Mabibigat ang mga yabag ng taong dumaan sa harap ko kasunod nuoy mga sigaw niya na may kahalong pagmumura sa mga taong kausap niya. Hindi nagtagal isang maingay na tunog ng sasakyang panghimpapawid ang pumailanglang hanggang humina ng humina yung at tuluyan ng maglaho sa aking pandinig. Hudyat na kami nalang ni Clara ang naiwan dito sa Isla. Takot na takot ako sa nangyari sa kanya. Sana tuluyan na siya gumaling at lumakas. Pangako hinding hindi na kita sasaktan mag palakas kalang. Bulong ko sa kawalan.
Hindi ko gaano maigalaw ang aking mukha dahil sa tinamo kong mga suntok mula kay Thom. Hindi ko na alam kung gaano nako katagal na nakaupo dito, parang hinang hina ako. Natatakot ako sa mangyayari. Ngayon ko lang naramdaman ang ganito. Ngayon lang ako natakot at nag-alala ng ganito. Hindi ko na kilala ang aking sarili.
Itinaas ko ang aking mukha patingala pasandal sa pader sa likuran ko upang pigilin ang nagbabadyang luhang gustong kumawala sakin mga mata. Ako ang gumawa nito, pinag-planohan ko ito ng ilang beses. Dapat masaya ako at naipaghiganti ko na si Daddy. Nagdudusa na ngayon ang mga taong naging sanhi ng pagka-comatose niya. Pero anong ginagawa ko ngayon nagsisi sa maling paraan ng pagpapahirap sa babaeng itinatangi ko dito sa puso't isipan ko.
Nagpasyan akong tumayo papasok sa pinto sa tabi ko. Lumapit akung dahan dahan sa kama ni Clara, payapa siyang natutulog nangingintab ang balat niya sa mukha at braso dahil sa cream na pinahid ni Thom sa mga pasa at sugat ni Clara. Nabaling ang paningin ko sa bedside table maraming gamot duon na nakapatong sa ilalim nuon ang isang puting papel. Nakalagay duon ang description sa pagpapainum ng mga gamot na iniwan ni Thom. Inisa isa ko yun para malaman ko kung anong klase ng gamot ipapainum ko sa kanya at kung anong oras. Dinampot ko rin ang isang maliit na tube ng cream upang lagyan din ang mga hita at katawan ni Clara.
Hinawi ko ang nakabalot na kumot sa katawan niya at hinubad ang jogging pants na pinasuot ko sa kanyan kagabi upang pahiran ng cream ang mga pasa at sugat niya, maging sa katawan niya nilagyan ko din hanggang sa likuran niya. Nangmatapos nako. Naingat ko uli isinuot ang damit niya at kinumotan. Pinagmasdan ko pa siyang mabuti bago ako lumabas ng silid niya upang magluto.
Naglabas ako ng manok upang gawing aroz caldo, alam kung hindi siya makakakain ng solid food. Maganda raw pagkain ito sa taong may sakit at mahina ang katawan.
Paikot ikot lang ako dito sa kwarto hinihintay ko siyang magising. Nakaluto at nakaligo narin ako pero tulog parin siya. Alam kung kailangan niya ng mahabang tulog pero mas gusto kong kumain muna siya para lumakas agad siya.
Humiga nalang ako sa couch dito sa loob ng kwarto para mabantayan siya. Gusto kung makita ang bawat galaw niya.
Isang malakas na tili ang nagpagising sakin, kaya napabalikwas ako ng bangon nakatulog na pala ako dito sa couch.
"Clara ba't ka sumisigaw may masakit ba sayo baby?" tanong ko. "Wait baby kukuha lang ako ng pagkain mo para makakain kana." aniko at mabilis ng lumisan ng kwarto at halos magtatakbo na akung tinungo ang kusina.
"Here Clara kumain kana." Utos ko sa kanya. Nadatnan ko nanaman siyang nakaupo sa isang sulok. Tulad ng dati duon parin siya umuupo.
"Huwag kang lalapit, huwag kang lalapit." paulit ulit niyang bigkas. Na parang takot na takot. Magulo din ang buhok niya.
"No baby hindi kita sasaktan basta kumain ka nalang" saad ko sa malumanay na boses, ibinaba ko ang tray ng pagkain dala ko sa harap niya.
"No wag kang lumapit sakin masama ka. Demonyo ka." mahinang sigaw niya dahil nanghihina parin siya. Nang-inilapit ko ang tray ng pagkain sa kanya pinagtatabing niya yun at pinagsisipa kaya halos natapon lahat ng lamang pagkain. Nilinisan ko pa yun at kumuha ng bago.
"Ok hindi kita lalapitan, hindi rin kita sasaktan promise" aniko at itinaas ko ang mga kamay ko at itinago sa likod. "Basta kumain kana ha, dito ko nalang ilalagay. Ubusin mo para lumakas kana. Uuwi na tayo pag malakas kana." litanya ko para makumbinsi ko siyang kumain. "Lalabas nako basta kumain ka." dagdag ko pa. Tumalikod nako para lumabas.
Kinahating gabihan pinasok ko ang silid niya wala din pinagbago. Madilim ang boong silid, kaya binuksan ko na ang ilaw nasa dating pwesto rin siya nakatalongko ng upo, walang bawas ang pagkain. Nilapitan ko siya at dahan dahan binuhat himbing parin siyang natutulog, maayus ko siya naihiga sa kama. Kinuha ko ang tray ng pagkaing hindi manlang niya ginalaw pinalitan ko yun ng mga biscuit at isang pitsel ng tubig. Nangmakita kong ayus na siya lumabas nako.
Maaga akung gumising hindi para mag-jogging kundi para mag fishing, ilang oras din ang ginugol ko bago ako nagdesisyon umuwi dala ang tatlong malalaking isdang nabinwit ko.
Gagawin kong fish pallet ang dalawang isda at ititira ko ang isa para susunod na araw. Nagmakaluto ako umakyat nako sa kwarto para maligo bago ko puntahan si Clara sa kanyang silid.
Pagpasok ko sa kwarto niya ganuon padin siya, takot na takot siya ng makita niya ako, mahigpit niyang niyakap ang kumot niya. Alam kung nanghihina parin siya base sa mabagal na pagkilos niya.
"Huwag!.. huwag!.. po" sigaw niya paulit ulit na nagmamakaawa.
"No baby hindi ako lalapit sayo basta kainin mo nalang itong dala kung pagkain para sayo" masuyo kung sabi. "Here kainin mo 'to ha" aniko pero mas lalo pa niyang isiniksik ang katawan sa headboard. "Okay lalabas nako kumain kana lang." dagdag ko pa at tumalikod na para lisanin ng kwarto niya.
Kinahapon sinilip ko siya sa kwarto niya, nakita kung nakabaluktot siya ng higa sa ibabaw ng kama niya wala padin bawas ang binigay kong pagkain. Ganito lagi ang nangyayari araw araw baka lalong malagay sa panganib ang buhay ni Clara.
Kinuha ko ang gadget ko para makonekta yun sa number sa opisina ko. Ilang ring lang sinagot na ang tawag.
"Dennis ihanap moko ng babaeng pwede mong dalhin dito."bungad ko agad sa assintant ko
"Huh!" yun lang sagot niya sakit at isang malakas na buntong hininga.
"I mean babaeng pwedeng makasama dito sa Isla ni Clara. Yung pwedeng mag-alaga sa kanya." dagdag ko dahil alam ko kung anong iniisip niya. Nadinig ko rin may kausap siya boses babae.
"Ahh.. sorry Sir Clack mali po pagkaintindi ko." aniya nadinig ko rin nagprisinta ang babaeng kausap niya.
"Who's she" tanong ko.
"Sir si Zuzzy pwede daw siya andito siya sa tabi ko. Nadinig po niya pinaguusapan natin.
"Okay sabihin mo magsama siya ng makakasama niya hindi pwedeng siya lang mag-isa kailangan andito na kayo tomorrow early in the morning." aniko at pinindot na end button.
Ito lang ang alam kong pwede kung gawin ngayon para bumalik ang lakas ni Clara. Hindi pwedeng magpatuloy siya ng ganito baka matuloyan na siya.
"Hi babe!" sigaw niya at patakbong lumapit sakin at kumunyapit sa leeg ko sabay halik sakin labi gusto kong sampalin siya pero nagpigil lang ako dahil kailangan ko ng tulong nila. Marahan ko siyang tinulak papalayo sakin kaya kumapit lang siya sa braso ko na parang tuko.
"Wow ang ganda naman dito" ani ng mga babaeng kasama ni Zuzzy.
"Gusto ko dito" ani pa ng isa pero hindi ko sila pinansin.
"Sumunod kayo sakin" aniko at iginiya na sila sa loob. "Gustong kong linawin sa inyon na kaya ko kayo pinapunta dito para alagaan ninyon si Clara. Ako na bahala sa inyo ibigay nalang niyon ang acoount number niyo kay Dennis." mariin kung turan para alam nila kung saan sila lulugar, hinawi ko rin ang kamay ni Zuzzy na nakapulupot sakin. " Maliwanag ba? maraming food supply sa kitchen at kung may kulang pa magsabi lang kayo at ipadadala ko agad, ang importante ang kalusugan ni Clara. Huwag na huwag niyo siyang pababayan, alagaan ninyo siyang mabuti." mariin saad ko kaya nagtanguan naman sila.
"Nasaan siya pwede ko ba siyang makita" tanong ni Mariz. Kaya niyaya ko na sila sa ikalawang palapag ng mansyon.
Una akung pumasok, nakasunod sakin si Dennis lumapit siya kay Clara dala ang tray ng pagkain.
"Huwag! huwag! kang lalapit parang awa mo na.. huwag kang lalapit!" sigaw niya kaya dalidaling tumalikod si Dennis paalis, rumihistro sa mukha nito ang takot pagkakita samin. Alam kung sa lalake lang siya takot kaya itinulak ko ng bahagya sa likod si Mariz dahil siya na ang sana harap ko ngayon.
"Hi!" bati niya at nilapitan ito. "She's shaking" malakas na wika nito. "Huwag kang matakot sakin kaibigan mo ako, halika" aniya dahan dahan niya hinawakan ang kamay ni Clara, hinila niya yun at niyakap niya si Clara. "No don't scared" ani Mariz habang yakap niya si Clara. Pinagmamasdan ko lang sila. Lumapit na din si Olive siya ang may dala ng tray ng pagkain ngayon. Umupo naman sa gilid ng kama ang isa pang babae, nakahalukipkip naman si Zuzzy nakataas ang kilay nito.
"Halika kain ka muna hindi ka pa daw kumakain buhat kahapon" aya ni Olive dito. Pinagmamasdan ko lang sila dito sa may pinto habang natago sa kurtina dahil alam kung pagnakita ako ni Clara matatakot ito. Napangalahati naman niya ang pagkain ganun din ang gatas kaya nakahinga na ako ng maluwag. Nasa magtuloy-tuloy na ang paglakas niya.
Bago kami umalis ng Isla mahigpit na bilin ko na huwag pababayaan si Clara. At huwag sasaktan.
"Alagaan niyo siyang mabuti ayaw kung gugutumin niyo siya at huwag na huwag ninyong sasaktan. Nagkakaintindihan ba tayo? Ipainum niyo yun mga gamot niya sa tamang oras" seryuso kung turan. " Mananagot kayo sakin pag may nangyaring masama sa kanya" dagdag kung salita.
Gabi ng makarating kami sa Manila tumuloy nako sa mansyon namin dito gusto ko ng magpahinga dahil wala akung matinong tulog.
Isang tambak na mga papeles sa ibabaw ng aking mesa ang bumugad agad sakin pagpasok ko sa aking opisina. Halos hindi nako tumayo sa kinauupoan ko sa dami ng pipirmahan ko dahil nadin sa halos isang buwang kong pagliban. Na postponed din ang mga meeting ko. Kaya kailangan akong bumawi ngayon, pinaayus ko na ang schedule ko sa secretary ko.
Iniligpit ko na ang mga papales sa ibabaw ng mesa ko at iuuwi ko nalang upang sa bahay nalang gawin tulad ng lagi kong ginagawa. Lumabas nako ng opisina at dumeretso sa parking lot kung saan nakaparada ang aking sasakyan. Hindi na ma-traffic kaya tumingin ako sa wrist watch ko 2:08 na ng madaling araw pero tumuloy parin ako sa hospital, pagpasok ko sa silid kung saan si Daddy nagulat pa ang nurse sakin nakaupo siya sa tabi ng kama ni Daddy.
"Good evening sir" bati niya sakin."Magtatagal po kayo sir?" tanong niya, nakita ko pang Tumingin siya sa orasang pambisig niya.
"Yes. I want to stay here" aniko kaya lumabas na siya. Ganoun naman siya pag adito ako lumalabas siya para bigya ako ng pagkakataon makausap si Daddy kahit alam ko namang hindi niya ako sasagutin.
Pinagmamasdan kong mabuti ang mukha ni Daddy medyo pumayat na siya. Maputla na din siya.
"Dad sorry" yun lang ang namutawi sa aking mga labi ng hawakan ko ang kamay niya di tulad ng nakasanay ko na pag andito ako na maramin akung kwento para sa kanya. Ngayon parang may bara sa aking lalamunan, ayaw din bumuka ng aking bibig, nagsisikip din ang aking dibdib. Isinubsub ko nalang ang mukha ko sa may braso niya dahil nagbabadya ng tumulo ang aking luha ko sa mga mata. Nakakintal na sa isipan ko mukha ni Clara na takot na takot. Ang katawan niya parang lantang gulay na walang lakas. Ang mutla niyang mukha. Ang naghihingalo niya paghinga. Lahat ng yung nakaukit sa isipan ko dahil ako ang may sala sa lahat ng pinagdadaanan niyang hirap ngayon.
Mahihinang tapik saking balikat ang nagpagising sakin. Nakangiting mukha ng private nurse ni Daddy ang naaninag ko sa nanlalabo ko pang mata.
"Sir gising napo kayo mag-a-alas syete na ng umaga. Baka mangalay na kayo d'yan sir." Malumanay na wika niya. Kaya kinusot ko ng dalawang beses ang aking mata. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nilingon ko si Daddy ganoun parin walang nagbago. Habang inaayus ng nurse ang mga tubong nakakabit dito. Tuwing umaga may mga pinapalitang siya sa mga nakakabit na tubo may inilalagay din siya kemikal. At pagnatapos na siya lilinisin na siya si Daddy.
.
.
.
........................................................
..... please follow my account
.... add my stories in your library
........"Lady Lhee".....
.... thanksguys.... loveu....lrs...