SA ISANG bahagi naman ng bahay ay patuloy na hinahanap ni Aldo si Reynalyn. Nakita niya ang liwanag sa may gawing dulo ng pasilyo. Nagmamadali niyang tinungo ang lugar na iyon sa pagbabakasakaling naroon ang dalagang hinahanap. Nagulat si Aldo nang makitang may lalaking nakatayo sa may terrace. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi siya nakita. Tantiya niya ay magkasing taas sila at halos magkasing katawan. Kung iba ang makakakita sa lalaki ay mapagkakamalan pang siya ito. May kahabaan nga lang at medyo alun alon ang buhok nito samantalang siya ay maigsi. Ang suot nitong damit ay wala sa uso, di tulad niyang animo modelo ng damit. Ngunit may tikas ang tindig nito na nagpapahiwatig ng kapangyarihan at otoridad. "Siya siguro ang may ari ng bahay na ito. Dumating na siya kung ganun.", nai

