CHAPTER 46 - Josh o Aldo

914 Words

NANDILAT ang humahangang mga mata ni Reynalyn nang makilala ang lalaking nakatayo at maang na nakatingin sa kanya. "Irenea..., ikaw si Irenea!", nakangiting sabi ni Aldo kahit nagluluha ang mga mata. May pagmamadali ang mga hakbang ni Aldo palapit sa dalagang sumalubong agad sa kanya. Mahigpit silang nagyakap. Pakiramdam nila ay napakatagal na panahon nilang hindi nagkita. Kapwa may luha ang kanilang mga mata. "Saan mo nalaman ang pangalang yan? Kanino mo narinig..., sino ang nagsabi sa iyo? Paano mo nakilala ang...", mga tanong ni Reynalyn na di makuhang tapusin. Pinaluwag ni Aldo ang pagkakayapos sa nagtatanong na dalaga. "Nakita mo rin sila?", sa wakas ay naitanong ni Reynalyn. Nakangiting tumango si Aldo. "Kung ganun, ikaw si.. Ikaw nga si Geralde!", naluluhang sabi ng dalaga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD