1(Umpisa)
Chapter 1
Isang punas pa nang panyo sa kaniyang mga mata dahil sa luhang ayaw paawat sa pagtulo bago siya ngumiti ng mapait.
Today is her wedding day, at kahit anong pilit niyang sabihin sa sariling okey siya at okey lang, ay hindi niya magawa. Coz she know’s that she’s not. Sino ba ang matutuwa kung pag-gising mo kinabukasan ay ikakasal ka na.
Louie close her eyes para sariwain kung bakit siya nasa ganitong sitwasyon ngayon.
Flashback
Nagising si Louie sa isang mahinang tapik sa balikat niya, kaya kahit antok na antok ay napilitan siyang idilat ang kaniyang mga mata dahil alam niyang ang tiyuhin niya iyon.
Tiyo Ed?kakarating niyo lang po ba? Aba’y anong oras na po ha?” sunod-sunod na tanong sa tiyuhin habang nakayuko at pinipikit-pikit pa ang mga mata dahil sa kaniyang antok na nararamdaman.
Lou, pwede ba tayo mag-usap? Tanong nito sa’kanya.
Napasimangot naman siya dahil ‘don. “Tiyo naman eh, pwede po bang bukas na tayo mag-usap if ano man yan, super antok pa po kasi ang prinsesa niyo”. Wika niya habang nakanguso.
Narinig naman niya ang bahagyang pagtawa nito.
Mamimiss kita nang sobra pamangkin ko”.. malungkot na wika nito kaya imbis na pumikit muli ay tuluyan na siyang napadilat at nag-angat nang tingin sa kaniyang tiyo. At ganoon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata at pag-alala niya ng makitang ang daming pasa ng mukha nito.
“Hala! Ano po ang nangyari sayo? Tanong niya dito.
“Lou, anak kailangan ng tiyo ang tulong mo at alam kung maiintindihan mo ako’’ wika nito na ikinakunot ng noo niya.
“Tulong? Ano pong tulong? Kelangan niyo po ba nang pera? Meron pa naman po------- Hindi yan” putol nito sa sasabihin niya.
“uhmmm, anak patawarin mo ang tiyo, pero naka oo na kasi ako eh..
“Na ano nga po?
“Kailangan mong magpakasal bukas anak’.
“Ano?!!! Halos pasigaw niyang tanong sa tiyuhin. “Naku, tiyo Ed ha, sinasabi ko sayo, magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa prinsesa mong bagong gising’”.
“Nak, hindi ako nag bibiro, totoo ‘to. Seryusong wika nito.
“Hmmm, linapitan naman niya ang mukha nang tiyo Ed niya habang pinaninigkitan niya ito ng mga mata. “Prank ba po ba ‘to? O baka nasa reality Tv show tayo ha,!, tell me tiyo. “Naku po! Wala pa naman akong make------- Totoo to Louie!! Putol ulit nito sa sinasabi niya and this time nakitaan na niya talaga nang kaseryusohan ang maamong mukha nito.
‘Nak, listen, nanganganib ang buhay ko, ang buhay mo,..
“What??!! Gulat na tanong niya sa tiyuhin.
“You heard me right Lou, kailangan mong magpakasal bukas sa anak ni Don Adson.
“Wait! Times-up muna po!, hindi sumisink-in sa maganda kong brain ang sinasabi niyo tiyo Ed, and swear hindi po yan nakakatuwa.
“Akala mo ba natutuwa ako na ilagay kita sa ganitong sitwasyon? Pero wala akong choice nak, kundi ang ipakasal kita sa anak ng Don, para na din sa kaligtasan mo.
“Naihilamos ni Louie ang kaniyang mga palad sa kaniyang mukha.
“Can you tell me everything? Baka sakaling maintindihan ko pa kung bakit mo po yan ginawa! May panghihinampong wika niya dito.
Kaya wala na ngang nagawa ang tiyuhin niya kundi ang ikwento sa ‘kanya lahat-lahat. Awang ang bibig niya sa lahat ng mga nalaman. Pakiramdam niya hindi siya makahinga ng dahil doon. Nagtatrabaho siya para makatulong sa tiyuhin niya pero hindi niyan akalain na lulong na sa utang ang kaniyang tiyuhin. “Sh*t lang!”mura niya sa isip.
‘Kahit magkayod kalabaw pa siya, hinding-hindi niya mababayaran ang sampong milyon na pagkakautang nang tiyuhin niya. Saang kamay ng diyos niya yan kukunin?.
Louie breathed heavily, dahil pakiramdam niya ay sasabog siya sa halo-halong nararamdaman niya sa mga oras na yuon.
“Nak, please pumayag ka na, ha?, nangako naman ang Don na magiging okey ka sa kamay ng anak niya eh.”.
“Naririnig niyo po ba ang sinasabi niyo tiyo? Ipinangbabayad niyo ako sa utang niyo na hindi ko naman utang! At gusto niyo akong magpakasal sa taong ni sa hinagap ay hindi ko nakita o nakilala?! Tiyo naman!.” Gumagaralgal niyang boses na sabi dito.
“Tumango-tango naman ang tiyuhin bago siya tiningnan na may lungkot sa mga mata, nakita din niya ang mga nagbabadyang luha dito.
“You are right nak, patawarin mo ang tiyo if nagdesisyon ako nang hindi ka man lang kinausap nang maigi, na hindi ko man lang naisip ang mararamdaman mo. Patawarin mo ako anak if naging selfish ako.”
Nagpahid ito ng luha at tiningnan siya saka ngumiti ng tipid.
“Sige na umalis ka na habang maaga pa, para hindi ka nila maabutan pa dito”. Wika nito saka siya tinalikuran.
“Tila naman hindi agad rumihistro sa utak niya ang sinabi nito.
“Umalis ka na!! sigaw nito na ikinapitlag niya. “Ano pa inaantay mo? Umalis ka na bago ka pa nila abutan dito! Pagtataboy nito sa ‘kanya.
“Pero tiyo Ed, pa’no ka? May pag-aalalang tanong niya.
“Huwag mo na akong isipin anak, ang isipin mo ay ang kinabukasan mo at ang makalayo ka dito nang ligtas, sige na, umalis ka na.” saka mabilis nitong kinuha ang travelling bag niya at nilagyan ng mga damit niya na nasa drawer, at nang mapuno ito, isinara agad iyon at inabot sa’kanya.
“Mag-ingat ka, gamitin mo ang lumang sasakyan na nasa kabilang kanto, walang may alam na akin yun, andoon ang susi sa kanang gulong ng sasakyan., nakaipit”. Bilisan mo na at baka dumating na ang mga magsusundo sayo.”Doon ka na sa may likuran dumaan”.
“Tiyo Ed? Naiiyak na niyang tawag dito.
Lumapit naman ito sa ‘kanya at niyakap siya nang mahigpit. “Shhhhh.. Don’t cry, papangit ang prinsesa ko.” Wika nito sabay kalas sa pagkakayakap sa ‘kanya at pinunasan ang mga luhang kumawala sa mga mata niya.
“Mag-iingat ha, at lagi mong tatandaan, mahal na mahal ka ng tiyo. Patawarin mo sana ako anak.”..
Niyakap naman niya ito ng mahigpit. “Mag-iingat ka tiyo ha”.. tatawag ako pangako po”.
Nasa ganoon silang tagpo ng biglang makarinig nang pagtigigil ng sasakyan sa labas ng kanilang bahay.
“Sh*t! mura ng tiyuhin. “they are here now princess, now go! Avoid making sounds. ‘Dun ka sa likuran dumaan sa may kusina just don’t turn on the light okey. ‘paalala nito na ikinatango niya.
“Tiyo..
GO! Now!
Mabibigat ang paa ni Louie habang palabas na ng bakuran, sa may kusina siya dumaan dahil sinunod niya ang utos ng kaniyang tiyuhin.
Pilit niyang pinapalakas ang loob pero ang totoo sobra-sobrang kaba ang nararamdaman niya sa mga oras na yun.
Malapit na sana siya sa kabilang kanto kung saan nakapark ang sasakyan na sinabi ng kaniyang tiyuhin nang makarinig siya ng sunod-sunod na putok nang baril. At kahit hindi siya lumingon alam niyang sa bahay nila nang-gagaling ang mga putok na iyon.
“Tiyo!! Huwag naman po sana! ‘’usal niya”