun operasyon. Magigising ang Mama mo. Huwag kang mag-isip ng negative." aniya at marahan pa niya akong hinagod sa likod.
Hanggang mailipat na ng private room si Mama Lorena nasa tabi ko lang si Rem hindi niya ako iniiwan. Pareho kaming nakasuot ng gown, gloves, masks may net din kami sa ulo bilang proteksyon para kay Mama Lorena. Kailangan daw magising si Mama with in twenty four hours. Kaya abot-abot ang dasal ko.
"Opo Nanay Caring successful naman po yun operasyo ni Mama hinihintay ko nalang po siyang magising" kausap ko kay Nanay Caring sa video call dahil maging sila'y naghihintay kung anung kinalabasan ng operasyon ni Mama. Kaya tuwang tuwa sila, sana daw magising na si Mama. Mahaba-haba din napag-usapan namin ni Nanay Caring maging si Rem tinanong din niya nangmakita niyang may katabi akong lalaki.
Tinawag ko rin ang anak ko dahil maging si Franz alam niya kung anung nangyayari sa Lola niya.
"May anak ka na?" tanong ni Rem dahil hindi ko naman nabanggit sa kanya.
"Oo four year old na siya." aniko
"Nasaan ang asawa mo bakit hindi mo siya kasama? Hindi ba dapat sinasamahan ka niya. sunod-sunod na tanong siya.
"Wala akung asawa atsaka pwede ba huwag na nating siyang pag-usapan." aniko dahil hindi ko alam kung magagalit ba ako o magpapasalamat dahil may anak na ako na taging nag-iisang kayamanan ko.
"Ok kung yan ang gusto mo." aniya na para bang hindi niya gusto ang sinabi ko.
"Hindi kaba pupunta sa Lola mo? tanong ko kay Rem ayaw na niya kasing umalis sa tabi ko sasamahan nalang daw niya ako hanggang magising si Mama. Mabait naman siya at wala namang ginagawang masama kaya hinahayaan ko nalang.
"Sige sisilip lang ako sandali doon sa kwarto niya, babalik din ako. aniya at lumabas na ng kwarto ni Mama.
Pinagmamasdan ko mukha ni Mama medyo pumayat na siya kaysa noong una ko siyang nakita. Nadagdagan na ding ang mga wrinkles niya maging ang buhok niyang marami ng uban, pero nababakas parin ang kagandahan niya kahit wala siyang kolorete. May nakakabit na oxygen sa ilong niya. May nakakabit ding swero sa likod ng palad niya sa kabila nama'y blood transfusion.
Sabi ng mga kakilala at kaibigan niya malaki daw ang hawig niya sa anak ko maraming nagsasabing kamukha daw ni Mama si Franz kaya lagi din sinasabi ni Mama na mana daw sa kanya ang apo niya.
Napakabait niya samin mag-ina totoong itinuring niya kaming tunay na kapamilya. Ngayon babawi ako aalagan ko siyang mabuti hanggang lumakas siya. At hanggang sa dapit hapon ng buhay niya.
"Mama Lorena wake up kana Ma hinihintay kana ni Franz." Kausap ko sa kanyang habang kawak ko ang kamay niyang may nakakabit na swero. Marahan kong hinahaplos yun.
"Hey!.Ella kumain kana may dala akung pagkain iniwan ko sa mesa sa may pinto kumain ka na doon at ako na magbabantay muna dito." ani Rem na bigla nalang pumasok. Nakabihis na rin siya. "Sige na tumayo ka na d'yan kagabi kapa hindi kumakain." utos niya sakin at hinila na ako kaya naman sumunod nalang ako dahil kailangan ko ng lakas ngayon para kay Mama.
Ewan ba sa lalaking ito at buhat ng makilala ko hindi nako iniwan maliban nalang kanina siguro ginutom na.
Eighteen hours na kaming nagbabantay kay Mama hanggang ngayon hindi pa siya nagigising kaya kinakabahan nako. Wala pa akong tulog dahil hinihintay kong magising siya. Gusto kung makita siyang gising na.
"Relax magigising din siya, matulog ka na muna ako na muna dito gigisingin nalang kita pagmay progress na." aniya at iginiya na niya ako sa couch. " Sige na ikaw naman matulog kahit ilan oras lang para may lakas ka." dagdag pa niya dahil kanina ilang oras din siyang nakatulog dito pinagkasya niya ang katawan niya dito sa couch. Pinagmamasdan ko pa siyang nakaupo sa bangko sa tabi ng kama ni Mama bago ko pa ipinikit ang aking mga mata. At dahil sa puyat madali akung hinila ng kadiliman.
.
.
.
.
.
.
...................................................
please follow my account and
add my stories in your library.
............"Lady Lhee"..........
....thanksguys...loveu...lrs..