NILAPITAN ni Aldo ang kamukha niya. Tila nananalamin siya nang makaharap ito. "Tarantado ka pala eh. Nag isip ka ba talaga?! Yung mga sinabi mo kay Irenea...., yun ba talaga ang gusto mong gawin?! Yun ba talaga ang nandiyan sa loob ng dibdib mo?!", gigil na gigil niyang tanong sa kamukha na nakatingin sa kawalan. "Mahal na mahal ko siya..., mahal na mahal." "Ganun naman pala! Putang ina! Bakit mo pinahihirapan ang sarili mo?! Bakit mo siya ibibigay sa Roberto na yon?! Gago ka ba?! Hindi mo ba nakita kung paano nawala ang pagkakangiti niya nang walang anu ano ay bumanat ka ng ganung salita.?! Hindi mo ba nakita ang lungkot sa mga mata niya?! Umiiyak siya, Geralde. Bulag ka ba ha, pare? Sa tingin mo ba dadalhan ka pa niya ng tsaa dito sa ulanan kung hindi ka mahalaga sa kanya?! Pagkatapo

