JUSTEEN KINABUKASAN sa school ay wala pa rin kaming imikan ni Josef. Ewan ko ba, bigla na lang kaming nagkahiyaan after naming maghiwalay kagabi. Of course, may kinalaman dito iyong kiss. “Alam niyo, may napapansin na ako sa inyong dalawa. Magkaaway ba kayo?” tanong ni Mocha. Napansin na niya na hindi kami nag-iimikan ni Josef. Papunta kaming tatlo sa principal’s office. Ipapaalam namin kay Pricipal Prieto iyong nangyari sa amin kagabi upang mabigyan ng aksyon ng school. Lalo na at student din naman ng school na ito sina Demo, Paloy at Yaki. “Hindi, ah!? sabay na tanggi namin ni Josef. Nagtama ang mga mata namin pero nag-iwasan din naman agad. Ang awkward naman talaga! Narating na namin nag principal’s office. Naroon naman si Principal Prieto at hindi naman siya busy kaya nasabi na

