“TOTOO ang narinig mo, Roberto. Buntis si Irenea at ikaw ang ama. Magkahiwalay sila ng silid ni Senyorito Geralde at tinitiyak ko sayong walang namagitan sa kanilang dalawa ni Irenea. Sa iyo ang batang pumipintig sa kanyang sinapupunan.", sabi ni Ising. Wala namang kibo si Roberto at mataman lang na nakikinig. "Umalis si Senyorito Geralde at bukas pa ang balik. Bukas pa sana ako uuwi sa amin ngunit mamayang gabi ay uuwi na ako upang kung pupuntahan mo si Irenea at itatakas ay wala ako roon. Ako na ang bahalang gumawa ng paraan para sa aking sarili. At ikaw naman ang bahala sa iyong mag ina. Alam kong hindi mo hahayaang maging ang iyong anak ay mawala sayo. Minahal ka ni Irenea at madali na lamang ang mahalin ka niya uli kung magkasama na kayo. Isa pa ay magkakaroon na kayo ng anak. Makuk

