HATING-GABI na pero pabiling-biling pa rin si Keira sa kama niya. Hindi niya magawang makatulog dahil kay Jeremy. Gustong-gusto niya nang makausap ito at maipaliwanag ang lahat-lahat. Bumaba siya ng kama at tumingin sa salamin para ayusin ang buhok. She couldn’t take this anymore, kailangan niya ng paliwanagan si Jeremy. Lumabas siya ng kuwarto at tumapat sa silid nito, sana lang ay hindi pa ito natutulog. Tatlong beses siyang kumatok pero walang sumasagot, dahan-dahan niyang pinihit ang seradura at nalamang nakabukas pala iyon. Marahan niyang binuksan ang pinto at hinanap ito pero hindi niya ito nakita. Marahan niyang inilapat ang pinto pasara pagkapasok niya. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid nito at napansin niyang may bahagyang nakaawang na parte ng dingding nito doon. Sud

