CHAPTER 16- Rampa Tutorial

1130 Words
JOSEF ISANG papel ang inabot ko kay Justeen nang makita ko siyang mag-isang nakaupo sa bench sa ilalim ng isang puno. Busy’ng busy ito sa pagbabasa ng isang book kaya naman medyo nagulat siya sa pagdating ko. “Ay, kabayo! Josef? Ano ito? Love letter? Hindi mo naman kailangan na magbigay pa sa akin nito para mapanindigan ang pagpapanggap natin.” Pakurap-kurap ang mata na sabi niya sa akin. Tumabi ako sa kanya. “Gaga! Anong love letter pinagsasabi mo? That is our contract.” “Contract?” “Yes. Maganda na rin na sigurado ako sa mga mangyayari. Nakalagay sa contract na iyan na thirty days lang ang gagawin nating pagpapanggap bilang magjowa. After that ay magbi-break na tayo kuno. Siguro naman in that span of days ay nakaganti ka na sa ex mo at matatanggal na sa utak ng mga tao dito na beki ako. At pagkatapos din ng thirty days ay ide-delete mo na ang video ko sa phone mo. Signed ko na iyan. Pirma mo na lang ang kulang.”Inabot ko sa kanya ang ballpen. Kinuha naman niya iyon at pumirma agad. “Actually, naisip ko rin ito. Naunahan mo lang ako!” sabi niya sabay balik sa akin ng ballpen at papel. Inirapan ko siya. “Whatever! Kung alam mo lang kung gaano ako nandidiri sa ginagawa natin!” “Makapagsalita ka naman. You should be proud dahil girlfriend mo ang nag-iisang beauty queen ng Benedictine Academy. Speaking of beauty queen, baka naman matulungan mo ako. Next week kasi ay lalaban akong Miss Benedictine Academy 2016. Nakita ko kasi iyong pagrampa mo. Baka naman maturuan mo ako,” aniya sabay hagikhik. “Iniinsulto mo ba ako?!” “Hindi, ah--” “Ewan ko sa’yo! Diyan ka na!” Paalis na sana ako nang bigla akong may maalala kaya humarap ulit ako sa kanya. “Oo nga pala. Ini-invite ka ni daddy ng dinner sa Saturday sa bahay. Pumunta ka. Hindi pwedeng hindi. Nakarating na sa kanya ang tsismis na beki ako kaya dapat galingan mo ang pag-arte para hindi na niya ako pagdudahan!” “Sige. Pupunta ako pero in one condition…” “Ano naman iyon?” “Tuturuan mo akong rumampa!” “Hay! Ewan ko sa’yo, Justeen! Oo na! Sige na! Friday after ng uwian tuturuan na kita!” “Yes naman!” Tuwang-tuwa na sabi niya at niyakap pa niya talaga ako. Dalawang babaeng estudyante ang dumaan at tumigil pa talaga para panoorin kami. “Uh… Ang sweet naman ng TeenSef love team!!!” “Oo nga! Kakakilig naman that magjowa! Team TeenSef!” Iyon ang sabi nila sabay alis na. Ano daw? TeenSef? At talagang ginawan pa nila kami ng love team, ha. Ewwness!!! FRIDAY. Uwian na. Gaya nang napag-usapan namin ni Justeen ay ngayon ko siya tuturuan sa pagrampa para sa pageant na sasalihan niya this coming week. First time kong gagawin ito kaya medyo hindi ko alam ang gagawin. Nandito ako ngayon sa labas ng school at hinihintay siya. Nag-text kasi siya na medyo late siyang makakalabas ng school dahil may meeting daw iyong mga sasali doon sa pageant. Maya maya nga ay dumating na si Justeen at kasama niya si Mocha. “Tara na?” aniya. “Teka, kasama pa si Mocha?” “Don’t worry… Alam naman niya iyong secret at kasunduan natin.” “Oo nga, Josef! Kapatid pala kita--” “Tumigl ka, Mocha! Bunganga mo!” Inuumang ko sa kanya ang kamao ko. Nakakatakot lang kasi baka may makarinig sa kanya. Bumalik na naman ang pagdududa sa akin ng mga tao. Mabuti na lang talaga at nakatulong ang pag-arte namin ni Justeen para kahit paano ay mawala ang tsismis na iyon about sa aking gender. “Afraid naman! Sige na. Gora na tayo at baka gabihin. Gusto ko lang kasing makita iyong rampa lesson para kapag ako naman ang sasali sa mga beauty pageant ay alam ko na ang gagawin,” ani pa Mocha. Napabuntung-hininga na lang ako. Mukhang wala na naman akong magagawa kundi isama itong si Mocha. Pagdating sa bahay ay diretso na agad kami sa kwarto ko. Mamayang ten pa ng gabi ang dating ni daddy at by that time, for sure naman ay tapos na kami sa rampa lesson. Timuruan ko na agad si Justeen habang nanonood lang sa amin si Mocha. Tinuro ko sa kanya lahat ng nalalaman ko. Maalam naman ako sa ganiyan dahil palihim akong nanonood ng Next Top Model at mga beauty contest kapag wala si daddy. Hindi naman ako nahirapang turuan si Justeen dahil marunong na naman siya. Pinagti-tripan lang yata ako ng bruhang iyon! Halos isang oras ko rin siyang tinuruan bago kami nag-decide na tumigil na dahil pagod na rin kami parehas. Nakatulog na nga sa sahig si Mocha. Nainip na siguro ang bakla. “Nakakapagod pala, Josef!” Hinihingal na sabi ni Justeen sabay upo sa kama. “Ganoon talaga. First time mo yata, e.” “First time ko na may nagturo sa akin. Ang hihirap kasi no’ng style na pinapagawa mo sa akin. Ang sakit sa katawan.” “Ano ka ba? No pain, no gain! May mas mahirap pa ngang style pero saka ko na ituturo sa’yo.” “Sige na. Kailangan ko nag umuwi. Late na rin pala.” Ginising na namin si Mocha at umalis na sila ni Justeen. Ganoon na lang ang gulat ko nang makita kong nakabukas iyong pinto sa kwarto ni Daddy Amir. Pagsilip ko doon ay nakita ko si daddy na papalabas doon. “Daddy? Bakit `andito na agad kayo?” Nagtataka kong tanong. Seven pa lang kasi ng gabi. Alam ko ay hindi ito ang oras ng uwi niya mula sa trabaho. “Sumakit kasi ang ulo ko sa dami ng kasong hawak ko ngayon. May dumagdag pa kaya umuwi muna ako. Teka, si Justeen ba iyong kasama mo sa kwarto mo?” “Ah, ganoon po ba? Uminom na lang po kayo ng gamot, daddy. Si Justeen nga po. Bakit, daddy?” “Wala naman. Nasa’n na siya?” “Kaaalis lang po.” “Hindi ko kasi nakitang umalis. Oo nga pala, narinig ko iyong usapan niyo, ah!” Feeling ko ay binagsakan ako ng sampung bomba sa sinabi ni Daddy Amir. “A-anong usapan po?” Kinakabahang tanong ko. Hindi kaya… alam na niya? OMG! Napansin ko na mas naging seryoso ang mukha ni Daddy Amir habang mataman na nakatingin sa akin. Pinagpawisan ako ng malamig dahil doon. Bakit pakiramdam ko anumang oras ay susuntukin na niya ako. Lord, help me! Hindi pa ako ready sa ganitong ganap! Alam na nga kaya ni daddy na… beki ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD