SAMANTALA. Umiiyak at nanginginig na sa tindi ng takot si Reynalyn. Sa pagkakatanda niya ay sinundan niya ang isang babae na dumaan sa labas ng comfort room na kinaroronan nila ni Milen. Pero sa may pagliko lang. Ilang hakbang lang iyon mula sa c.r. Na curious lang siya kaya niya sinilip. At nang hindi na niya nakita kung nasaan ang babaeng dumaan ay pumihit na siya pabalik. Kaya laking gulat niya nang paglingon niya ay naging isang mahabang pasilyo na ubod ng dilim ang bumulaga sa kanya. "Paano akong napunta sa lugar na ito? Nasaan na ang c.r. na pinanggalingan ko? Oh, Diyos ko! Ano ang nangyayaring ito sa akin? Anong lugar ito? Nasaan ako?!", humahagulgol niyang tanong. "Milen! Milen! Nasaan ka?! Aldo! Josh! Butsoy! Nasaan na kayo?! Huwag nyo akong iwanan dito mag isa! Natatakot

