“ANO ka ba Josh, bakit ka ba nagkakaganyan?", tanong ni Reynalyn. "Hayaan mo siya Reynalyn. Matagal na sigurong kinikimkim ni Pareng Josh ang sama niya ng loob sa akin. Mas maiging mailabas na niya ngayon.", sabi ni Aldo. ********** Habang nag uusap si Geralde at Irenea ay unti unting nagkamalay si Roberto. Nakakasagap na ito ng hangin. Agad na natanawan ng lalake ang dating kaibigan at kasintahan. Muling sumulak ang kanyang dugo. Pasimple niyang hinanap ang baril na maaaring tumilapon lang malapit sa kanya. Ngunit hindi niya makita. Mahirap na para sa kalagayan niya ang makaungos pa sa laban kung wala siyang hawak na armas. Napangiti si Roberto nang matanawan ang kumikislap na bagay na yon sa gilid ng sofang nakatumba malapit sa kanya. Dahan dahan niyang pinagapang ang kamay. Tila

