7. Hostage

1228 Words
CHAPTER 7 Louie POV Finally you're here Lu, kanina ka pa hinanap ni boss" wika sa 'kanya ng katrabaho niyang si Iyah. Same sila ng trabaho, receptionist din ito dito sa hotel Rio. Minsan ito nag kapalitan niya, pero mas madalas buddy silang dalawa. I know, kaya nga ako nagmamadaling pumasok eh, baka mabigyan pa ako ng memo." sagot naman niya dito. Sa totoo lang hindi naman talaga dapat siya malilate kung hindi lang siya dumaan sa bahay nila ng kaniyang uncle Ed. Pero wala naman siyang naabutan dun. She tried to call his number but cannot be reach naman kaya tinext niya na lang ito bago naisipang tumawag sa mansiyon, sa pag-aakalang andoon ang tiyuhin niya but to her dismay wala din daw doon. She sighed heavily, bago inilapag ang kaniyang bag at naglakad patungomg locker para magbihis ng kaniyang uniform. Nasa loob na siya ng elevator at busy sa kakatext sa tiyo niya ng may pumasok na tila dalawang turista. Sure siyang guest ang mga ito dito. Hindi naman niya makita nag mukha nito dahil nakatalikod ito sakanila habang ang mga kamay nito ay nakapalupot sa bewang ng babae. Napangiwi siya nng mapagmasdan ag suot-suot nito. Bumalik naman ang tingin niya sa lalaking nakatalikod. He's back is quite familiar" kausap niya sa sarili bago sinulyapan ang dalawang tila chinese din na seryuso lang ang mukha na nakaharap sa pintuan ng elevator. Halos mag-isang linya ang mga kilay niya ng bigla na lang magyakapan at magharutan ang magsyota na nasa harapan nila. At mas lalo pa niyang kinainis ng humagikhik pa ang babae habang may sinasabi sa tenga ang lalaki na kulang na lang ata eh kagatin ang leeg ng kasma nito sa sobrang lapit ng bibig dito. "kadiri lang" At dahil hindi na siya nakatiis at siya na ang nahihiya sa ginagawa ng dalawa ay nagsalita na siya. "Hindi na nahiya, dito pa talaga sa loob naglalampungan, hindi na lang antayin na makapasok sa loob ng kwarto nila" inis na wika niya pero sinadya niya talaga medyo lakasan baka sakaling mahiya naman ang mga ito. Nakahinga siya ng maluwag at umusal ng pasasalamat ng huminto ang elevator at lumabas na ang malibog na dalawa. Nang huminto sa sunod na floor ay lumabas na din siya at naglakad na patungong office ng boss niya. Lu, breathed heavily before she knock the door. "Come in! rinig niyang sabi ng boss niya na nasa loob. Kaya mabilis niyang binuksan ang pinto at pumasok. "Goodmorning Sir" bati niya dito. "Goodmorning Miss Pardo, have a seat please. Utos ito na agad naman niyang sinunod. Hinahanap niyo daw po ako sir? she politely asked. Oh yeah, I want you to read this and if the contract is okey to you, then you can sign it Miss Pardo." seryusong sabi ng boss niya na ikinaangat ng kilay niya, lalo na ng iabot sa 'kanya ang sinasabi nitong contract. Her mouth form into an ow, when she finally read it. "Wait sir, is this for real po? hindi paring makapaniwalang tanong niya dito. Ngumiti naman ito sa'kanya saka marahang tumango. So? what is your decision? I accepting it sir, thank you so much po." masaya at tila hindi parin makapaniwalang sabi niya sa boss niya. You deserve it, go! sign it".. utos nito na mabilis naman niyang sinunod. Congratulations my new executive assistant manager! masayang bati nito at inilahad ang kamay sa'kanya na agad naman niyang inabot. Thank you sir, thank you po for the trust and for giving me this position kahit feeling ko ay hindi ko ito deserve." Nah, don't say that, you handle our client, our customers very well, isa pa hindi ako nagbi-base sa kung gaano ka katagal na dito nagtatrabaho, kundi