“IYAN po lahat ang kailangan nating gawin ngayong araw, Sir Jeremy,” wika ni Mang Tonyo. “Sir?” ulit na tawag nito. Napatingin siya dito. “Bakit?” Nakita niya ang pagkunot ng noo nito. “May problema ka ba, hijo? Parang hindi mo narinig ang mga sinabi ko, ah. Kanina ka pang nakatulala lang diyan.” “Problema? Wala naman. Pasensiya ka na, medyo pagod lang siguro ako,” pagdadahilan niya dito. Bakit ba naman kasi bigla na lang nawawala ang isip niya sa trabaho kapag naaalala niya si Vanessa? Dapat niyang tigilang ang pag-iisip dito pero hindi niya magawa. Lalong nagulo nito ang isipan niya nang matikman niya ang mga labi nito. Ano ba naman kasing pumasok sa isipan niya at nagpadala siya sa tuksong hagkan ito? Pero wala na siyang magagawa dahil nangyari na iyon at imposible ng matanggal pa iy

