PAGKATAPOS kumain ay umakyat na sa itaas si Vanessa para mag-ayos sa lakad nila ni Donya Isabel mamaya. Napatigil siya sa tapat ng pinto ng kuwarto niya. Nag-aalangan siyang pumasok dahil baka naroon pa si Jeremy. Napa-iling siya. Wala na siguro siya dito. Pigil niya ang hininga habang binubuksan ang pinto. Bahagya siyang sumilip doon at nakahinga ng maluwag nang makitang wala ng tao sa kama. Tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob at kumuha ng damit sa closet pagkatapos ay naglakad papunta sa banyo. Akmang bubuksan niya na ang pinto ng banyo nang bigla iyong bumukas at lumabas si Jeremy. Hindi niya naitago ang gulat pagkakita dito. “Sorry, a-akala ko nakaalis ka na,” bumilis ang t***k ng puso niya sa pagkakita dito. He was still half-naked and she could now clearly see his abdominal muscle

