Episode 5

2367 Words
“WOW…” buong paghanga niyang inilibot ang paningin sa kabuuan ng manggahan na lahat ng puno ay hitik na hitik sa bunga. “You have a really great farm,” sabi niya dito habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. “Thank you, we also breed different kinds of horses here,” sagot nito sa kanya. Excited siyang napatingin dito. “Horses? Can I see them?” Matagal na din siyang hindi nakakasakay ng kabayo. Iyon lang ang tanging libangan niya noon sa farm nila. Tumingin ito sa kanya. “Some other time, marami pa tayong dapat gawin,” pagpapa-alala nito sa kanya. Nakagat niya ang pang-ibabang labi at tumango. “Sorry,” muli niyang ibinalik ang tingin sa manggahan. “Malaki siguro ang kinikita niyo sa mga ito, ano?” naisipan niyang itanong dito. “I should say, yes. Lalo na kapag ini-export namin ito sa mga bansang in-demand ng mangga like China and US,” tumigil ito sa paglalakad at humarap sa kanya. “You really love Agriculture, right?” “Everyone has the right to choose the profession they really want. I chose to be an agriculturist because I have learned to love this farm. I have learned to treasure this just like how my father did. Totoong wala na nga sa kabihasnan ang mga farmers at haciendero but still kung wala sila, anong mangyayari sa mga nasa lungsod? “Tahimik ang buhay dito, hindi mo kailangang makipag-sabayan sa mga nagtataasang buildings, towers at sa mga ingay ng sasakyan. You don’t need to face the media kapag nagka-problema. I don’t want my private life to be exposed in public,” sabi nito. Hindi niya magawang ialis ang tingin dito. Katulad na katulad ito ng ama niya, parehas ang dahilan ng mga ito kung bakit nais nilang manatili sa hacienda at pahalagahan iyon na para bang bahagi na iyon ng buhay nila. Tumingin siya sa isang puno ng mangga at nakita niya ang isang trabahador na nakatungtong sa bakal na hagdan at abalang-abala sa pamimitas ng mga hinog na bunga. “I want to try harvesting some mangoes, para naman may mai-tulong ako,” aniya. Tumaas ang isang kilay nito. “Talaga? Kaya mo?” “May hagdan naman, ‘di ba? Susubukan ko lang,” pagkasabi noon ay lumakad na siya papunta sa trabahador na kabababa lang sa bakal na hagdan at ngayon ay sinusuri na ang mga bunga. “Manong,” napalingon sa kanya ang matanda. “Magpahinga na po muna kayo, ako na po muna ang papalit sa inyo na mamitas ng mga bunga,” pagpapatuloy niya na halatang ikina-gulat nito. “Naku po, ma’am. Hindi po pwede, baka po—” napatingin ito sa parteng likod niya kung saan nakatayo si Jeremy. “Magandang umaga po, Sir,” bati nito dito. “Magandang umaga din, Mang Oscar. Sige na po, magpahinga na muna kayo. Pakisabi na rin sa iba na magpahinga na din muna sila. Ako na munang bahala dito,” sabi nito sa matanda. Tumango lang ang matanda at umalis. Ibinaling sa kanya ni Jeremy ang paningin at ngumiti. “Go ahead,” sabi nito. Hindi niya agad naintindihan ang sinabi nito dahil hindi niya mapigilan ang sariling tumitig sa guwapong mukha nito. Marunong din pala talagang ngumiti ang lalaking ito. I’ve never thought that he can be more than gorgeous. Agad din niyang binura sa isipan ang mga salitang iyon. What am I thinking? Nahihiya niyang inilayo ang tingin dito at lumapit sa bakal na hagdan at umakyat doon. Nakita niya nang lumapit din ito sa hagdan at tumingala sa kanya. “Be careful,” paalala nito. “Ihulog mo na lang dito ang mga napitas mo.” Sinimulan na niya ang pamimitas ng mga manggang abot-kamay niya at ihinuhulog dito na lahat naman ay agad nitong nasasalo. “Mag-iingat ka sa ilang mga bunga diyan, maraming langgam sa mga iyan,” sabi nito pero huli na ang paalala nito dahil pag-abot niya sa isang kumpol ng mga bunga ay naramdaman niyang may gumagapang sa kamay niya. Nagulat siya kaya agad niyang pinagpag ang mga itim na langgam na gumagapang doon, hindi niya na naalala na nakatungtong nga pala siya sa hagdan at namalayan niya na lang na nawalan na siya ng balanse at nahulog. Ipinikit niya ang mga mata at naramdaman ang mga brasong sumambot sa kanya. Pagmulat niya ay agad niyang nasalubong ang mukha ni Jeremy. “I told you to be careful,” wika nito. “I-I’m sorry,” bulong niya. Hindi niya maintindihan kung bakit hindi niya magawang salubungin ang tingin nito. Ano bang nangyayari sa kanya? Bakit ba naman kasi bigla na lang din itong bumait sa kanya? Tumikhim siya. “P-Pwede mo na akong