Kabanata Pito

2130 Words
Sa loob ng dalawang linggo ganito nalang kami dito sa Isla. Pagbinibigyan ko siya ng pagkain hindi man lang niya ginagalaw ni hindi nga niya tinitingnan. Kahit tubig hindi siya umiinum dahil hindi man lang yun nababawasan kahit kunti iba na rin ang hitsura niya ngayon lagi ko nalang siya nadadatnan na nakaupo sa isang sulok nakabalot ng manipis na puting kumot ang katawan niya. Nakabuhaghag ang mahaba niya buhok nakaupo siya yakap ang dalawa tuhod, nakasubsub ang mukha niya sa ibabaw ng tuhod niya. Kung ngayon ko lang siya makikita matatakot ka sa hitsura niyang mukha siyang white lady. "You b***h kumain kana huwag mong aksayahin yan mga binibigay kung mga pagakin sayo." asik ko sa kanya hinawakan ko siya sa buhok niya at itinaas yun para makita ko ang mukha niya. "Huwag mo sayangin itong mga pagkain dinadala ko dito, kainin mo yan, hindi pa oras para patayin kita marami pa akung dapat gawin sayo hindi pa ako tapos magparusa sayo." sigaw ko sa mukha niya dahil nakita ko nanamang umiiyak siya. Maga na nga ang mga mata niya sa kakaiyak. "Patayin mo nalang ako. Bakit kailangan pahirapan mo pa ako" matapang niyang wika sakin sa nanghihinang pananalita. Pinakatitigan ko ang mukha niya nakita kong nakapikit ang mga mata niyang may umaagus na luha. "Patayin mo nalang ako.... sige na please patayin mo na ako ngayon na.." mahina niya ulit wika na parang hirap na hirap niyang bigkasin parang bulong lang yun pero dinig na dinig ko. Itinayo ko siya sa pamamagitan ng pahila sa kanyang buhok saka ko kinaladkad papunta sa kama at itinulak siyang ng malakas pahiga sa kama. Binuhat ko pa siya at malakas na ibinagsak sa gitna ng kama. Muli'y isinawaga ko nanaman ang pagpaparusa sa kanya hanggang magsawa ako at walang awang iniwan siyang umiiyak. Hindi ko na uli siya pinuntahan sa kwarto niya ni silip hindi ko ginawa, bahala na siya sa buhay niya ayaw naman niyang kumain sayang lang mga dinadala kung pagkain kung hindi naman kinakain. Katulad ng nakagawian ko araw araw tuwing hapon, andito nanaman ako sa mabatung dalampasigan pinagmamasdan ang papalubog na araw. Inaalala ang masasayang araw na kasama ko ang Daddy ko at ang lolo't lola ko noung bata pa ako. Napakasaya amin nuon kahit wala na si Mommy laging sinasabi ni Daddy na mahal na mahal niya si Mommy at hindi na siya makakakita pa ng isang tulad ni Mommy kaya hindi na siya muling umibig pa. Kahit sabihin kong pwede naman siyang mag-asawang muli, ang lagi niyang sinasabi minsan lang siyang umibig at yun ay sa isang babae lang kay Mommy lang daw. Alam ko rin nakikipag date si Daddy sa iba't ibang babae pero hanggang duon nalang yun wala seryusong usapan. Alam ko din may pangangailang siya. Meron din ilan babaeng pera lang ang habol kay Daddy. Si Daddy lang ang nag-iisang gumabay sakin nuong panahon ng aking kamusmusan. Lagi din niyang sinababinh napaka ganda daw ng aking ina, wala naman akung nakita ni isang larawan ng akin ina. Ang sabi ni Lola itinago daw lahat ng Daddy ko yun at ayaw ng makita sapagkat nananariwa lang daw sa alaala ng aking ama ang mga alaala nito. Kaya bilang respeto hindi nako nagtanong o naghanap pa ng mga larawan ng aking Ina. Maraming nagsasabing hawig ko ang aking ina. Malalaking pagpatak ng ulan ang naramdaman kong bumabasa sakin mula sa kalangitan ang nagpabatik sakin sa kasalukuyan. Madilim na ang kapaligiran tanda ng malalim na ang gabi. Kaya tumayo nako para lisanin ang mabatong dalampasigan baka tumaas pa ang tubig. Dahil pagmalakas ang ulan at sumabay pa ang high tide lumulubog sa tubig ang malalaking batung kinatutungtungan ko ngayon. Patakbo kung tinaluton ang daan patungong sa bahay ko. Naaninaw ko lang ang daan sa pamamagitang ng paminsan minsan pagsirit ng kidlat. Hindi naman kasi gaanung nakakaabot dito ang liwanag galing sa lighthouse. Malayo yun dito pero tanaw yun mula dito pag nakasindi ang ilaw. Pagpasok ko sa bahay nagmamadali nakong pumasok sa kwarto para maligo dahil basang-basa nako medyo giniginaw narin ako. Matapos kong makaligo, lumabas nako ng kwarto para pumunta sa kitchen upang magluto ng hapunan. Bukas ko nalang pupuntahan ang bihag ko, hindi rin naman niya kinakain ang dinadala kong pagkain sayang lang baka pagnakita ko pa siya kung ano nanaman ang magawa ko sa kanya. Naalimpungatan pa ako ng bumangon ilan beses ko ring kinusut kusut ang aking mga mata. Plano kung mag-jogging ngayon. Para mabawasan naman ang timbang ko. Ilang beses ko ng inikot ikot ang malawak na paligid ng mansyon matamang taman lang na takbuhin ko yun ng ilang beses kaya tagaktak na ang pawis ko. Muli ay nagpunta ako sa batuhan sa tabing dagat para magpahinga dahil pag-uwi ko sa Manila matatagalan pa bago ako magawi uli dito. Makaraan ang mahigit isang oras na pamamahinga inunat ko pa ang mga braso at hita ko. Bago nagpasyan umuwi na. Nagptimpla ako ng kape matapos akong maligo, dala ko ang kape at tinapay tinungo ang hardin upang dito magkape. Nakakalungkot ang buhay kung mag-isa kalan tulad ngayon wala akong kasama, walang makausap, lalo na sa ganitong lugar. Napabuntong hininga nalang ako. Sumapit ang hapon ng mangpasya akong puntahan ang bihag. Pero nagtaka ako. Kung anong position ko siya ng iwan ko kahapon ganon parin ang position niya walang nabago hindi niya alintana ang nakabuyangyang niya katawan ni hindi pinagkaabalahang takpan yun tulad ng lagi niyang hinagawa. Nilapitan ko siya at pinakatitigan ganun parin umaagus ang luha niya sa magkabilang dulo ng mga mata, nanunuyo ang mga labi niya na parang nagbibitak-bitak na may kulay puting natuyong balat. Nangingitim ang paligid ng malalalim niyang mga mata. Namumutla na rin siya, medyo humpak narin ang dating maambuk at kulay rosas niyang pisngi. Hinawakan ko ang isang kamay niya at itinaas ko atsaka binitawan pero bumagsak lang yun ng parang walang buto kaya inulit ko uli ganun parin. Medyo nakaramdam nako ng kaba sa dibdib sa naiisip. Wag naman sana. Hindi ko alam kung kakayanin ko. Kinabahan ako sa naiisip kaya sumampa nako sa kama paluhod inangat ko ang katawan niya, palapit sa katawan ko pero laking gulat ko ng lumaylay ang ulo't braso niya. "I wanna die... Kill me now." mahina niyang usal na parang naghihingalo. Kaya lalo akong kinabahan. Itinaas ko pa ng kunti ang katawan niya pero mas lalo ko lang nakita kung paano niya ibagsak ang mga braso niya para siyang lantang gulay na wala na ni katiting na lakas. Niyugyug ko pa siya pero hindi na siya gumagalaw wala naring luhang umaagus sa mga mata niya kaya mas lalo akong nag-panic. "Clara open your eyes baby please." pakiusap ko sa kanya. Wala parin response kaya pilit ko ng idinilat ang isa mata niya gamit ang dalawang daliri ko, nakapikit parin siya. Sa unang pagkakataon ako naman ang tumulo ang luha sa mga mata. Habang yakap yakap siya. "Baby please wake up.. don't leave mo please.. promise i won't hurt you anymore... " paulit ulit kong sigaw sa may leeg niya kung saan nakasubdub ang aking mukha habang lumuluha. "Clara please don't leave me baby.. huwag mo kong iiwan mahal ko.. please stay a live honey.." pagmamakaawa ko pa habang niyugyug ko siya. Nakasuporta ang isang kamay ko sa batok niya ang isang kamay ko naman nakayakap sa bewang niya. Nakalaylay ang dalawa niya braso sa magbilang side ko. Dinama ko ang tapat ng puso niya mahinang tumitibok yun. Dahan dahan at maingat ko siya inihiga sa malambot na kama. At dali daling lumabas ng silid upang ikuha siya ng tubig. Ilang minuto lang nakabalik nako. Binuksan ko ang dala kung mineral bottle water itinapat ko yun sa bibig niya pero itinikum lang niya yun ng maigi kaya tumapon at umagus lang ang tubig sa may dibdib niya. Pilit ko parin siyang pinaiinum ng tubig. Wala akung alam na paraan kung hindi dalin siya sa banyo para paliguan. "Baby here mag shower ka muna" malumanay kung turan at ibinaba siya sa tapat ng dutsa. Nagmamadali akong nagtungo sakin silid para kumuha ng maisusuot niya dahil wala naman siyang damit yun isang suot niyang school uniform wala na. Pagbalik ko sa cr kung saan ko siya iniwan sandali duon lang siya nakalungayngay sa labi ng bathtub na tila mo walang buhay. Lumuluha ako habang maingat siyang pinaliliguan. Hindi ko alam na ako pala ang aani ng sakit ng kalooban pag ganitong nakikita siyang parang wala ng buhay. Matapos ko siya mapaliguan binalot ko na siya ng bathrobe binuhat ko na at ihiniga sa kama. "Baby wait for me here ipagluluto kita ng makakain mo ha." malambing kong ani sa kanya at hinalikan pa siya sa noon. At dali daling lumabas ng silid Hindi ko pala kayang mawala siya ng lubusan. Pinilit ko lang ang sarili at isipan ko na masama silang mag-ama na dapat silang parusahan. Heto ako ngayon hindi alam ang gagawin sa naghihirap na kalagayan ng nag-iisang babaeng minahal ko ng lihim. Natatakot akong bumigay siya at sumuko ng tuluyan. Hindi ko pala kakayanin na ako ang dahilang ng paghihirap niya ngayon. Hindi ko kayang ako ang dahil ng maaga niyang paglisan sa mundo. Nawala ang tapang at lakas ko sa nakikitang kalagayan niya. Bakit ba pilit ko silang sinisising mag-ama. Matapos kung maluto ang sopas para kay Clara. Naglagay na ako sa isang mangkok, ito ang ipapakain ko sa kanya. "Honey here kumain ka" utos ko sa kanya inayus ko pa siya isinandal ko siya sa headboard nilagyan ko ng unan sa magkabilang side niya dahil dumadausdus siya. "Ahh baby" utos ko pero hindi parin siya gumagalaw kaya napilitan akong ibuka ang bibig niya ng sapilitan nagmaibuka ko na ang bibig niya isinubo ko sa kanya ang sopas pero iniluluwa niya yun na para siyang bata. "I wanna die" usal niya paulit ulit. Kumuha ako ang towel inilagay yun sa may leeg niya para masalo ang mga iniluluwa niyang pagkain. Ipinipilit ko paring subuan siya kahit iniluluwa niya. Ultimo isang butil ng sopas iniluluwa niya. Nakikita ko naman na may nalulunok din siya kaya patuloy lang din ako sa pagsubo. Hindi ko na alam ang gagawin ko ayaw niyang kumain kahit uminum ayaw niya kaya patuloy siyang nanghihina. Nakita kong nanunuyo ang mga labi niya kaya kumuha ako ng malinis na tubig at bulak. Binabasa ko ang bulak ng malinis na tubig at idinadapi ko sa mga labi niyang toyung tuyo. Hindi nako nakatiis dahil hindi parin kasi nagbabago ang kalagayan ni Clara. Kinuha ko ang cellphone sa kwarto ko at lumabas ng bahay para makasagap ng signal. Kailangan kung tawagan ang assistant kong si Dennis at ang kaibigan kong Doctor. Baka ako naman ang mamatay sa nerbiyos kung may masamang mangyayari sa kanya. Ng maghating gabi na sinaluhan ko siya sa kama, itinaas ko ang ulo niya at ipinaunan ko ang aking braso kinabig ko pa siya para mayakap ko siya. Babantayan ko siya baka pagnatulog ako wala na siya. Nagising ako sa malakas na ugong ng sasakyan kaya napabalikwas ako ng bangon. At nagmamadaling lumabas ng kwarto upang salubungin ang mga bagong dating. "Good morning sir" bati agad ni Dennis pagbaba ng chopper kasunod nito si Thom ang kaibigan kong Doctor. "Ano bang nangyari at bigla bigla ka nalang napapatawag sino bang may sakit? Mukhang malakas ka pa naman sa kalabaw." reklamo ni Thom. " Duon tayo sa loob" anyaya ko sa kanila. Iginiya ko sila sa taas kung saan si Clara. "Holy s**t!!.." sigaw ni Thom pagkakita niya kay Clara." anong ginawa mo sa kanya? Tang...i..a" mariin niyang wika hinarap niya ako at kenuwelyuhan. "Bakit siya andito? Bakit mo siya sinaktan?" sigaw na niya, saka nagpawala ng isang suntok sakin mukha sinundan pa ng isa at isa pa, hindi ako nakapanlaban sa kanya dahil kailangan ko ang tulong niya. Kaya tiniis at tinanggap ang mga suntok niya. "Please save her" pagmamakaawa ko sa kanya. Kulang nalang lumuhod ako sa harap niya. Alam kung may gusto rin siya kay Clara kaya lang nauna ako sa kanya. Kaya pinagbigyan niya ako. "Leave" asik niya saka ako binigyan uli ng isang suntok sa mukha na ikinabagsak ko. Inalalayan nako ni Dennis palabas ng kwarto, putok ang aking nguso ramdam ko ang pag-agus ng dugo maging ang kilay ko putok din. Sumandal ako sa pader sa tabi ng pinto ng kwarto ni Clara at padausdus akung naupo sa malamig na tiles na sahig matapos kung makitang tinurukan ni Thom si Clara sa braso ng hindi ko pa alam na kemikal. Habang umaagus ang mga luha at dugo sa mukha. Hindi ko alintana ang sakit na tinamo ko sa mga suntok ni Thom. Para sakin mas importante ang mabuhay si Clara. . . . . .............................................................. please follow my account.. ....... add my stories in your library.. ......"Lady Lhee".... ...thanksguys...loveu....lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD