NAKAHARAP siya sa isang full-length mirror habang pinagmamasdan ang sarili, she was wearing a black silk gown. Donya Isabel did her make-up dahil matagal na daw nitong pinangarap ayusan ang magiging anak nitong babae, pero dahil hindi nga ito pinagkalooban ay sa iba nito iyon nagagawa. Pinilit niyang ngumiti, pero malungkot pa rin ang mga mata niya. Nagsisimula na ang party sa ibaba at nauna na sa kanyang bumaba si Donya Isabel. She was confident on her looks pero kinakabahan siya sa magiging reaksiyon ng nag-iisang taong nagpapagulo sa isipan niya ngayon. Bumuntong-hininga siya at napasulyap sa kamang naroroon. Nag-init ang buo niyang pakiramdam nang maalala ang muntik ng pag-angkin sa kanya ni Jeremy doon. Mabilis niya iyong inalis sa isipan at lumabas ng kuwarto. Habang bumababa siya

