CHAPTER 17- First Dinner

1227 Words
JOSEF NAPAPITLAG ako nang bigla akong akbayan ni daddy dahil akala ko ay susuntukin na niya ako. Tinapik-tapik pa niya ang balikat ko. “Anak, bakit hindi mo sa akin sinasabi na may nangyayari na sa inyo ni Justeen?” “Po?!” gulat na react ko. “Narinig ko ang pinag-uusapan niyo kanina. Iyong mga… style sa alam mo na. Alam mo, Josef, dapat humihingi ka sa akin ng advice regarding sa ganiyang bagay dahil parehas tayong lalaki. Mai-educate pa kita. Sandali at may ibibigay ako sa’yo.” Iniwanan ako ni daddy saglit. Nakatulala lang ako at hindi ko talaga alam kung ano ang sasabihin ko sa kanya. Yes, I am happy dahil hindi pa niya nabuking na beki ako pero iyong mapagkamalan niya na nag-chu-chuk-chakan kami ni Justeen kanina ay hindi ko talaga in-expect! Nakakaloka talaga iyon! Pagbalik ni daddy ay isang maliit na box na square at palapad ang inabot niya sa akin. Nanlaki ang mata ko nang mabasa ko ang nakasaulat sa box. “Gamitin mo `yan. Protection. Ayaw mo naman siguro na mabuntis mo agad si Justeen. Hindi ba? O, bakit ang tahimik mo? `Wag kang mag-alala, hindi ako galit. Lalaki ka at medyo nagiging adult ka na kaya normal lang `yan.” “Err… Salamat po, daddy…” sabi ko na lang. “S-sige po. May aayusin lang po ako sa room ko.” Pagkapasok ko sa kwarto ko ay isinara ko agad ang pinto at nandidiring itinapon sa trash bin iyong ibinigay sa akin ni daddy. Eww! Kadiri! Iniisip ko pa lang iyong sinasabi ni daddy na akala niyang ginagawa namin ni Justeen ay kinikilabutan na ako! PAGDATING ng Saturday night ay nagluto si daddy ng specialty niya na kare-kare. Gusto daw nitong matikman iyon ng girlfriend niya. Bihirang lutuin iyon ni daddy kapag may okasyon at espesyal na araw lang. At mukhang para sa kanya ay special ang araw na ito dahil first time niyang makakasama sa dinner ang girlfriend kuno ko. Nang may kumatok sa pintuan ay alam ko na si Justeen na iyon. Hindi nga ako nagkamali dahil pagbukas ko ng pinto ay nakita ko siya. Naamoy ko agad ang sweet na amoy ng pabango niya. Medyo natulala pa ako dahil first time ko siyang nakita na merong konting make-up at nakasuot ng simpleng dress. Babaeng-babae siya. Isang simple at sweet na babae… “Hoy! Bakit ka nakatulala sa akin? Nagiging lalaki ka na ba sa ayos ko tonight?” Pabulong na sabi niya sa akin and then she giggled. Inayos ko ang sarili ko at sumimangot. “Naiirita lang ako sa’yo. Para kang a-attend ng ribbon cutting at may pa-dress ka pa. Kakain lang naman tayo ng dinner dito sa bahay.” Nagsungit-sungitan pa ako para pagtakpan iyong pagkakatulala ko kanina. At bakit ba ako natulala sa kanya? To be honest, yes, nagandahan ako sa simple niyang ayos na hindi normal sa akin. Madalas kasi ay sa boys ako humahanga. Pero anong meron sa bruhang Justeen na ito at naramdaman ko iyon sa kanya? Imbyerna! Hinawakan niya ang laylayan ng kanyang dress at nag-bow. “Ang cute ko kaya sa suot ko. Binili ko pa ito for this dinner, ha. Gusto kong magpa-impress sa daddy mo para naman maging convincing itong pagpapanggap natin. Okay na? Pwede na ba akong pumasok?” Inirapan ko lang siya. Nilakihan ko na ng bukas iyong pinto para makapasok siya. Sa salas pa lang ay sinalubong na agad siya ni daddy at nag-mano si Justeen dito. Isang paper bag ang inabot ni Justeen kay daddy. “Leche flan po, sir. Gawa ng mommy ko.” “Wow. Pakisabi sa mommy mo salamat. Next time, isasama na natin siya sa dinner.” “Po?!” Magkasabay na sabi naming dalawa. “Bakit? May problema ba doon?” “W-wala naman po… Ang ibig po naming sabihin ay… great! That would be great, sir!” bawi ni Justeen. “`Wag mo na nga akong tinatawag na ‘sir’. Tito Amir na lang. Iwanan ko muna kayo at ihahanda ko na ang dinner. Tatawagin ko na lang kayo kapag okay na.” “Sige po, sir-- tito pala.” Naninibago talaga ako ngayon kay daddy. Simula nang malaman niya na girlfriend ko si Justeen ay nag-iba siya. Hindi na siya ganoon kasungit at kaseryoso. Ngumingiti na rin siya. He changed talaga. Napansin ko agad iyon dahil sa palagi kaming magkasama. Hinila ko si Justeen paupo sa tabi ko. “Ang arte mo talaga! Pabebe!” sabi ko sa kanya. “Anong pabebe doon? Normal lang kayao iyong ginawa ko. Oh, `di ba? Mukhang impressed si daddy mo sa akin. I can see na gusto niya ako bilang girlfriend mo.” “Talaga lang? Feel na feel mo naman. Baka nakakalimutan mo na fake lang `tong relationship natin.” “Hindi ko po iyon nakakalimutan, Mr. Ramil Josef Fruelda. I know my limitations!” At talagang inirapan pa ako ng bruha. Ako lang dapat ang may karapatan na umirap sa aming dalawa! After a while ay tinawag na nga kami ni Daddy Amir dahil ready na ang dinner. Panay ang kwentuhan ni daddy at Justeen habang kumakain. Nag-start sa buhay ni Justeen and then sa pagiging single father ni daddy. While watching them ay nakita ko na magkasundo na agad sila. Napapa-smile pa nga ako minsan kapag ngumingiti si daddy. Precious thing for me ang smile ng daddy ko dahil once in a blue moon lang iyon kung gawin niya. Siguro, masyado siyang nai-stress sa work at pag-aasikaso sa akin kaya nakakalimutan na niyang mag-smile. Pero tonight, ang dami niyang ngiti. Mga sixty seven na siguro. Charot! Tuwang-tuwa pa nga si daddy nang sabihin ni Justeen na masarap ang luto nitong kare-kare at pati daw ang sinaing ay tama ang pagkakaluto. Charotera rin ang bruhang si Justeen, e. Pati sinaing ay pinupuri! Naisip ko tuloy na may something kay Justeen para mapangiti niya si daddy ng ganoon. Natapos ang dinner na silang dalawa lang ang nag-usap. Kumakain na kami ng dessert. Iyong leche flan na dala ni Justeen. Nagkwentuhan pa sila nang kaunti hanggang sa maya maya ay kinailangan nang magpaalam ni Justeen. Uuwi na daw ito at ayaw daw kasi nitong nagpapagabi masyado sa daan. Sinabi ni daddy na ihatid ko daw si Justeen sa bahay nito at para madalhan na rin ang mommy nito ng kare-kare. Habang naglalakad kami ay sinulyapan ko si Justeen. Tinawag ko siya. “Bakit?” she asked. “Thank you…” “Naku, wala iyon. Hindi ka dapat nagpapasalamat kasi ginagawa ko lang naman ang part ko sa kasunduan natin.” “Thank you sa pagpapa-smile sa daddy ko.” Hindi naman ako bato para hindi magpasalamat sa kanya. Napakalaking bagay kasi niyon sa akin. “Ayokong lumaki ang ulo mo pero I can’t help but to say this… You’re one of a kind, Justeen, para mapangiti mo si daddy ng ganoon. Kahit ako na anak niya ay nahihirapan na mapangiti siya pero ikaw na kakakilala pa lang niya ay nagawa mo.” “Y-you’re welcome…” Hindi makapaniwalang sagot ni Justeen. Siguro ay naninibago siya dahil sa mga sinabi ko. Eh, anong magagawa ko? Thankful lang talaga ako kasi nag-smile nang marami si Daddy Amir tonight.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD