Ilang araw nako dito kasama ang mga babaing ito hindi ko man lang sila kilala, yung isa mukhang mataray, yun isa tahimik lang na nagmamasid palagi, yun dalawa kahit papaano inaasikaso ako. Pero mahirap parin magtiwala sa kanila dahil kakampi ito ng halimaw. Ibig sabihin pare-pareho sila ng kulay ng balahibo at likaw ng bituka.
Ilang araw ng hindi ko na nakikita ang halimaw na bumabuy sakin natatakot ako sa pagmumukha niya hindi ko man aminin sa saliri gwapo siya maganda ang kulay abuhin niyang mga mata na may mahahaba at malantik na pilik mata, makakapal na kilay na laging magkasalubong, matangus na ilong at mapupula ang kanyang mga labi. Napahawak pa ako sakin labi ng maalalang ko noung lumapat ang labi niya sa mga labi ko, una banayad lang yun dama ko ang malambot niya labi sa labi ko, pero nuong pinalalalim na niya at naging marahas na ang halik niya bigla kung kinagat yun ng mariin dahilan para masugatan at magdugo kaya naman bigla niya akung sinampal ng sunod-sunod. Yun ang una kung halik. Unang halik galing sa isang halimaw.
"Gising na pala ang mahal na reyna, pakainin niyo na baka hindi ako makapagpigil kung ano lang magawa ko d'yan sa babaeng yan." pasigaw niyang utos sa mga kasamang babae. Kaya nahinto ang pagmumuni-muni ko. Tama nga ang hinala ko na may kakaibang paguugali ang mga ito.
"Hoy! b***h bilisan mong magpalakas dahil hindi habang panahon pagsisilbihan ka namin, huwag kang umastang señorita dahil isa kalang alipin." sigaw niya ulit sakin sinundot sundot pa niya ng isang daliri ang aking sintido.
"Ito kumain kana at uminon ng gamot tapos, siguro naman kaya mo ng kumain mag-isa, ubusin mo yan" aniya pa ng Mariz ang pangalan nakataas pa ang kanyang kilay na akaka mo kung sinong magsalita.
"Pag hindi mo yan inubus ihahampas ko sa mukha mo yan plato." pagbabanta pa nun Zuzzy parang siya ang pinaka pinuno sa kanilang apat. Tinalikuran nako at tuloyan ng lumisan sa silid na inaakupa ko.
Naubus ko naman lahat ng pagkain sa plato hindi naman kasi madami yun, kaunti lang, isang sandok lang ng kanin isang maliit na pritong tilapia, isang basong tubig na hindi malamig. Ininum ko nalang ang mga gamot na nakapatong sa bedside table dalawang klase yun para sa umaga at inubus ang tubig sa baso para mabusog ako. Gusto kung gumaling at lumakas para makatakas sa impreynong lugar nato, kailangan kung aralin ang kapaligiran kung paano ako makakatakas at panagutin ang may sala akin. Ipaghihiganti ko ang mga kawalanghiyaan ginawa niya sakin.
Isang linggo pa ang matuling lumipas malakas na ako pero hindi pa rin bumabalik ang dating ako may mga sugat pa akung medyo sariwa may mga marka parin na kulay brown sa may hita at braso ko lalo na yun nasa tagiliran ko na tinamaan ng buckle ng belt ng halimaw medyo malalim yun. Kaya hanggang ngayon masakit pa.
Isa gabing malalim naisipan kung lumabas ng silid ko isinarado ko lahat ng ilaw at naupo sa gitna ng malawak na sala. Yumuko ako at tumingin paitaas pasimpleng inilibut ko ang aking paningin sa buong kapaligiran ng malawak na sala.
"There you are." bulong ko sa isip ko. Binilang ko sila, dalawa sa sala isa sa kitchen. Lumabas pa ako ng bahay ng nakayuko madilim din ang kalangitan. Naglakad din ako ng nakayuko at nagkunwaring sinisipa ang maliit na bato saking paanan pero ang aking mga mata nakatingin sa taas na pinag-aaral ang paligid umikot pa ako ng ilan beses ng makunteto na ako tumingala ako sa langit tama nga ako wala ni isang butuin sa langit bago pa ako dahan dahan pumasok sa loob ng mansyon. Dahil nagawa ko na ang aking pakay.
Ngayon nabilang ko na ang mga hiding camera nakabaun yun sa mga pader na animo mga designed lang at hindi mo iisiping camera yon, pero sa dilim makikita mong may makislap na bilog na maliit sa kulay green sa pinakagitna ibig sabihin kahit sa dilim makikita ka. Day and night vision alam ko na kung saan ako pupuwesto ng hindi makikita.
Kailangan ko lang mag-ingat at mag-isip mabuti. Ngayon ko mapapakinabangan ang mga tinuro sakin ni Papa kala ko hindi ko ito magagamit. Kailangan ko ng isang improvise na aparatong magha-hack sa mga camera para hindi makita ang mga kilos ko. Pero saan ako kukuha ng mga gagamitin ko. Mukhang mahihirapan ako nito.
Nilibot ko pa ang buong mansyon inuna ko sa baba dahil malawak ang kabuoan nito. Nakita kung may isang pinto sa may likod naka-lock yun, kailangan kung makita ang susi.
"Hoy malandi ka bumangon kana dyan at ipagluto mo na kami isa ka lang naman alipin ng boyfriend ko. Tapos na ang drama mo kaya kumilos kana diyan." sigaw ni Zuzzy na nagpagising sakin sinabunutan pa niya ako. Gusto ko sanang lumaban pero hindi ko ginawa, susundin ko nalang mga utos nila dahil kailangan kung magpalakas ng husto para sa mga pinaplaplano kong pagtakas.
"Aray ano ba nasasaktan ako." balik na sigaw ko rin sa kanya diniinan ko siya sa palapulsuhan kaya nabitiwan niya ang buhok ko. Pero itinulak lang niya ako.
Bumaba nako at naghanap ng iluluto sumunod naman sila sakin.
"Yun sakto lang samin ang iluluto mo at hindi ka kasama duon kaya babantayan kita dahil wala kang karapatang kumain ng kung anong kakainin namin maliwanag ba?" sigaw nanaman niya sa may mukha ko. "Alam ko kung anu-anong stock na pagkain dyan kaya huwag na huwag mong pakikialaman yan dahil mananagot ka sakin." sigaw niya ulit. "Huwag na huwag mong lalandiin si Clark dahil sakin lang siya boyfriend ko siya at malapit na kaming ikasal kaya umayus ka." litanya pa niya.
Kung alam lang niya kung anong ginawang bambababoy sakin ng halimaw na yun. Baka masuka siya.
Ngayon alam ko na pangalan ng halimaw kailangan ko rin makakuha ng tamang information sa taong hahantingin ko pagdating ng tamang panahon.
Ipinagpatuloy ko pa ang paghalughug sa buong mansyon, halos gabi gabi akong nag-iikot sa loob. Hindi ko makita kung saan ang monitor ng hiding camera, may mga kwarto kasing mga naka-lock. Hindi ko din makita ang mga susi halos lahat na yata ng drawer at cabinet nabuksan ko na. Naisipan ko nalang gawan ng paraan para mabukan ang pinto sa may likod dahil alam kung maraming gamit duon na kakailanganin ko, kinatikot ko iyon at halos isang oras kong kinutkot bago ko nabuksan at kinapa ang dingding at nangmabuksan ko ang ilaw tumanban sa sakin ang sari-saring mga lumang kagamitan isa itong bodega marumi at maraming sapot ng gagamba kung saan-saan, pumasok pa ako sa loob habang tukop-tukop ko ang aking ilong dahil hindi kaaya-aya ang amoy maalikabok din. Nakakita naman ako ng mga bagay na magagamit ko kaya kinuha ko ang mga iyo ng inaakala kung sapat na ang gamit ko lumabas nako. Kailangan ko ng matulog dahil maaga pa akung gigising para ipagluto ang apat na bruha. Baka hindi na ako makapag pigil mapatulan ko lang sila.
Lumilipas ang mga araw mas lalo pang sumasama ang ugali ng mga babae kung kasama dito. Minsan nasa hardin ako dito kasi ako naglalagi dahil maraming magagandang namumulaklak na halaman nakaka relax saking pakiramdam.
"You b***h di ba sabi ko huwag kang kakain ng kahit anong andito sa bahay huh." sigaw niya sabay hila niya sa bohuk ko at isinubsub ako sa lupa. Itinapon din niya sa lupa ang niluto kung pansit na dala niya at duon niya ako isinubsub.
"Ayan kainin mo yan. Yan ang nababagay sayo basura kaya dapat lang ding basura ang kainin mo." sigaw niya habang tumatawa "Kainin mo yan at wag kang magtitira." sigaw na naman niya habang natatawanan pa sila binuhusan din ako ng malamig na tubig sa ulo ni Olive. Isinubdub din ako sa lupa ni Mariz. Sinipa naman ako sa tiyan ni Daisy.
"Tapos na ang paghihirap ko sayo kaya ikaw naman ngayon ang magdusa" ani Mariz saka tumawa ng parang baliw. Binatukan rin ako nung Olive. Gusto ko nang lumaban kaya lang nagpipigil lang talaga ako. Dahil alam kung wala din mangyayari dahil kakampi sila ng halimaw girlfriend pa ng halimaw si Zuzzy. Kailangan ko lang magpakatatag ngayon.
Matapos nila akung pahirapan iniwan nalang nila ako masakit ang aking anit sa pagsabunot nila sa buhok ko, malagkit at gulo-gulo narin ito. Lagi nila akung pinagtutulong-tulongang apat.
"Darating ang araw sisingil ko kayo sa mga kahayupan ninyo sakin." bulong ko sa isip ko habang pinapahiran ang aking luha sa mata.
Naging maingat ako sa bawat kilos ko sa loob ng mansyon lahat ng hirap dinanas ko sa apat na babae. Ako ang naglilinis ng buong bahay ako din nalalaba ng mga damit nila maging sa pagluluto ako rin pero ayaw nila akong pakainin.
Pag sapit ng gabi pumupunta ako sa dagat dala ang mga pana na nakuha sa bodega, dala ko rin ang isang flashlight dahil sa maling hakbang ko lang sigurado mababalian ako ng buto dahil sa dami ng malalaking bato dito sa tabing dagat. Pagnaka huli na ako ng dalawa o tatlong isda pumupunta nako sa gubat duon ko niluluto ang isda para hindi maamoy ng mga bruha.
Hanggang isang araw pinasok ko na ang kagubatan dala ang pana at sibat. Kinabisa ko ang bawat sulok ng gubat nakita kung may matarik na bangin sa dulohan nakapag nahulog ka wala ka ng buhay pagdating mo sa baba. Pinagmasdan ko ang bangin inaral ko kung paano ako makababa ng buhay, tinandaan ang bawat parti.
Bago pa ako makalabas ng kagubatan nasabat ko ang ilang mabangis na hayop na gusto akong atakihin kaya hinanda ko ang aking dalang pana. Bininit ko yun ng sunod-sunod kasa ko siya sinundan kung saan siya titingil ng hindi na siya makatayo isang pana pa ang pinakawalan ko para sugurado akong patay na siya.
Bago ako lumabas ng gubat busog nako. Binalot ko pa ng malapad na dahon ng halaman ang ilang piraso ng karneng inihaw ko sa kagubatan para may pagkain ako bukas At isang piraso ng gabing inihaw ko din kasama ng karne ng ligaw na baboy.
"Pinakialaman mo nanaman ba ang mga pagkain namin" tanong ni Zuzzy. Na masamang natitig sakin.
"Hindi, wala akung ginagalaw diyang ito lang mga niluto ko ang kinuha ko d'yan kahit bilangin mo pa." Sagot ko sa kanya. "Kumain na kayo" dagdag ko pa at iniwan na siya. "Bakit ginabi ka nagluto ngayon" tanong naman ni Daisy na kapapasok lang sa kusina. Kala ko tahimik lang itong babaing to yun pala may tinatago ding kawalanghiyaan.
"Naglinis pa kasi ako d'yan sa baba" pagsisinungaling ko. Mahirap na baka matuklasan nila ang mga ginagawa ko.
"Hoy! huwag kang umalis pagsilbihan mo kami dito." sigaw ni Olive kaya bumalik uli ako sa kitchen para sundin ang mga utos nila, alam kung pagtri-tripan nanaman nila ako. Sasaktan nanaman nila ako, titiisin ko nalang ilang araw nalang makukumpleto ko na ang mga kailangang kung gamit para sa plano kung pagtakas.
Sampal, sipa, sabunot, kalmot, tadyak yan ang nakamit ko sa apat na walang puso babaing kasama ko dito habang nag-iinuman sila ilan bote na ba ng alak ang nainum nila. Tinitiis ko lahat yun, nasanay na ang katawan ko sa mga pambobugbug nila.
Lahat na ibinibigay nilang alak para inumin ko pasimple kung ibinubuhus sa halaman naka paso sa tabi ko at nagkunwang lasing nadin. Hindi naman kasi ako umiinum. Iniwam ko na sila bahala na sila kung anong gawin nila basta ako may aayusin pang mahalaga. Kailangan kung makumpleto lahat ng gamit bago pa sumapit ang kabilugan ng buwan para maliwanag sa gagawin kung paglalakbay ng hindi na gumagamit pa ng flashlight.
Muli kung pinasok ang gubat para siguradong hindi ako magkakamali sa daang tataluntunin ko. Kailangan kong maglagay ng mga bagay na pwede kung maging panang galang kung sakaling may umataki sakin mabangis na hayup gubat. Dahil mas maraming naglisaw na mga hayup gubat pag gabi malilinaw din ang mga mata nila sa dilim kaysa sa tao. Matatalas din ang kanilang pakiramdam at pang-amoy. Kaya dapat maging maingat ako, maging listo.
Nang maikot ko na ang mga dadaanan ko nagmamadali na akung lumabas ng kagubatan. Mahirap na baka mabulilyaso pa ang plano ko. Baka mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko at dito na mabaon ng buhay sa dami ng mababangis na hayop. Sabagay sa bahay nga may apat na akung kasamang halimaw na mukhang mabangis pa sa hayop gubat. Pagnapuno ako baka ihawin ko na sila ng buhay.
.
.
.
.
.
.............................................................. please follow my account
..... add my stories in your library.
.... "Lady Lhee"......
....thanksguys...loveu....lrs...