sa kakahayan mo. Just continue what you are doing at alam kung kayang-kaya mo yan na posisyon na binigay ko sayo. " paliwanag nito. Salamat po ulit sir." pasasalamat niya ulit sa boss niya bago siya nagpaalam dito para lumabas na. Pasakay na siya ng elevator ng maalalang kailangan niya palang bumaba sa next floor para i-check ang isang room na ikinocomplain nang isang guest nila. Kaya mabilis niyang pinindot ang down button pakapasok niya ng lift. Saktong pagbukas ng lift ang paghila naman sa 'kanya ng isang lalaki na my hawak na baril at itinutok sa ulo niya iyon. "Ayy! tili niya. "Put your gun down Li! baritonong boses ng isang lalaki na kakalabas lang sa kwarto at may hawak-hawak din na baril at nakatutok din ito sa lalaking may hawak sa 'kanya at may sumunod pa ditong isa, na kahit saang angulo niyang tingnan alam niyang babae ito. No way! hindi kayo ang makakapag-pabagsak saakin! galit na sabi nito at diniinan pa ang pakakatutuok ng baril sa ulo niya. Sir, please maaawa po kayo saakin" pagmamakaawa niya dito habang ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso nitong nakapulupot sa my leeg niya. Pakiramdam niya ay mawawalan siya ng hininga dahil sa takot at kabang nararamdaman niya. Sir, sumuko na po kayo if ano man ang nagawa niyo------- Shut up!! putol nitong sigaw sa sinasabi niya at diniin pa nitong lalo ang dulo ng baril sa may sentido niya. Napapikit siya sa sakit at halo-halong nararamdaman, hindi niya na napigilan ang hindi mapaluha sa sitwasyon niya ngayon. Ni sa hinagap, never niyang naimagine ang sarili niya na malalagay siya sa ganitong sitwasyon. Sh*t! rinig niya sa isang boses na tila pamilyar na pamilyar sa 'kanya. Kaya kahit sobrang takot ang nararamdaman niya sa mga oras na yun ay napadilat siya. Press the down button now! utos nito sa 'kanya na agad naman niyang sinunod. Pero halos gusto niyang mapamura nang hindi ito bumubukas na. You don't have any place to hide now Li, sumuko ka na bago pa mahuli ang lahat! tinig iyon ng isang babae na nakaumang din ang baril sakanila. No way! kayo ang magbaba ng mga baril niyo dahil kung hindi, I will blow this pretty little head, you get it!! No, no, please maawa po kayo! pagmamakaawa niya ulit sa nanghohostage sa'kanya. Damn! matigas ka talaga.! wika iyon ng lalaki na pamilyar ang boses sa'kanya. Mga sir, please ibaba niyo na po mga baril niyo ayoko pa pong mamata-----Ay!!! tili niya ng magpaputok ng baril ang lalaking my hawak sa 'kanya at ibalik ulit sa pagkakatutok sa sentido niya. Ramdam pa niya ang hapdi dahil sa init na nanggagaling sa bunganga ng baril nito. Ibaba niyo yan!!! baba! sigaw na utos nito sa mga ito. Habang naglalakad naman sila paatras patungong exit door. Nakita niya na nagbaba ng baril ang tatlong nandoon. Pero hindi niya inasahan ang mga sumunod na nangyari. Malapit na sana sila sa pintuan ng exit door nang makita niyang itinaas ulit ng lalaking pamilyar sa'kanya ang baril nito at mabilis na pinaputukan ang lalaking may hawak sa'kanya na siyang dahilan ng pagkakalas nito sa mahigpit na pagkakahawak sa leeg niya. Pero yun din ang naging dahilan ng maibalibag siya nito sa may pader para gumanti ng putok. Masakit man ang ulo na tumama sa pader, nagawa pa niyang idilat ang kaniyang mga mata na nanlabo lang din ulit ng bigla siyang manghina lalo na ng maramdaman niya ang umaagos na dugo sa may tagiliran niya. Bago pa siya kainin ng kadiliman, narinig pa niya ang malakas na pagmumura at pagtawag sa 'kanya ng isang lalaki na mabilis siyang pinuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD