MANGHANG napatingin si Vanessa kay Thaddeus na patuloy pa rin sa pagkain. Nagha-hapunan sila ng mga oras na iyon. Kanina pa siyang tapos pero hindi niya alam kung matatapos pa ba ito. Napatingin din ito sa kanya. “Tapos ka na?” tanong nito. Tumango siya. “Ikaw? Hindi ka pa tapos?” Umiling ito habang patuloy sa pag-nguya. “Pa-tatlong bulos mo na ‘yan, ah,” namamangha pa ring sabi niya dito. “Nagutom kasi ako sa biyahe,” pagdadahilan pa nito. Napailing siya. “Ganyan ba talaga katakaw ang mga lawyer?” “Excuse me, hindi ako matakaw,” sabi nito saka inubos ang natitira pang laman ng plato nito. “Ahh…” sumandal pa ito sa silya. “Ang sarap talaga ng pagkain sa hacienda… I’m full.” “Akala ko, hindi ka na mabubusog,” sabi niya bago tumayo at sinimulang iligpit ang mga pinagkainan nila. Tuma

