NAGKAROON ng pagtatalo sa damdamin ni Geralde. Napakasaya niya. Naghihintay sa kanya si Irenea at hindi pa ito kumakain dahil gusto siyang makasabay. Binilisan niya ang pagkilos. Agad niyang isinuot ang nadampot na damit mula sa loob ng aparador at isinuot. Ayaw niyang paghintayin ng matagal ang babae. Gahol na sinuklay niya ang buhok at nagwisik ng banayad na pabango sa katawan. Muli pa niyang tinignan ang itsura sa harapan ng salamin. Sa pagkakatitig sa sariling repleksyon ay parang tuksong bumalik sa kanyang alaala ang narinig na pag uusap ni Roberto at ni Irenea. Ganun din ang pagkakakita niya sa dating kaibigan nang pauwi siya. Napalitan ng lungkot ang sayang nararamdaman niya. "Huwag mong paasahin ang iyong sarili, Geralde. Ang ipinakikita niya sa iyo ay bunga lamang ng pasasalama