ibaba,” pilit niyang pinatatag ang boses. “Next time, mag-ingat ka na, baka kung mapaano pa ‘yang anak mo,” paalala nito bago siya ibinaba. “Get in the car, ihahatid na kita kina Aling Juana,” pagkasabi noon ay nauna na itong maglakad papunta sa kinapaparadahan ng sasakyan. Sinundan niya ito ng tingin. Tingnan mo ang lalaking ito, napakabilis magpalit ng mood. Tiningnan niya muna ang basket ng mga mangga bago naiinis na sumunod dito. “VANESSA, ineng, aba’y kanina ka pa diyan nakatanghod sa bintana, ah. May problema ka ba?” narinig niyang tanong ni Aling Juana sa kanya. Napalingon siya dito. “Wala naman po.” “Naiinip ka na ba?” muli nitong tanong. “Hindi po,” sinabayan niya pa iyon ng pag-iling. “Huwag kang mag-alala, ineng. Siguradong nasa trabaho lang si Jeremy. Sadyang minsan ay inaabot na sila ng ganitong oras.” Pasado alas-nuebe na ng gabi at kanina pa siyang tanghali doon sa bahay nina Aling Juana. “Hindi po ba kayo nahihirapan kapag gabing-gabi ng umuwi si Mang Tonyo?” naisipan niyang itanong dito. “Hindi naman, sanay na rin ako at alam ko na namang marami talagang kailangang gawin sa farm kapag panahon ng anihan at sabay-sabay ang demand ng mga supplier dito. May tiwala naman ako kay Sir Jeremy na hindi niya aabusuhin ang mga trabahador niya. Napakabait na bata niyang si Jeremy, bata pa lang siya ay alam ko ng siya ang may kakayahang magpatakbo at magpalago ng haciendang ito. “Kaya ineng, paka-ingatan mo si Jeremy at ang magiging anak niyo,” pagpapatuloy nito. “Matatag na tao iyang si Jeremy pero isa sa mga napansin ko sa pagkatao niya, napakadali para sa kanya ang masaktan kapag iniiwan siya ng mga taong pinahahalagahan niya. Siguro dahil minsan na siyang iniwanan noon.” Napatitig siya dito habang patuloy pa rin itong nagku-kuwento. Naalala niya kung paano pahalagahan ni Jeremy ang sarili nitong ina. Nagalit ito sa kanya dahil nais nitong protektahan ang ina sa mga taong gustong manloko dito. She couldn’t blame him for being rude at her. “Vanessa, ineng,” pukaw ulit sa kanya ni Aling Juana. “Po?” hindi niya napansin na naka-ilang beses na pala itong tumatawag sa kanya. “Tinatanong ko kung kailan niyo balak magpakasal ni Jeremy? Hindi ba sabi mo two months na iyang nasa tiyan mo?” hindi niya inaasahang tanong nito. Hindi niya alam kung anong isasagot dito. Ayaw niya ng dagdagan pa ang mga kasinungalingan niya. Mabuti na lamang at biglang bumukas ang pinto at pumasok sa loob si Mang Tonyo. “Ineng,” humarap ito sa kanya. “Hinihintay ka na ni Sir Jeremy sa labas. Uuwi na daw kayo.” Tumayo na siya at nagpaalam sa mga ito. Pagkalabas niya ay agad siyang lumapit sa sasakyan ni Jeremy at walang imik na sumakay doon. TAHIMIK ang naging biyahe nila pabalik sa mansiyon ng mga ito. Hanggang sa makapasok sila sa mansiyon ay wala pa ring imikang nagaganap sa pagitan nila. Napabuntong-hininga na lang siya at tuloy-tuloy na naglakad nang bigla siyang mapatigil nang mapansin ang isang family portrait na nakasabit malapit sa hagdan. Dahan-dahan siyang lumapit sa parteng iyon, hindi niya na alam kung gaano siya katagal na nakatayo lang at nakatitig doon hanggang sa maramdaman niyang may lumapit sa kanya. “What’s wrong?” napalingon siya kay Jeremy nang marinig ang tanong nito. Huli na para maitago pa niya ang mga luhang biglang naglandas sa pisngi niya. Kumunot ang noo nito at sapilitan siyang pinaharap dito. “Bakit ka umiiyak?” nababahala nitong tanong. Umiling siya at mabilis na pinahid ang luha sa mga pisngi. “I-I just… I just remembered something,” muli siyang sumulyap sa portrait. Looking at the portrait, she started remembering all her pains from the past. May ganito din silang portrait sa mansiyon nila noong maayos pa ang pamilya niya. Seeing Daniel’s photo there brought pain as well – dahil sa ginawa nitong pag-iwan sa kanya. Tumingala muna ito sa portrait bago muling ibinalik ang tingin sa kanya. “Don’t cry,” bulong nito. Napatingin siya dito ng humakbang ito palapit sa kanya. Nagulat pa siya nang bigla siya nitong kabigin palapit at niyakap ng mahigpit. “It’s going to be alright.” Hindi niya na pinigilan ang sariling mapa-hagulhol sa dibdib nito at doon ibuhos ang lahat ng hinanakit niya sa buhay. This was the very first time na may nag-comfort muli sa kanya pagkatapos ng pagpanaw ng mga magulang niya, and it felt great to be comforted again. Ilang minuto din silang nasa ganoong puwesto hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak at lumayo dito. “I’m sorry,” bulong niya. “It’s okay. Magpahinga na tayo.” Sabay na silang umakyat sa hagdan at inihatid pa siya nito hanggang sa pinto ng kwarto niya. Humarap muna siya dito bago pumasok sa loob. “Thank you,” hindi niya na pinigilan ang sariling sabihin dito ang mga salitang matagal na niyang hindi nasasabi kahit kanino. “sa lahat.” Tumango na lang ito at tumalikod na para dumiretso sa sariling silid. PAGKA-GISING niya nang sumunod na araw ay dumiretso na siya sa komedor at agad naman siyang nakita ni Donya Isabel na kasalukuyang nagsisimula pa lamang mag-umagahan. “Vanessa, hija. Come and join me, akala ko ay wala na akong makakasabay na mag-almusal,” bati nito sa kanya. Nginitian niya ito at naupo sa katapat nitong silya. “Hindi ka ba napagod kahapon? Masyadong gabi na ng makauwi kayo,” tanong nito nang nagsisimula na silang kumain. “Hindi naman po, nag-enjoy naman po ako sa mga gawain sa farm,” sagot niya. “Maayos na ba ang trato sa’yo ni Jeremy? Sabihin mo lang sa akin kung sinasabihan ka na naman niya ng mga masasakit na salita.” Natigilan siya sa tanong nito. Naalala niya ang naging pag-iiba ng pag-trato sa kanya ni Jeremy kahapon, pati ang kauna-unahang ngiti na nasilayan niya mula dito. “Hija, inaaway ka na naman ba ni Jeremy?” putol nito sa pagkatulala niya. “Po? Ah, hindi naman po,” mabilis niyang sagot dito. Itinuon niya na lamang ang pansin sa pagkain nang bigla siyang mapaangat ng tingin sa b****a ng komedor nang pumasok si Jeremy na may kausap na naman sa cell phone nito. Basa pa rin ang hindi pa nasusuklay na buhok nito. He was wearing a white V-neck shirt and a Levi’s pants. Ngayon niya lamang natitigan ng husto ang kabuuan nito, iginala niya ang paningin sa malapad nitong balikat at matitipunong dibdib. She knew how gorgeous his body inside that shirt and she didn’t want those thoughts in her mind right now kaya hindi niya na kailangan pang ibaba ang paningin niya. Her gaze accidentally landed on his handsome face and stayed there for a while. He had a nice light tan, not too dark, dala na siguro ng pagpapatakbo nito ng farm. He had dark hair and a hard face that showed care and comfort, a face that showed he could look after his woman. Makapal ang kilay nito na lalong nagpa-emphasize ng itim na itim at nang-aakit nitong mga mata. Naalala niya ang pagtingin nito sa kanya. He was the one who looks at you like he was reading your mind. Bumaba pa ang tingin niya sa mga labi nito na bahagyang gumagalaw dahil sa pakikipag-usap sa telepono. His lips moved in a very sexy way even when talking. He was serious, right, pero hindi noon nagawang tanggalin ang lakas ng dating nito sa mga babae. He is so different. Kaya siguro madalas silang ipag-kumparang magkapatid, naisip niya habang hindi pa rin ito hinihiwalayan ng tingin. Ibang-iba si Daniel dito. Hindi niya na namalayan kung gaano siya katagal na nakatitig lang dito hanggang sa ibaling nito ang tingin sa kanya. Agad niyang iniiwas ang tingin at nagulat pa siya nang makitang nakatingin din sa kanya si Donya Isabel. Nagyuko siya ng ulo at itinutok ang buong pansin sa pagkain. Ano bang ginagawa ko? naiinis niyang tanong sa sarili. “Yes, that’s it,” narinig niyang sabi ni Jeremy sa kausap nito. “Just make sure that we’ll make it with Singapore exporters. Bahala ka na, see you soon,” pagtatapos nito sa usapan. “Jeremy, kumain ka na muna, siguradong makakalimutan mo na namang kumain kapag nasa trabaho ka na,” utos ng mama nito. Agad din naman itong sumunod. “Gusto nga palang bumisita dito ni Vince by next week,” sabi nito sa mama nito. “Matagal ko na ring hindi nakikita ang batang iyon. You should meet him, Vanessa. Pinsan siya ni Jeremy, I’m sure na makakasundo mo agad siya,” baling ng mama nito sa kanya. Nginitian niya lamang ito at muling nagtuloy sa pagkain. Mabilis na inubos ni Jeremy ang pagkain nito at tumayo. “Hihintayin na lang ulit kita sa labas, Vanessa,” pagkasabi noon ay humalik na ito sa pisngi ng mama nito saka tuluyang lumakad palabas. Tumingin sa kanya si Donya Isabel at ngumiti. “Basta huwag ka lang masyadong magpa-pagod, hija. Sabihin mo lang sa akin kapag pinahihirapan ka ni Jeremy.” Tumango lang siya at tinapos na rin ang sariling pagkain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD