NAPATIGIL si Jeremy sa pagpasok sa loob ng sasakyan niya nang maramdaman ang pagyakap mula sa likod niya. “J-Jeremy, please… please… don’t go,” pagmamakaawa ng babaeng sobra-sobra niyang pinahalagahan sa loob lamang ng maikling panahon pero ano ang ginawa nito sa kanya? Hindi niya alam na niloloko na pala siya nito at pinagsi-sinungalingan sa buong panahon na iyon. Napailing siya. Hindi niya na alam kung ano pa ang dapat isipin ng mga oras na iyon. Hindi niya na alam kung ano pa ang paniniwalaan at kung ano pa ang totoo. Sobra-sobra niya itong pinagka-tiwalaan, pero anong ginawa nito? Nagsinungaling ito sa kanya. Pati pangalan nito ay itinago nito sa kanya. Marahan niyang kinalas ang pagkakayakap nito sa kanya at humarap dito. “Tell me, Vane— no, Keira,” humugot siya ng malalim na hinin

