KINABUKASAN, Huwebes Santo. Mula sa bintana ng kanyang silid ay palihim na tinatanaw ni Irenea si Geralde. Nakatayo ang lalake paharap sa gawi niya habang kausap ang tagasilbing si Ising kung kaya malaya niyang napagmamasdan ang mukha nito. Ang makapal na kilay na binabagayan ng mga magagandang mga mata na may mahahabang pilik. Ang matangos nitong ilong at ang mga labing tila kay sarap humalik. Nag init ang mga pisngi ng dalaga. Nakaramdam ng hiya sa sarili. Nang makita niyang nag angat ng mukha ang lalake ay agad niyang ikinubli ang sarili. Nahiya na makita siyang nakasilip. Ilang sandali din siyang nanatiling nakasandal sa gilid ng bintana. Nang mahinuhang hindi siya napansin ay dahan dahan uli siyang sumilip. Nakita niya nang iabot ni Ising ang isang maliit na bag kay Geralde. Nai

