Episode 11

2108 Words

THEY went back to the party together at hindi na siya pinakawalan ni Jeremy. After talking to Donya Isabel ay niyaya siya nitong magsayaw. Pumayag siya pero bago pa sila makalapit sa kumpol ng mga nagsasayaw ay nakaharang na kaagad sa daraanan nila si Jackie, mabilis itong kumapit sa braso ni Jeremy. “Jeremy, nandito ka lang pala. I’ve been looking for you all along,” malambing nitong sabi bago ngumiti. Lumipat ang tingin nito sa kanya na parang noon lang siya napansin. “Oh, who is she?” tanong nito. “Ah, I remember, Vince’s date tonight? Bakit mo siya kasama, honey?” muling namungay ang mga mata nito nang tumingin kay Jeremy. Naiinis niyang tiningnan ang kamay nitong nakahawak pa rin sa braso ni Jeremy. Kanina pa niya gustong sabunutan ang babaeng ito, nagpipigil lang siya. Napasinghap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD