PARANG may bikig ang lalamunan ni Reynalyn ng mga sandaling iyon. Alam niyang hindi tama ang manatili siya sa kinatatayuan. Alam niyang maling asal ang makinig sa usapan ng iba. Lalo pa nga ang panoorin pa ang mga ito. Ngunit hindi niya magawang tumalikod. Hindi niya magawang umalis at iwanan ang tagpong nagaganap sa kanyang harapan. Patuloy ang pagpatak ng kanyang luha. Wala siyang mga kapatid. Subalit ramdam na ramdam niya ang pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob para sa lalake. Pari ang kanyang ama.., isang batik at kapintasan para sa mga kagaya nito na may suot ng abito. Isa itong huwad na tagapaghatid ng magandang balita at tagapaglingkod ng Diyos. Hindi ito kapat dapat sa tiwalang ipinagkakaloob ng mga taong dumadalo at nakikinig sa pagmi misa nito linggu linggo. Kung kaya

